Chapter 26 - You?!

10.8K 126 11
                                    


-----
Bea's POV

Hi Bea de Leon po :]

pwede po wag na natin pag usapan yung prank? nakakatakot yun eh. ayoko ng maalala..

tsaka hindi naman pala sila ganun talaga, ang babait nila at hindi nakaka OP kasama. ipinag luto pa kami ni ate A, ang sarap niya mag luto :d

pagkatapos namin kumaen, nag punta kami sa sala, nagkwentuhan, at tinanong kami ng tinanong.. dito na din daw namin aantayin yung iba naming kasama.. yung mga ahead samen..

"Hi!! I'm home" bati nung dumating

"hi ella, where is marge?" tanong ni capt. nagtayuan sila sabay yakap kay ate ella.

"andun pa sa kotse, ibinababa yung pasalubong namin sa inyo" sagot niya

"woooow! totoo ba yan? si ella may pasalubong saten?" tanong ni ate den

"hahaha.. oo nga! baka naman plastic nalang yan?" tanong ni ate ly

"kayo talaga. forever walang bilib at tiwala saken" sagot ni ella sabay pout

"babe oh! inaaway ako!" sigaw niya.. babe? bawal lalake dito diba?

"sino?! hindi ko bibigyan na pasalubong" sabat nung isang bagong dating. babae? O.O

teka!  diba siya si Margarita Tejada? wag mo sabihing?. .

"to naman! joke lang eh. ano bang pasalubong mo samen" tanong ni ate den

"yan tayo eh" sagot naman ni ate ella

"ito oh" sabay abot niya ng shirts

"kaya pala di ubos. shirt pala! hahaha" sabat ni ate den uli.

"wala bang pag kain? nagugutom na kami" sabat ni ate jem

"wala. inubos na nito nung nasa biyahe" sagot naman ni ate marge

"MARGARITA!" sigaw ni ate ella

"hahahaha. hindi na po. sorry na babe" sabay smack kiss ni ate marge kay ella..

na ikinagulat naming tatlo O.O

"hoyy PDA?! may mga bago dito oh. onting hiya" sabi naman ni ate gretch

"ayy. meron ba? di niyo sinabi!" sagot naman ni ate marge

"kaylangan sabihin? tsaka kung wala sila ibig sabihin samen di kayo mahihiya?" tanong ni ate den

"syempre naman hindi! eh kayo nga ni ly nag ano eh.." sagot naman niya.

"baliw to oh!" sabay kotong ni ate den kay marge. Sila ate ly at den biglang nag blush.

OMG! totoo? bat ganto mga tao dito?! nakakaGreen >__<

"tres marias! pagpasensyahan niyo na sila. ganyan talaga yang mga yan. hahaha. tsaka masasanay din kayo sa kanila someday." pag pansin samin ni capt.

"opo" sagot naman naming tatlo

ipinasok na nila yung mga gamit. nag pahinga muna yung dalawa sa sofa..

"jirah marunong ka mag gitara diba? may dala kang gitara eh" tanong ni ate ly kay jirah

"aa. opo" sagot ni jirah

"kunin mo, jamming tayo" sagot niya

"baka bumagyo. maawa ka kay amy baka di makarating ng buhay dito" sabat naman ni capt.

"hahaha.. oo nga ly" sabat naman ni ate A

"tsss. wag nga kayo!! jirah kunin mo na bilis!" sigaw ni ate ly at kinuha din naman agad ni jirah yung gitara niya

pag baba niya, tinono muna ni jirah yung gitara at nung mag istart na sana siya

"HI!! I miss you guys!" bati nung dalawang babae.. yung boses nung isa mejo familliar..

"ate gretch ito na yung pinapabili mo" sabay bato niya nung daing?.. cheap! bakit daing lang pasalubong neto?

"wooow!  thanks baby jia!! my favorite. iiiihh" sigaw niya "fille ipagluto mo naman ako. dali na"  pag mamakaawa niya kay ate fille sabay pout..

napangiti ko dun, ang cute nila.. tsaka fav. pala ni ate gretch mga ganon.

"teka. bago ba sila?" tanong nung isa

hindi ko pa sila tinitingnan eh. kaya di ko pa sila namumukhaan. nahihiya din kasi ako..

"aa. oo. Baby jia, mich meet mary may" sabay kaway ni may sa dalawa "Jirah" kaway din ni jirah "and bea" humarap ako at kumaway.

napatayo naman ako..

