Chapter 14 - Sorry

12.7K 148 0
                                    

-----
Aly's POV

"saan ka pupunta? wag mo ko iwan, sorry na please :( "

nang bigla akong magising. whooo. panaginip lang pala. buti naman. tumingin ako sa kanan ko, nasan siya? nasan si den? lumapit ako sa pinto ng cr namin para alamin kung andun siya pero wala akong naririnig na kaluskos, bumaba ako para icheck pero wala siya. hindi ko naman matanong kina ate dzi dahil mejo galit pa saken yun. hayyy.

ano ba kasi nagawa ko? tsss. pero naman kasi, kasalanan naman din niya, hindi siya nag iingat, nalaplos kaya balat ko sa kamay, sobrang init pa kasi nung kapeng natapon sa kamay ko. buti na nga lang talaga at sa kamay lang kung hindi. .. nasigawan ko tuloy siya, at nabastos ko pa si capt nahihiya tuloy ako ngayon lumapit sa kanya, kahit sa fab5. ano kaya magandang gawing pag sosorry, kahit kay capt lang muna. ayoko naman ng maghihiwa hiwalay kami ng ganto.

si den .. siguro naman may pinuntahan lang yon, uuwi din yon mamaya. sana :|

pumunta ako sa sala, umupo sa sofa at nakinood ng tv. aba maganda tong pinapanuod nila, super book  Bible story, yung tungkol sa katapangan ni David. siguro naman alam niyo to.

maya maya'y tinawag na kami para kumaen, pumunta na kami lahat sa dinning area. pag upo ko napatingin ako sa tabi ko, walang plato para kay den.

"alyssa ikaw mag huhugas ng plato ngayon" pag uutos ni capt. napatingin naman kami lahat kay ate dzi, syempre simula nung monday ngayon na lang niya uli ako kinausap. kaya lang pagpapaala naman ng HhC 

hindi siya tumingin saken nung sinabi niya yon.

"opo" sagot ko. at nagpatuloy na kami kumaen. hanggang ngayon ang cold parin saken ni capt.  hindi ako sanay. kaylangan ko na talaga gumawa ng paraan para mapatawad na ko ni capt. at para bumalik na ang dati.

kaya habang nag huhugas ako ng plato ay nag isip ako. hmmm. ano nga kaya? aaa. oo 

pagkatapos ko maghugas, naligo at nagbihis agad ako para makalayas at bumili ng mga gagamitin.

bumili ako ng white roses, gumawa ako este kami nila kim at mela ng banner na may nakalagay na SORRY NA PO CAPTAIN DZI na may designs and cheche bureche. at inaral ko yung chords ng Sorry na. pwede naman na siguro to no? effort din to 

excited ako gawin tong balak ko kaya umuwi na ko at binilisan ko pag dadrive.

pero pagdating ko sa boarding house, walang tao  umalis silang lahat, di manlang ako sinabihan.

inilapag ko sa table yung banner at roses. inantay ko silang dumating

1hour

2hours

3hours

4hours

hanggang sa nakatulog na ko sa sala.

KINABUKASAN ng madaling araw

nagising ako sa sobrang gutom. lunch pa kasi yung huling kain ko. pagkabangon ko may kumot at unan na ko, wala na rin ang sapatos at medyas ko. hmm. mukhang anjan na si den ahh 

umakyat ako sa taas para tingnan sa kwarto kung andun na siya, pero wala pa rin. pagbaba ko dumiretso ako sa kusina kasi gutom na gutom na talag ako. pagtingin ko sa table nakaayos wala na yung roses at banner, sumilip ako sa sala at nakitang kong naka ayos na pala yung roses, mukhang si capt. pala nag asikaso saken 

binuksan ko yung ref. buti nalang binilhan at tinirhan nila ko ng pagkain. kinuha ko na yung rice and f.chicken, at pagkasara ko ng ref may nabasa ako

"aly alam kong gutom ka pag gising mo kaya pina tinirhan kita ng pagkaen. Salamat pala sa roses at sa banner. Apology accepted, wag mo na uulitin yon ha.

