Chapter 13 - When I'm Gone

12.2K 137 0
                                    


-----
Den's POV

Ano naba nangyayare kay aly? hindi na niya ko masyadog kinakausap, akala ko pa naman dahil naging magkaroom mate kami, lalo kaming magiging close 

yun nga yung kanina, nung umakyat sila ni gretch, parang may something talga eh, parang may problema siya kaya kakausapin siya ni gretch. nung bumaba naman si gretch, dun na ko lalo nagduda kasi hindi niya kasama si ly, nag usap usap pa silang tatlo nila dzi at fille, sigurado akong may problema si ly.

kaya nung inutusan ako ni capt. na tawagin si ly dahil kakain na, pumayag agad ako dahil nga gusto ko malaman kung anong problema niya.

pero nung tinanong ko naman siya, ni hindi manlang ako kinausap ng maayos, at hindi manlang niya ko tiningnan.

namamaga mata niya, umiyak to sigurado, kaya hinawakan ko ang kamay niya at pinilit siya magsalita pero hindi parin siya nag open saken.

ano ba? gusto ko makatulong sa kanya, kahit bilang kaibigan lang sana 

matapos kumaen at makita ang nakakainggit na sweetness ng ellamarge, umakyat na kami para matulog? hindi pa, magrereview pa kami, may mga exams pa bukas eh.

habang nag sha-shower pa si ly, nireview ko muna itong college algebra at trigonometry, basic lang naman to kaya madali lang siguro hindi tulad pag eng'ng course mo, nakakadugo ng utak.

sinimulan ko na ... hmmm. hala... ano to? bakit may ganto? pano nang yari to? hindi naman to tinuro ahh. bat kasama sa exam to?! waaaa! math! hansakit mo talaga sa ulo >___<

makapag paturo nga. kanino kaya? kay gretch? wag dun, walang maituturong maayos saken yon. haha. kay ly nalang  sana kausapin niya ko.

inabangan ko si ly na lumabas ng cr. nakatitig lang ako sa pinto..

1minute

3minutes

10minutes

wala padin! antagal naman nito! kaya tumayo na ko, baka nalunod sa shower eh. haha XD matingnan nga.

hinawakan ko ang doorknob gamit ang kanan kong kamay, at nung bubuksan ko na sana biglang bumukas ito. si ly >__< nakakahiya, hawak niya ang doorknob ng kaliwang kamay, para kaming magkayakap ngayon dahil nahila din ako pagbukas ng pinto. ang bango naman neto  ganto muna kami pwede? iii. haha. kinikilig ako XD

"anong ginagawa mo jan? binobosohan mo ko noh?" mataray niyang tanong

panira naman sa moment to. kinikilig na nga ko eh. haha

"di noh! ang kaps nito! antagal mo kasi sa loob, akala ko nalunod kna" sagot ko ng nakayuko, kkahiya tumingin sa kanya eh

"suuus. palusot kapa. eh hindi ka nga makatingin saken" pagpapatuloy niya pa

"hindi nga sabi eh" sagot ko tas tumingin ako sa kanya

"edi hindi. ano ba kaylangan mo saken kamatis?" pang aasar niyang tanong saken

nagblush ba ko? aww. kasi naman eh. at bakit ba ganto tong babaeng to? ang sungit! pano niya kaya nalmang may kaylangan ako sa kanya? kkahiya >__<

"ahh. ehh. kasi .. magpapaturo sana ko sa math. pwede ba?" tanong ko

"bat saken? bat hindi kay gretta?" tanong niya saken

"eh hindi naman ako tutulungan ng maayos nun eh. ikaw nalang please? " sabay pout ko

"tsss. sige na nga. kayo talaga, porke fav subj ko math saken na kayo nagpapaturo" sagot niya tas umupo na siya sa kama.

