KINABUKASAN
(pero bago ang lahat, trivia muna tayo. lilinawin ko lang din, mag kaiba po ang dorm sa boarding house, ang dorm po ay isang malaking building na may mga kwarto, walang sariling CR at sa isang kwarto, madami ang pwedeng mag stay, wala din sariling sala at tv, etc. at ang Bhouse naman ay parang bahay, imaginin mo nalang. hahaha)
tuloy tayo. andito na kami sa tapat ng dorm, kasama ko ang buong pamilya syempre. habang ibinababa nila kuya ang gamit ko
"aly, mamimiss ka namin nila kuya, wag mo kami kakalimutan ha, pag may umaaway sayo at kung may nang babastos sayo, text or tawagan mo lang kami at reresbakan namin agad. diba guys?"
"oo naman ly! wag ka matakot magsumbong samen ha!"
"at ate, bawal pa magpaligaw, lagot samin manliligaw mo sige ka! babasagin namin mukha! diba po mga kuya?!"
"oo aly! wag ka papaloko sa mga ugok na yun ha! bawal pa magpaligaw ang prinsesa namin. okay?!"
"hmm. okay po mga kuya :) ang sweet niyo talaga saken, wag po kayo mag alala, lagi ko kayo babalitaan kung ano mga nangyayari saken :)"
oh diba? kahit bully yang tatlong yan, mahal na mahal parin nila ko, at mahal na mahal ko din sila :)
"boys ang oa niyo! pagkatapos niyo bullyHin yang prinsesa natin kahapon bigla kayo mag lalambing. at guys, tatlong oras lang biyahe mula satin, pwede niyo naman dalawin araw araw eh." singit ni papa. "suus papa, teka, bago tayo magkadramahan dito e ipasok na natin mga gamit niya okay?" mama
at yun nga, ipinasok na namin ang gamit ko. at dahil hindi ko pa alam kung san ang kwarto ng ale, nagtanong kami sa House Parent ng dorm. sa 3rd floor pala kami, dun sa 305 daw ang para sa mga rookies. pagkaakyat namin, isa isa nila ko niyakap at umalis na.
nakaupo lang ako sa magiging higaan ko, mag isa palang kasi ko dito kaya tahimik pa. maya maya may nagtext saken.
CONVO
kuya jr. :
aly ha! ingat ka jan! tandaan mo mga sinabi namin sayo ha. i love you princess :*to kuya jr:
awww. ang sweet mo naman kuya. opo opo, di ko po kakalimutan yon. I promise and i love you too kuya :*kuya jr.:
sige na, pahinga kana jan. wag ka makalat at burara ha! di natin yan bahay. okay? hahahaha. at isa pa, di kami ang kasama mo jan kaya mahiya okay? sige na, wag kana reply, bye princess :*hayyy. hanggang sa huli ang bully talaga, pero ang sweet talaga ng kuya ko noh? :)
humiga na ko, pinikit ang mata at nakatulog.
BINABASA MO ANG
The Reality - AlyDen FanFiction
FanfictionGanto talaga ang buhay, may nasasaktan, may nahihirapan, may mga naapi, at may mga nang-aapi, pero wag niyo intindihin yon, dahil hindi tungkol duon ang kwentong ito, echoss lang ni author yun. hahahaha. any way, ang kwentong ito ay isang kathang is...