-love capt."

oha oha. kahit hindi na pala ako kunanta eh. love talaga ako ni capt. naiiyak tuloy ako. haha. jk, drama eh.

pinainit ko na yung pagkaen ko at kumaen ako ng nakangiti, ngayon ko nalang uli to nagawa. lagi na kasi ako naka simangot pag nakaen since nung monday. hindi kasi nila ko pinapansin, lalo na ni capt. buti nalang talaga accepted na ang apology ko kay capt. 

kaya lang may isa pa pala akong problema. si den pa pala. ano kaya gagawin ko naman don? 

pagkatapos ko, inakayat ko na yung gamit ko at natulog uli. this time yakap ko ang unan ni den. namiss ko na kasi amoy ng babaeng yon. 

nagising ako ng mga 10 na kaya hindi na ko nakasabay mag almusal sa kanila.

pagbaba ko,

"gising kana pala, kakain ka paba ng almusal?" dzi

"hindi na po capt. mag aantay nalang po ko ng tanghalian" sagot ko

"okay" sagot niya

"naks! bati na sila" pang aasar ni jia

"oo naman. kaw kaya bigyan ng roses at banner" sagot nman ni mich

"hindi naman siya gumawa, may pangalan nila mela at kim yung likod nung designs. hahaha" pang aasar ni A

may nakalagay palang names nila don? pasaway talaga yung dalawang yon.

"yun lang huli. hahahaha" pang aasar ni ella

"nagpatulong kasi ako, pero mas madami ako ginawa don kesa sa kanila noh" sagot ko

"defending! hahaha guilty! nag papaliwanag pa!" sagot naman ni ella

"oyyy. tama na yan! buti nga nag effort eh" pag sasaway naman ni capt.

dinilaan ko nga si ella at A. hahaha. kasi sila eh.

after ng mga pagtatalong yon. nagpunta na ko sa sala. at as usual, nag momovie marathon na naman sila ngayon.

maitext nga yung dalawa.

"Hoy! bat nilagyan niyo ng pangalan niyo yung likod nung designs?!" tanong ko sa dalawa pero hindi sila nagreply. malamang napag planuhan na nila to -____-

after ng dalawang movies tinawag na kami sa sala at kumaen. wala nanaman si den, napatingin ako sa tabi ko at napansin ata nila yon

"kapag sinusuyo, hindi namamansin. Kapah hindi nagpapapansin" jia

"Sobrang kulit man niyang tao, hahanap hanapin mo rin yan pagnawala siya sayo" mich

"Nakakalungkot kapag yung taong sobra mong pinahalagahan, bigla kana lang iniwan ng walang dahilan" jia

jusko tong dalawang to. nagsimula nanaman -___-

"may dahilan kaya kung bakit umalis" sabat ni ella

habang ako nananahimik pa rin

"kayong dalawang mag bestfriend! tigilan niyo nga yang kababasa ng mga ganyan jan! nung nakaraan pa kayo eh" pag sasaway ni capt.

"eh capt. nung monday pa naman yun, sunday na oh, 7days na " pag angal naman ni jia

pinanlakihan sila ng mata ni capt. at bwala! natakot sila. hahaha

"aly si den ba? umalis na siya kahapon pa ng umaga, dun na daw siya sa kanila" dzi

"ganon po ba? hmmm. okay po" sabay fake smile ko

"wag kana ngumiti, halata kapag fake" pagpansin ni fille. sumang ayon naman yung iba sa pagtaas ng ulo

"namimiss mo na? puntahan mo na. jan lang naman yan sa makati diba?" sagot naman ni gretch

"di na muna po siguro" sagot ko at pinagpatuloy ko na ang pagkain

pagkatapos namin kumaen, nagpunta kami sa sala at pinagpatuloy ang naudlot na kasiyahan. nagMM uli kami habang yung fab5 ay nasa rooftop

makalipas ang ilang minuto, bumaba si jem at fille

"aly tawag ka ni capt. sa taas" fille

"lagoooot!" sigaw naman nung iba kaya natakot ako

"b-baket daw p-po?" tanong ko

"ewan. basta umakyat ka nalang don" sagot ni jem at umupo na din sila sa sofa

umakyat naman ako sa rooftop at pagbukas ko ng upuan, lahat sila nakatingin saken, para bang inaabangan talaga nila ako -__-

"antagal mo umakyat" pag aangal ni gretch

"umupo ka dito" pag aalok.naman ni capt. at umupo nga ako

"bakit po?" tanong ko

"hindi ka pa ba hihingi ng sorry kay den?" tanong naman ni A

"hindi ka pa rin ba sigurado sa nararamdaman mo?" tanong naman ni gretch

"ah. eh. hindi pa" sabay yuko ko

"saan sa dalawa mo yan sagot?" tanong naman ni gretch

"sa tanong mo" sagot ko naman

"eh yung tanong ni A? kelan ka magso.sorry kay den?" tanong uli ni capt.

