Kiss 1
Ako si Tammy.
Ang nanay ko ay sugarol at dahil sa sugal ay patong patong ang utang niya kaya naman ay madalas napapaaway siya sa mga pinagkakautangan niya.
Ang tatay ko naman ay isang dakilang lasenggo, wala na ngang regular na trabaho at pa-ekstra ekstra lang sa construction ay lasenggo pa. Sa alak lang inuubos ang kakarampot na kinikita.
Ang panganay kong kapatid, ang aking Ate Monica naman ay maagang nabuntis at walang alam kundi bumarkada tapos ang anak ay basta na lamang pinababayaan kaya madalas ako ang nag-aalaga dito. Kaya palaging naiistorbo ang aking pag-aaral.
Ang pangalawa kong kapatid ay si Kuya Fred. Lulong din sa barkada, user na nga ay pusher pa ng drugs.
Kung may swerte kahit paano sa buhay ko ito ay ang Kuya Gelo ko. Hindi kagaya ng Ate Monica at Kuya Fred dahil si Kuya Gelo ay matino. Nagtatrabaho ito bilang assistant cook sa isang restaurant at ito ang aking kakampi sa bahay namin.
Sa madaling salita ay magulo ang pamilya namin. Laging may giyera.
Kagaya ngayon, nag-aaway sina mama at papa. Kulang na lang ay magpatayan ang mga ito.
Ang pamangkin ko naman ay walang tigil sa pag-iyak. Ang nanay nito malamang busy sa Facebook at pinababayaan lamang ang anak.
May exam ako this whole week at kailangang maipasa ko ang lahat ng exams ko dahil bawal akong bumagsak o bumaba man lang sa required grades ko para ma-maintain ko ang aking scholarship.
"Kuya," sabi ko kay Kuya Gelo nang makita kong gising na ito. Kagigising lang nito dahil sa night shift ang oras nito sa trabaho.
"Mga peste talaga ang mga iyan." Naiinis na sabi ni kuya habang nagkakamot ng batok halatang inaantok pa ito.
Kapag ganitong may giyera sa bahay namin ay hindi na lamang ito nakikialam. Bakit pa? Sayang lang ang effort niya dahil hindi rin naman makikinig ang mga ito. Ang labas pa ay madadamay lang kami sa giyera. Kaya pinababayaan na lang namin.
"Kuya may mga exam ako this week, hindi ako makapag-aral nang maayos, paano ang gulo-gulo dito." Sumbong ko kay kuya.
"Mag-impake ka. Hindi pwedeng malagay sa alanganin ang pag-aaral mo dahil lang sa mga bwesit na iyan." Sabi ni kuya.
"Pero kuya saan naman tayo pupunta?" Tanong ko.
"Basta, akong bahala sa iyo." Sagot naman ni Kuya Gelo. Kinuha nito ang cellphone at may tinawagan.
Pumunta ako kaagad sa kuwarto ko at nag-impake ng aking mga gamit.
"Kuya paano si Poy?" Nag-aalang tanong ko kay Kuya Gelo. Si Poy ay ang pamangkin ko na anak ni Ate Monica.
Kung aalis kami ay sino ang mag-aalaga dito? Wala pa namang pakialam ang nanay nito dito.
"Tinawagan ko na ang tatay niya, mas maiging sa poder nila lumaki si Poy kesa naman dito. Mapapahamak lamang siya dahil pabaya ang nanay niya." Sabi ni Kuya Gelo.
Pagkalipas ng halos thirty minutes ay nandito na kami ni kuya sa isang convenient store. Sabi ni Kuya Gelo dito namin hihintayin ang pinakiusapan nito na makakatulong sa akin.
"Kuya saan ba talaga tayo pupunta?" Tanong ko na naman kay kuya.
"Kina Sir Jess, doon ka na lang muna sa condo niya makikituloy. Kahit hanggang matapos lang ang exam week mo. Kapag nakapagday-off na ako hahanap tayo ng room for rent. Saka kulang pa ang pera kong pang-down baka sa susunod na payday makumpleto ko na iyon. Kaya panay-panay ang overtime ko tapos si nanay kinuha pa sa wallet ko ang five hundred ng wala man lang paalam. Ipang-susugal lang naman, kainis!" Sabi ni Kuya Gelo na hindi tumitingin sa akin at busy sa pagta-type sa kanyang cellphone.
BINABASA MO ANG
Kiss, One Last Time (BL Story)
RomanceTwo Parts - BL Story [by mikzylove] Part 1 : (Kiss) Mamahalin ba ng isang straight na lalaki (Jess) na mula sa maayos at mayamang pamilya ang isang kagaya niya (Tammy) na mula sa isang magulong pamilya? Part 2 : One Last Time Kapag may simula mayroo...