-----
Aly's POV
pinigilan ko siya umalis at pinilit mag stay dito hindi dahil natatakot ako, wala lang, gusto ko lang talaga siya makasama, ewan e, di ko din alam kung bakit, hindi naman ito yung unang pagkikita namin, hindi rin naman ito ang unang naging magkasama kami, kaya di ko lam kung bakit. basta ang alam ko lang ngayon, gusto ko siya makasama.
"hmmm, sige na nga, tutal may kasalanan din naman ako kaya ka natatakot, sige na. tsaka nag pout kapa e! ang cute mo kaya! pano pa ko tatanggi?" nagblush ako sa sinabi niya, ang cute ko daw e. hahaha. HANGIN!! pero hindi lang yun noh, syempre kasi pumayag siya :)
"talaga? salamat den ha" ayun ang sinabi ko tapos, niyakap ko siya. natawa ako kasi nagblush siya.
"oo na sige na" tapos hinila niya ko "may pagkain kaba jan?" tanong niya uli, tapos napansin niya atang nakangiti ako kaya tinanong niya ako.
"oh bakit ka nakangiti?" tanong niya saken
"eh kasi nag blush ka eh, ang cute mo kaya."
"anong nag blush! hindi kaya!"
"sooows! tatanggi kapa, kita naman oh" tapos pinisil ko yung ilong niya, then nag blush siya lalo, na ngiti naman ako lalo, ang cuuute naman neto!!
"hahahaha. kamatis kana den! hahahahaha"
"kamatis ka jan?! e pano, pinisil mo kaya ilong ko"
"suuus! palusot kapa! hahaha." tapos tumakbo ako, hinabol niya ko, binilisan ko naman takbo ko pero natalisod ako sa stick na nakakalat sa sahig, si den naman natalisod din,
at boooom,
nag kiss kami o_O
nagulat kaming dalawa, nasa state of shockness kumbaga, kaya napatagal yung kiss na iyon ng mga 4-5 seconds, di kami makaimik eh. para bang tumigil yung oras, tapos bigla siyang tumayo.
waaait! wag muna! hahahaha. chosss! landi ko >_<
tumayo na din ako at nagsalita "den, sorry, di ko sadya"
"okay lang, aksidente naman yon eh"
"hmm. sorry talaga :'(" tapos yumuko ako, nalungkot ako, baka kasi bigla nalang siyang umalis at umiwas saken dahil don.
"hahaha. okay lang yun, ano kaba? wag ka malungkot, di ako aalis, tzaka di yun big deal noh! tara na, pakakainin mo pa ko diba? :D" tapos hinila niya ko sa kama ko.
"aah, oo, tara dito." tapos binuksan ko na yung bag ko at iniabot sa kanya yung mga pagkaen. siya naman tuwang tuwa, mahilig pala siya sa sweets katulad ko.
humiga na siya sa isang higaan na katabi nung higaan ko, pero siyempre may agwat yung higaan. pinatay ko ang ilaw, humiga na din ako.
"GoodNight aly, tulog na.tayo ha"
"sige, GoodNight din den"
tapos bumaling na siya sa kaliwa, hindi ko na makita yung mukha niya, siguro tulog na siya. ako naman di makatulog, naalala ko nanaman yung kiss! >___<
"hahaha. okay lang yun, ano kaba? wag ka malungkot, di ako aalis, tzaka di yun big deal noh!"
di yun big deal noh!
di yun big deal noh!
di yun big deal noh!paulit ulit kong naririnig, parang nag eecho yung mga salitang yun sa tenga at isip ko. pano bang di yun magiging bigdeal saken eh FIRSTKISS ko yun?!! waaaaaa! langyang buhay naman to oh >___< haaaay.
pinatay ko na yung lampshade, at tumingin sa kisame, yun lang ang iniisip ko hanggang sa makatulog na ko.