"hindi ko po alam capt." sagot ko

"tumingin ka nga samen! hindi pwede yan. bukas magsorry kana!" pag papagalit niya saken

"sige po" yun lang naisagot ko. baka kasi awayin pa nila ko pag sumagot pa ko ng iba eh.

"yan! bukas ha! aasahan namin yan alyssa" sabat naman ni A

"opo" mahina kong sagot

"tara na sa baba. okay na yan" pag aalok ni dzi at bumaba na nga kami

-----
Dzi's POV

Kung naalala niyo pa ang mga nangyari nung monday, nung natapunan ni den si aly, nasabihan ni aly si den ng masama at nasagot pa niya ko. tss. nainis talaga ako sa kanya non, kaya hindi ko talaga siya pinansin nung mga sumunod na araw hanggat hindi siya nag sosorry saken. Capt. nila ko, dapat ginagalang nila ko, ako rin kaya napapahamak kay coach roger sa mga ganyan ganyan nila.

nung nag sorry naman si aly, na touch naman ako, ang sweet kasi may white roses pa which is my favorite at may banner pa na kahit nagpatulong siya, at least may effort pa din siya don. tsaka may kasalanan din ako, hindi ko siya sinabihan na aalis kaming lahat dahil nag aya silang gumala, ginabi kami at nakalimutan namin siya. kaya pag uwi, ayon, naabutan kong tulog sa sala, binigyan ko nalang siya ng kumot at unan at ipinagtanggal ng sapatos at medyas. tinirhan ko na din ng pagkaen dahil mukhang gutom to pag gising neto.

yung kanina naman, sinigurado ko na bukas magsosorry siya, kakausapin ko kasi mommy ni den, sasabihin ko na pupunta si ly dun tom para magsorry kay den. at gagawa kami ng plano para mapagbati yung dalawa, medyo close naman kami nun ni tita eh 

kinagabihan tinawagan ko na si tita

*convo*

tita na pilit ko na po si ly magsorry kay den bukas

talaga? buti naman. yung batang yon kaylangan pa pala pilitin

haha. oo nga po eh. ahm. tita, ano po ba plano natin bukas

wag mo nang alalalahanin yon, ako na bahala bukas. hahaha

ganun po ba? sige po. mga anong oras ko po ba papapuntahin jan si ly?

mga 9 siguro, basta dapat maaga

sige po tita. bukas nalang po.

sige dzi.

Goodnight tita

Goodnight din dzi

*end of call*

oha oha. ang bait ng mommy ni den noh? ayaw niya daw kasi na may kaaway ang anak niya, isa pa matamlay at di daw nakain ng maayos si den simula ng umuwi kaya yan. ako ang tanungan ng mga inang nag aalala dahil ako nga ang capt.

sana maging maayos plano ni tita at magkabati na yung dalawa.

-----
Aly's POV

MONDAY na. kinakabahan ako >___< ang aga aga akong ginsing nila capt. dahil dapat daw maaga akong pumunta kila den. hindi ba talaga pwedeng mamaya nalang? hindi ko pa nga alam sasabihin ko kay den eh. naaaaa!

ibinili pala nila ko ng isang basket ng prutas

"anong gagawin ko dito?" tanong ko

"ibibigay mo sa kanila malamang!" sagot naman ni capt.

"ayy nasa ospital po ba? di ako informed -___-" sagot ko

"leshe to! sakay na!" sigaw niya saken at inihatid pa nila ko sa kotse ko. sapilitan itey -__-

tinext ko si ate dzi

*convo*

capt. bili muna tayo roses
and cakes or chocolate

siya sige

*end*

at bumili nga kami, pink roses and ferrero choc. para hindi naman mukhang tinipid di tulad nung basket of fruits, mukhang ewan. dalaw sa ospital? hahaha.

binuntutan pa nila ko hanggang sa bahay nila den para daw masiguradong pupunta ako. mga walang tiwala -____-

pagdating ko kila den sinalubong ako ni tita, yung mommy ni den.