"yeessss! thanks!" tapos tumakbo na ko sa kama ko at umupo

inabot ko sa kanya yung book at notes na inaaral ko. tiningnan niya yon, scan scan, tas tiningnan ako ng masama

"ito lang den? basics lang to magpapaturo kapa saken?" tanong niya.

napaka yabang naman neto! eh sa hindi ko maintindihan eh -___-

"wag na nga lang. yabang!" sagot ko sabay hila ko sa kanya nung notes at book

siya naman hinila uli
"mag iinarte kapa jan, pengeng scratch at lapis, ituturo ko na sayo. bilis!" sagot niya. sungit talaga nito. meron kaya to? -__-

binigyan ko na siya ng hinihingi niya at nagstart na kami sa tutorial session namin.

para kaming ano ngayon, yung sa palabas na "It's started with a kiss" nung tinuturuan ni micheal si jenie ba yon? yung nakatitig lang ako kay ly pero natututunan ko. pano kaya to nang yari? hahaha.

ang galing niya magturo, daig niya prof ko, nagegets ko agad, ang talino talaga  sana ganto din ako.

habang tinuturuan niya ako, nakatitig ako sa mukha niya, yung mga mata niyang parang laging nakatawa't nangungusap, yung ilong niya, yung abnormality ng mukha niya slash her dimples, yung labi niyang namumula na parang ang sarap ikiss kahit smack lang sana. hahaha. at ang leeg niyang ang sarap lagyan ng hickies. XD naseseduce ako kahit wala pa siyang nagagawa >__< ano ba ito?!!! ang bango pa niya! bat ba? grrr!! >:] hahaha. masisiraan na ata ako ng ulo >___<

"hoy den! nababaliw knba? bat nakangiti ka jan habang nakatitig saken? minamanyak mo ba ko't pinag nanasaan?" tanong niya sabay lapit saken ng mukha

ALY! huwaaaag! hahalikan kita sige ka! hahaha. chosss. pano niya nnamn ba to nalaman? ganto ba talaga pag psychology? nababasa iniisip ng iba? >__< kakatakot!

"hi-hindi n-noh!" sagot ko ng medyo nauutal. kasi eh, totoo kaya. haha

"talaga?!" sabay lapit niya ng mukha saken at nakaKiller smile pa!! >___< ly huwag sabi eh!!

"hindi nga!" sigaw ko

"talagang talaga?" tapos nilapit niya pa uli ang mukha niya hanggang sa maging

2inch

1inch

half inch ang layo at nadadama ko na paghinga niya. ambango, halatang bagong toothbrush. hehe

napapikit na ko. kanina ko pa to inaantay! kahit smack nga lang eh. hahaha. jk! >__<

"hahahahaha. papikit pikit kapa jan. spell asa? hahaha " tapos bumalik na siya uli sa ginagawa niya

ako naman napabukas ang mata at napatitig sa kanya. kakahiya talaga ako. asa daw?  sakeeet!

"oh. magpapaturo kpba oh ano?" tanong niya ng nakangiti

shhh! bat ba ganto tong babaeng to?

"oo. kaw kasi kung ano ano pa ginawa mo" sabi ko

"angal kapa jan kuno eh gusto mo rin naman. hahaha " tas dinilaan nanaman ako. kakainis talaga!

"ayoko na nga!" sagot ko at humiga sa kama

"wag kana mag drama jan, matatapos na to oh, pagtyagaan mo na to, bukas na exam mo dito diba?" aly

at tumayo na nga ko. bukas na nga naman kasi to tas onti padin alam ko, buti nalang may tutor ako 

pagkatapos namin, natulog na agad kami 10pm na rin kasi, maaga pa ko bukas dahil sa ipapasa kong homework.

KINABUKASAN

maaga akong nagising, tulog pa si ly, naligo na ko't umalis, ihahatid ko lang naman to sa office ni sir tapos babalik din agad dito.

pagkahatid ko nung homework, dumaan muna ko ng sb para bumili ng isang pack nang coffee something ekek. basta yung ginagamitan ng coffee maker, masarap kasi to eh. pampagising sa mga utak naming kaylangan mag handa para sa finals week na ito.

pagkauwi ko naman, sakto dahil nakahanda na ang almusal at kakaen na lang. naglagay na ko nitong binili ko sa coffee maker para pagkatapos namin kumaen, itong masarap na kape ang iinumin namin.

habang nakaen kami, may tumawag kay ly at agad naman niya tong sinagot, pumunta pa siya sa kusina, kala mo naman hindi namin rinig.