-----
Den's POVnag-kiss kami? Oh my Gosh >__< di ko talaga akalain, kasi naman eh, kalilikot namen, parang mga bata, yan tuloy -___-
pero yung time na yon? ayoko pa sana tumayo e, alam mo yun? ang lambot kasi ng labi niya, sarap i kiss!! <3 whaaat? o_O waaait! teka! tama ba tong sinasabi ko? masarap ikiss yung lips niya? oo, pero waaaait! mali to den! hindi talaga pwede, babae siya, babae ako, hindi pwede den! hindi pwede okay? kalma ka lang den, sigurado ako nabigla ka lang sa nangyari, and hindi naman din ito ang first kiss mo diba? maybe first kiss mo sa babae other than your mama, kaya siguro ganto. oo tama den! first kiss mo kasi to sa babae kaya nagkakaganto ka. okay lang yan den, kalma kalang. KALMA KA LANG!
haayy! iniisip ko parin na okay lang yun, normal lang yun, na aksidente lang yun... yang mga yan lang ang tumatakbo sa isip ko hanggang sa makatulog ako.
KINABUKASAN
mas na una akong nagising. napatingin ako kay aly, ang calm at ang aliwalas talaga ng mukha niya, ang ganda niya. yung mga mata niya ang kuCute, yung ilong niya okay lang naman, di katangusan pero swak!, at yung labi niya? hayyy! tekaaa! bat tuyo? basain ko kaya?! bwahahaha. chossss! pero sa totoo lang, ang ganda ng korte ng lips niya, ang sarap halikan! <3 whaaat?! den ii! andito nanaman tayo! sabi ko naman sayo wag ganyan! hayyy. kulit mo den! >___<
whaaat the?! OMG, OMG OMG! biglang dumilat si aly ng nakatingin pa ko sa kanya! >___< waaaaah! kakahiya ito.
"oh den, bakit gulat na gulat ka jan? mukha ba kong multo?" nakangiti niyang tanong. haaaay. ang ganda ng ngiti niya. :)
"hoy den? ano?!" pag tatanong niya uli.
"h-ha? e ka-kasi .. may i-ipis sa kumot mo?" sabay turo.
siya, tingin sa parte na itinuro ko, "waaaah! ipis! waaaa! bat may ipis dito??!" at nag tatatalon siya sa kama niya, sabay hinug niya ko. "den! patayin mo yung ipis! takot ako sa ipis! kadiri sila!!!!!" sabay higpit ng yakap saken!
"aly? bwahahahahaha. kalaki laki mong tao, mas malaki kapa saken takot ka jan?!"
"eh eeew eh! patayin mo na kasi! dali na!"
"eh pano ko papatayin e nakayakap ka saken?!"
"ayy sorry" sabay bitaw saken "yan na! patayin mo na dali!"
at pinatay ko nga yung ipis! whoooo! sorry ipis, ikaw pamandin saviour ko kaya lang, kaylangan talaga kita pataiyin eh, sorry.
hayy. salamat. nakalusot ako duon :) thank God :*
tumingin ako sa kanya "okay na ly! hahaha patay na yung ipis! :)"
"salamat naman! haaay. ayoko talaga sa kanila eh. nga pala Goodmorning :)"
bati niya saken"Goodmorning din, ayos na tayo? mag jaJogging tayo eh, at least 1hr dapat every morning"
"aa, sige, sandali lang"
"sige, punta muna ko sa kwarto ko ha, magpapalit pa ko ng damit at mag aayos"
"oh sige den, susunod nalang ako"
tapos lumabas na ko. hahaha. salamat talaga munting ipis <3 dahil sayo, ligtas ako. hahaha
BINABASA MO ANG
The Reality - AlyDen FanFiction
FanfictionGanto talaga ang buhay, may nasasaktan, may nahihirapan, may mga naapi, at may mga nang-aapi, pero wag niyo intindihin yon, dahil hindi tungkol duon ang kwentong ito, echoss lang ni author yun. hahahaha. any way, ang kwentong ito ay isang kathang is...