-an unfortunate accident
-----
Dzi's POVKINABUKASAN
nakatulog na pala kami. kainis kasi sila kahapon eh, ako na nga tong gumawa ng paraan aba may gana pang magalit saken?!! kaya nilayasan namin.
teka. ano na nga bang nangyari sa dalawang yon. macheck nga sa kwarto nila.
pagpasok ko sa kwarto nila. wala sila. jusko!! wag niyo sabihing nasa taas pa sila??! OMG!!
agad naman akong tumakbo sa taas, yung susi nasa ilalim nung table sa labas. pano to???
"Aly!!! den!!" sigaw ko at kinatok katok ko yung pinto pero hindi sila nasagot.
kinakabahan na talaga ko kaya tumakbo ako pababa
"A may duplicate ba tayo nang susi sa rooftop?" tanong ko kay A
"oo meron. bakit?" tanong saken ni A
"nasa taas pa ata sila aly! nasaan ba?!" tanong ko ng nakasigaw
hindi na ko mapakali. naiiyak nako. ano bang ginawa ko? :'(
"O.O nasa taas pa?" gulat na tanong ni A "ang lakas ng ulan kagabi! bat kinalimutan mo sila?!" pag papatuloy niya
"O.O umalan kagabi?" gulat ko ding tanong. jusko naiiyak na talaga ako. bat ba kasi naisip isip ko pa yung planong yun? :'(
"oo. hala ka!" sigaw ni A sabay takbo niya sa kwarto nila gretch at sumunod naman ako
"gretch nasan yung duplicate ng susi sa rooftop?!" sigaw na tanong ni A
"hala hindi ko alam kung nasan. Fille! yung duplicate ng susi sa rooftop?" tanong ni gretch kay fille
"ewan!! teka! bakit ba ang aga aga nagsisigawan kayo?!" tanong ni fille
"eh yung dalawa nasa taas pa ata. kinatok ko pero hindi nasagot" naiiyak kong sagot
"ANO?!!" tanong nung dalawa "sobrang lakas ng ulan kagabi!! bat hindi sila lumabas?!!" tanong ni gretch
"ewan ko!! hanapin niyo na yung duplicate!!" sigaw ko at hinanap nga namin
nagkakagulo na kami dito. biglang dating naman ni ella at marge
"ano po nangyayari?" tanong ni ella
"si aly at den nasa taas pa ata. wala sila sa kwarto nila. hindi din nila ko sinasagot nung kinakatok ko sila sa taas kanina. baka may nangyari nang masama sa dalawa" umiiyak kong pag papaliwanag kina ella. naiiyak na talaga ako eh. ako kasi may kasalanan talaga nito
"ANO PO?!!" tanong ni ella "eh ang lakas lakas ng ulan kagabi!" pag papatuloy niya
sobrang lakas ba talaga ng ulan kagabi? bat hindi ko alam?! :'(
"umakyat nga kayo dun!! katukin niyo! sigawan niyo!!" pag uutos ni A at umakyat na yung dalawa
"ito na!" sigaw ni fille. sawakas nakita na yung duplicate.
tumakbo naman kami agad sa rooftop at binuksan.
pagbukas ng pinto. naiyak nalang ako sa nakita ko.
magkatabi silang nakahiga sa sahig. namumutla na at nangingitim ang mga labi at gilid ng mata.
hindi na sila mapakali habang ako nakatitig lang sa kanila.
BINABASA MO ANG
The Reality - AlyDen FanFiction
FanfictionGanto talaga ang buhay, may nasasaktan, may nahihirapan, may mga naapi, at may mga nang-aapi, pero wag niyo intindihin yon, dahil hindi tungkol duon ang kwentong ito, echoss lang ni author yun. hahahaha. any way, ang kwentong ito ay isang kathang is...