"O.O IKAW?!!!!" sabay naming tanong

"mag kakilala kayo?" tanong ni capt.

"hindi capt noh! pero siya yung shushunga shunga sa palengke dun sa panggasinan" sabi niya

"ikaw naman yung mayabang na kala mo kung sinong maka shunga! wala namang values! ni hindi marunong mag sorry!" sigaw ko

"at bakit naman ako mag sosorry?! eh ikaw naman tong may kasalanan talaga!" sigaw niya

"bat naman ako?! eh kung..." ... "hoyy! tumigil nga kayo! wala kaming maintindihan dito eh! ang iingay niyo pa! sigawan kayo ng sigawan!" pag sasaway samin ni capt.

"eh kasi siya capt eh!" sagot naman nung babae

sasagot pa sana ako pero pinanlakihan ako ng mata ni capt. kakatakot >__<

"baby jia, bea, pwede niyo bang ikwento ng mahinahon ang nangyari?" tanong niya

at kinwento nga ni jia yung nangyare..

"jia ikaw naman pala may kasalanan eh" sabat ni ate ly

"hindi po! tumingin ako sa daanan bago ko buksan yung pinto, wala naman pong tao talaga eh. pwera nalang kung lumitaw yan galing lupa" sabi niya

ang totoo. ako naman talaga may kasalanan eh.

nakita ko kasi siyang nag iisa, ang sad naman pag mag isa, eh mag isa din naman ako kaya naisipan kong makipag kilala. tsaka ang ganda kaya niya, kahit malayuan, at mukhang mabait naman, kaya yun..

kaya lang, nahihiya naman ako lumapit at makipag kilala. kaya naisip ko na kung sakaling mag uuntog untugan ako sa pinto nung van, mag sosorry siya at magiging magkaibigan kami? eh ako naman tong mejo shunga nga, tinry ko naman.

eh kayalang hindi pala!! sinungitan ako! ni hindi manlang nag sorry, at ang sama pala ng ugali niya, ang ganda nga demonyita naman! kaya nainis ako sa kanya... at eto nga..

"oh bea, ano ba kasi nangyari? bakit nauntog ka dun?" tanong ni capt.

"ahhh. ehhh k-kasi po.. my hinahanap po ako nun" sagot ko..

"tsss halatang nag sisinungaling. nauutal utal pa" sabat niyang mejo mataray yung boses.

"baby ji! tumahimik ka!" pag sasaway sa kanya ni capt.

"ano ba talaga kasi nang yari bea?" tanong naman ni ate A

"wag na po natin pag usapan. baka lalo pa pong lumaki" sagot ko naman

"sabihin mo ayaw mo lang umaming ikaw naman talaga may kasalanan" sabat nanaman niya kaya binatukan siya ni capt.

"araaaay!" sigaw ni jia. ang cute niya. haha

"tatahimik o tatahimik?!" tanong ni capt kay jia

si jia naman nag nod lang.

"bea, jia, magbati na kayo" sabi ni capt.

"A-Y-O-K-O!"  sagot niya

grabe naman to! ang sungit! hayyy. pero gusto ko talaga siya maging kaibigan ihh. pano kaya gagawin ko? ako nalang kaya mag sorry? :{

tumayo ako at lumapit sa kanya "sorry na. friends?" tanong ko sabay abot ko ng kamay ko sa kanya

"sige na jia" sagot naman ni capt.

"ihhh! tatanggapin na yan ni jia" pang aasar nila pwera lang dun sa mich

"tsss" sagot niya sabay abot niya ng kamay niya saken.. ang lambot naman :3

"ayan. okay na kayo ha?"  tanong ni capt.

si jia naman tumayo

"mag papahinga lang ako capt., mich tara na" at umakyat na sila

ano kayang meron yung dalawang yon? hmmmp?!

"bea pag pasensyahan mo na yun ha. hindi naman ganun yon eh. mabait yon, tsaka friendly, ewan ko nga kung bakit ganun yon ngayon eh. baka meron. hahaha" sabi ni capt. tas tumawa ng parang sira

"okay lang po" sagot ko naman

-----

naisingit ko lang. gusto ko kasi lagyan ng lovelife si jia, pero gusto ko sana itry siya sa iba bukod kay mich, tsaka mas masaya pag may lovetriangle :3 kaya yan.. hehe.

hope you like at, and okay lang sa inyo..

Comment, vote, share and suggest.. :]

The Reality - AlyDen FanFictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon