-----
Someone's POVhabang nag titwitter ako kagabi. nakita ko yung photo tweet ni fille, yung puppy, parang kilala ko eh. parang si bobby :/
ilang araw na ring nawawala si bobby.. feeling ko nga patay na yun eh, kasi naman yung cruise na sumabog :[ oo, naiwala ko si bobby dahil sa pagsabog ng cruise.. hayyy! kasi naman! wala naman talaga kami ni bobby dapat dun kung hindi lang ako pinilit ng parents ko!
ARRANGE MARRIAGE!! mukhang yun nanaman ang gusto nilang gawin, hanggang sa akin, sa huling anak nila.. bakit ba kasi kaylangan pag may business ang family niyo sila ang hahanap ng mapapang asawa mo? lagi na lang ba? pati ang ate at kuya ko, pinilit nilang ipakasal sa taong hindi naman nila mahal para lang ma maintain ang pagiging partnership and what so ever ng mga company's nila!
si kuya, sabi niya ganon daw talaga, sundin na lang daw namin sila daddy.. palibhasa kasi siya ang lalake, ang tagapag mana talaga ng company namin kaya okay lang sa kanya.. eh kami ni ate? si ate hindi siya masaya sa asawa niya, kaya sabi niya, wag akong sumunod kila daddy if I wan't to be happy in the end. susuportahan niya daw ako kasi ayaw niyang magaya ako sa kanya..
yung date sa cruise, hindi ko naman na talaga natanggihan yon. nakakahiya din naman kasi sa family ni jovee, bestfriends kasi ang daddy niya't daddy ko.. kami din naman ay bestfriends pero kasi... hindi ko talaga siya gusto, at alam kong ganon din siya.. alam kong napipilitan lang din siya.
at hanggang bestfriend lang naman talaga kami.. walang malisya yung date na yun para samin, napilitan lang talaga kaming dalawa duon kasi wala naman na talaga kaming magagawa...
pero may balak kami, gumawa kami ng plano if ever makapag decide ang parents namin ng arrange marriage between us. basta saka ko na ikukwento sa inyo kung ano ba yon..
ang importante ngayon, malaman ko kung si bobby nga yung baby zea daw nila alyssa.. bukas na bukas din pupuntahan namin sila.. magpapasama na lang ako kayyy?? basta dito sa humihilik sa tabi ng katabi ko.. haha
bukas na lang ha! antok na din ako eh GoodNight :*
-----
wait for the next chapter.. sorry talaga sa mabagal kong pag uupdate ang kung mejo bitin at pangit ang mga ina-update kong chapters.. babawi talaga ako sa next chapter. promise :*
BINABASA MO ANG
The Reality - AlyDen FanFiction
FanfictionGanto talaga ang buhay, may nasasaktan, may nahihirapan, may mga naapi, at may mga nang-aapi, pero wag niyo intindihin yon, dahil hindi tungkol duon ang kwentong ito, echoss lang ni author yun. hahahaha. any way, ang kwentong ito ay isang kathang is...