"aga mo ata napatawag? miss mo na ko agad?"
*sino kaya yon?*

"aa. sige kelan ba?"
*may lakad nanaman ba to?*

"sige sige. I love you"
*nabulunan ako. I love you? sakeet! bat ba? hayy :(*

"awww. wala nanamang I love you too? haha"
*kawawa ka naman ly. ako nalang kasi sabihan mo niyan, hindi lang I love you too sagot ko, I love you forever pa. kaya lang hindi eh*

"oo na nga lang. bye" 

at umupo na siya uli. natapos naman ako kumaen kaya naglagay na ko ng kape sa mga baso nila. nilagay ko to sa tray at dahang dahang inilapag sa table at isa isang iniabot sa kanila ang mga baso nila, pero nung kay aly na, nabuhos ko ito

"sh***t! araaay!" sigaw niya't napatayo

"hala sorry ly, akin na huhugasan ko" pag hingi ko ng sorry. bagong kulo yun eh, kaya alam kong masakit talaga yon at mahapdi..

hinawakan ko ang kamay niya pero hinila niya to

"ano ba?! masakit nga diba hinawakan mo pa!" sigaw niya "hindi kasi nag iingat! ang clumsy mo den!" sigaw niya pa uli at pumunta sa kusina para hugasan yung kamay niyang natapunan ng kape

ako naman naiiyak na. hindi ko naman kasi yon sinadya eh, hindi ko naman gusto yung nangyari 

tumayo si ate dzi at hinimas ang likod ko "okay lang yan den, siguro nabigla lang din si ly sa mga nasabi niya, pagpasensyahan mo nalang, ikaw din naman nakasakit eh" pagpapatahan saken ni ate dzi habang yung iba nananahimik

"okay lang po. kasalanan ko naman po talaga, ililigpit ko na po ito" at sinimulan ko na

"hindi na den, ako na umakyat ka muna sa kwarto niyo at magpahinga, baka kasi pag nakita ka non kung ano pa masabi, pagsasabihan ko na din" dzi at umakyat nga ako, pero hindi muna ko pumasok sa kwarto, gusto ko marinig sasabihin ni ly

maya maya

"ly bat naman sinabihan mo ng ganon si den? nagmamagandang loob na nga eh!" pagpapagalit niya kay ly

"so ano? ako pa masama at may kasalanan eh ako na nga tong nasaktan!" sagot naman ni ly ng nakasigaw

"hindi naman sa ganon ly, ang sinasabi ko lang naman eh sana hindi mo sinabihan ng masama si den" pagpapaliwanag ni dzi

"tssss. bahala na nga kayo jan!" at umalis si ly

"hoy alyssa bumalik ka dito! ayusin niyo muna yan!" sigaw ni dzi pero hindi siya pinansin ni aly

bat ganon siya? nung saturday pa siya ganyan, kahapon lang medyo mabait. tapos kanina ang ganda naman ng mood niya nung kausap niya yung mahal niya sa phone, tas ngayon ganto nanaman siya..

pumasok na ko sa kwarto at umiyak. sana kasi hindi ako clumsy, sana hindi ako ta-t*nga t*nga kanina eh di sana goodmood parin si ly at ang lahat.  nasira ko pa mga araw nila.

lumipas ang araw na ito nang hindi ako pinapansin ni ly.

ang tuesday na hindi parin pinapansin ang mga ginagawa ko't pag sosorry sa kanya

ang wednesday na hindi ako kinakausap

ang thursday na wala parin ni onting pag kibot at pag pansin sa mga ginagawa ko

at ang friday na kahit magkasama kami sa kwarto, parang wala lang ako sa kanya at para lang akong multong hindi niya nakikita

sa araw na ito ko naisip na siguro pag nawala ako, mas magiging maayos siya dahil wala nang mangungulit sa kanya, walang magpapasakit sa ulo at kung ano ano pang mga ginagawa ko sa kanya. siguro uuwi nalang muna ako sa amin tutal tapos na naman ang finals week at hindi ko na kaylangan pumasok ng maaga.

KINABUKASAN

gumising ako ng maagang maaga para magayos ng gamit at umalis. kumatok ako sa kwarto nila dzi at A para magpaalam.

"sigurado knba jan? sulitin mo na muna kaya itong isang linggong to bago magbakasyon?" dzi

"hindi na po, nakapag pasa na rin po ako ng ibang requirements ko sa school kaya uuwi nalang po muna ko" pagpapaliwanag ko

"hindi naba talaga kita mapipigilan?" dzi

yumuko lang ako

"kung ganon sige, basta mag iingat ka ha! text mo ko pag nakauwi kna. okay?!" dzi at niyakap nila ko ni A

"sige po alis na ko."

lumabas na ko at inilagay ang mga gamit ko sa kotse at umalis na.

sana tama tong naging desisyon ko.

The Reality - AlyDen FanFictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon