-----
Den's POV
heto ako sa isang tabi, tulala, iniisip nanaman yung mga sinsabi ng mga tao tungkol samen ni ly. why it takes too long for them to move on? bakit hindi na lang nila kami hayaan? bakit hindi nalang nila tanggapin kung anong meron kami? masama ba talagang mahalin namin ang isa't isa?
hindi na kami makagalaw ng maayos ni alyssa, feeling namin lahat ng gagawin namin may nakatingin samen, may nagbabantay at may huhusga kaya madalas kaming hindi pumasok, hindi nag tetraining, hindi lumalabas ng boarding house. halos ayaw na naming makakita ng ibang tao kasi natatakot na kami, natatakot na kami sa pwede nilang gawin at sabihin pa.
kasalanan ko talaga to eh. dapat kasi hindi ko na talaga naisip gawin yung bagay na yon sa public place, sa harap ng mga bisita ni aly :'[
"den tulala ka nanaman" aly sabay backhug saken
"hmmm" ako
"tungkol nanaman to don noh?" siya ng nakakunot ang noo
humarap ako sa kanya ng mejo naluluha "all of these happens because of me. syempre lagi kong maiisip yon" tas isinubsob ko ang ulo ko sa kanya
"den naman" sabay haplos niya sa ulo ko "wag mo na sisihin sarili mo, gusto ko yung ginawa mo, I love what you did at my birthday, wag mo na pag sisihan yon. Everything will be all right" siya
iniangat ko ang ulo ko. "hayan ka nanaman sa Everything will be alright na yan" :'[ "kaylan ba yon ly? kaylan magiging ayos ang lahat, 3 months na ang lumipas pero trending pa din tayo. tayo pa rin ang pinag uusapan, bakit?! bakit ganon?!" ako nang umiiyak na
"don't cry na. malay mo tomorrow or the next day makalimutan na lahat nila yon. at mag sawa na sila sa pang huhusga saten" siya tas nag smile
"malay ly. ikaw na din ang nag sabi, malay lang" ako
"eeeeh! OO na yan!" siya tas nag pout "tama na kasi to. monthsarry natin diba?" siya ng ngiting ngiti
hinampas ko siya ng mahina sa braso "monthsarry ka jan! di pa nga kita sinasagot eh.:P" ako
"at least masigla ka na uli" tas nag smile uli siya at pinunasan ang luha ko "pakiss nga" siya tas ngumuso ng mahaba.. ang cute talaga niya :3
"ehhh. ayoko :P" tas tumayo ako at tumakbo
hinabol naman niya ako at ng mahabol niya ko, niyakap niya ko ng mahigpit at yung mukha niya nasa leeg ko "I love you den"
"I love y...."
"Hooooy!! kaya kayo naiissue at hindi tinitigilan eh. ke lalandi" si capt. na nang aasar tas tumawa ng tumawa. tiningnan namin siya ng masama tas bigla siyang umalis. natakot ata. hahaha..
"tara na nga sa baba, I baked cake for you" siya ng ngiting ngiti tas hinila ako
"sandali lang. wala pa nga kong bra eh" ako tas ngumuso
sya naman biglang ngumiti ng parang evil smile -____- ano nanaman kaya iniisip nito
"okay lang yan. flat naman eh. bwahahaha" siya ng tawang tawa. jusko po.. masasabunutan ko to -____-
pinandilatan ko siya, sinamaan ng tingin at ipinakita ko sa kanya ang tikom na tikom kong kamao
"joke lang.. to naman. ang sexy mo nga tingnan eh" pang uuto niya
"ewan ko sayo. jan ka lang, sandali lang ako" tas pumasok na ko ng cr
binilisan ko yung pag bibihis ko at lumabas agad. pero pag labas ko, nakita ko si alyssa na nakabaluktot sa kama, nakahawak ang mga kamay sa puson at mukhang hirap na hirap at sakit na sakit... nag alala ako kaya agad akong lumapit sa kanya
BINABASA MO ANG
The Reality - AlyDen FanFiction
FanfictionGanto talaga ang buhay, may nasasaktan, may nahihirapan, may mga naapi, at may mga nang-aapi, pero wag niyo intindihin yon, dahil hindi tungkol duon ang kwentong ito, echoss lang ni author yun. hahahaha. any way, ang kwentong ito ay isang kathang is...