"GoodMorning tita" pagbati ko then beso

"Goodmorning ly, nasan sila dzi?" tanong saken

"kakaalis lang po tita eh, si den po?" tanong ko

"anjan sa loob, halika iha, pasok ka ipapatawag ko lang"

at pumasok na nga kami, hindi na ko bago sa kanila dahil ilang beses na rin naman ako slash kami nakadalaw dito, malapit lang din naman kasi sa boarding house kaya anytime pwede pumunta.

"Eden patawag nga si Den, sabihin mo may bisita siya" pag uutos niya kay eden na kasambahay nila

"so iha, bakit may dala kang flowers chocolates and this?" tanong niya saken at ang tinutukoy niya na this ay yung basket of fruits. kakahiya talaga -___-

"ah. eh. kasi po tita, mag sosorry po sana ko kay den. nagkagalit po kasi kami bago siya umuwi dito" sagot ko. nahihiya talaga ako, >__<

"aaa. akala ko manliligaw ka sa anak ko eh. haha" tas tumawa ng nakakaloko si tita. yung totoo? kinikilig pa? jk. hahaha

"hala hindi po" sagot ko ng nakangiti

"oh anjan kana pala den, may bisita ka oh. magsosorry daw?" tita

"hah?!" tanong ni den

ako naman tumayo lang

"aly umupo kana, den halika dito kausapin mo to, iiwan ko muna kayo at ipaghahanda ko kayo ng miryenda" paguutos ni tita

"salamat po" sagot ko at umupo na ko

si den naman umupo ren pero malayo saken, binuksan ang tv at nanood lang. ni hindi manlang ako kinakausap 

after 10 mins na ganto lang sitwasyon namin tinext ko na si capt. di ko na kaya to, dahil para lang akong multo dito. Ganto din suguro naramdaman niya nung hindi ko siya kinakausap, masakit pala  sorry na kasi.

*convo*

capt 

oh ly? balita?

hindi parin ako kinakausap ni den 

bakit naman? ano na ba ginawa mo?

wala po

eh wala naman pala eh! kausapin mo kasi!

eh nahihiya pa ko

tigilan mo ko ly! huwag mo ko itetext hanggat hindi kapa kinakausap niyan. intiendes?

opo capt.

*end*

sungit ni capt. mukha na nga kong ewan dito ginanon niya pa ko. iiyak na talaga ako! huhuhu

buti nalang dumating si tita at may dalang cookies na newly baked? ang bilis naman ata niya to gawin?

"oh iha, den, kain muna kayo" pag aalok niya tapos umupo siya sa tabi ko

"kinausap ka na ba ly?" mahina niyang tanong saken

"hindi pa nga po tita eh" mahina ko ding sagot

"ah sige. ako bahala" tita

"ay den tikman mo naman tong binake kong cookie" sigaw niya dahil mejo malakas yung tv

"sige po ma" sigaw naman din ni den

"ly tikman mo na" pag aalok niya at kumuha na ko ng isa

"woow. ang sarap naman po nito tita" sagot ko. ang sarap talaga promise. naka dalawa na nga ko agad eh. hehe

"siyempre ako pa!" pag mamayabang ni tita. pero oks lang, masarap naman talaga

"den!" sigaw ni tita

"po?!" sigaw naman din ni den

"maligo kana muna! may pupuntahan kayo ni ly"

"po?!" tanong naming dalawa habang si den na patingin naman samin. tas si tita pinanlakihan ng mata si den. haha. magkamukha sila, ang cute nila pag lumalaki yung mga mata nila. mag ina nga sila. hehe

"sige na nga" sagot niya halatang napilitan lang at umakyat nang nakadabog

"pag pasensyahan mo na yun ly ha" tita

"okay lang po tita, sanay na rin po ako" sagot ko tas nagtawanan kami

nagkwentuhan lang kami habang inaantay si den na matapos. andami niyang kinuwento tungkol kay den, at nakakatawa yung iba. hahaha. tas nagpakita pa siya ng mga picture ni den nung baby at bata pa siya. ang cute! mukhang angel pa siya dati, ngayon??? hmmm. ewan, saka na ko magkoComment pag bati na kami. hahahaha

pagbaba ni den, nakapolo shirt din siya na grey, pero magkaiba kami di kami couple shirt ha. tsaka iba kasi siya magsuot ng polo shirt, ako kasi hanggang leeg pag nag bobotones, siya hanggang pangalawa. naka shorts din kami pareho at vans shoes. ang ganda niya, bagay sa kanya kahit ano

si tita naman umalis sandali at pagbalik niya ....

The Reality - AlyDen FanFictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon