-----
Den's POV
Hi, ako si Dennise Michelle Garcia Lazaro, mahaba ba name ko? den nalang itawag niyo saken :) sophomore na ko this incoming uaap 72, pero bago yun may shakey's v-league pa. BS in Biology pala ang course ko, gusto ko talaga maging Doctor e, at dito din ako sa ADMU mag memed school pagkagraduate ko ng BSbio :) sa CSA pala ko graduate, open spiker ako dati at ngayon at libero na ng ADMU lady eagles.
...pagakyat ko sa 3rd floor napansin kong bukas ang ilaw sa room 305, pumasok ako ng dahan dahan at nakita ko si aly duon na natutulog.
ang himbing ng tulog niya kaya pumasok na ako, umupo ako sa kama niya, tiningnan ko siya, ang ganda niya, parang ang payapa ng mukha niya, para siyang walang problema, at ang simple simple nitong babaeng to. napangiti nalang ako, aalis na sana ako ng biglang may pumasok sa kwarto, nagulat ako at sisigaw na sana pero pinigilan ako ni fille. "psssh, wag ka maingay, halika dito" lumapit naman ako, sabay hinila.niya ko palabas. "ano ginagawa mo duon? ikaw ha! kabago bago ni aly pinag nanasaan mo na agad! wag ganyan den. hahahaha" "oo nga den, ito talaga, andito naman kami, wag muna yon, baka matakot sayo yun" sabay akbay saken ni gretch
"kita mo tong mga to, kung ano-ano iniisip! at teka teka! napapasarap ata pag akbay mo saken gretchen? chansing nayan aba!"
"kapal mo huyy!" sagot naman ni gretch at nag tawanan kami. biglang dating naman ni ate dzi.
"oh bat anjan kayo sa tapat ng dorm ng mga rookies?" tanong niya samen with mapanghusgang mga tingin
"ayan si den tanungin mo" biglang turo ni gretch saken
"aba bat ako aber?"
"eh ikaw galing sa loob eh!" si fille naman ngayon
"kita mo tong mga toh! nagturuan pa. teka, ilan na pala nasa loob?" tanong ni ate dzi
"isa palang po, si aly palang" sagot ko naman
"ahhh ganon ba? naiisip niyo ba ang naiisip ko?" sabay bigay ng devil smile niya. at bruha laugh.
"hmmm. oo B1, naiisip ko ang naiisip mo, bwahahaha" sagot ni gretch tas nag bruha laugh ung dalawa.
"B1 ka jan!" *tok "araaay masakit yun ha!" si gretch yun. na kutusan ni ate dzi e. hahaha
si gretch naman nag akmang kokotongn din si ate dzi pero pinandilatan siya nito. "oh ano? lalaban ka?" pananakot naman ni ate dzi
"aba mag aaway ba kayo o ano? tutunganga paba tayo dito? gawa na tayo ng plano" sabay evil laugh ni fille
jusko, ano nanaman kaya binabalak netong mga to. kawawa naman si alyssa, kabago bago eh, mapag titripan na agad ng mga to.
tapos pumasok sila sa room nila at hinila ako, kasama daw ako sa pananakot.
after 5 mins, nakapag plano na sila, ang bilis noh?! ganyan yang mga yan e, mabilis basta kalokohan -__-
6 na kami ngayon, ako at ang fab5 na sina ate dzi, fille, gretch, A, at jem. pumasok na kami sa kwarto at tulog na tulog padin si aly. naghanda na kami at eto na nga ...
-----
Aly's POV
nagising ako bigla, ano to, lumilindol ba? bat ang dilim? tumayo ako agad, nahilo ako dahil walang tigil sa pag yugyog yung kama ko, pero pag tayo ko, napansin kong higaan ko lang ang naalog. natakot na ko, lalabas na sana ako pero wala talaga akong makita, ni hindi ko alam kung nasaan ang pinto humakbang ako, nagulat ako ng may kumalabit saken. tumingin ako sa likod ko pero wala ako nakita, at wala akong makita, humakbang ako ng isa at bigla ako napatalon at natumba dahil may humawak sa paa ko. jusko takot na takot na ko, pinag papawisan na ko ng malamig. maya maya ay may narinig na ko. "help, tulungan mo ko please? tulungan mo ko" umiiyak siya.
alam kong umiiyak yung babaeng yun. tumayo ako, napatingin ako sa dulong higaan, may naaninag akong babaeng naka ubob sa tuhod niya sa higaan na iyon.
BINABASA MO ANG
The Reality - AlyDen FanFiction
Fiksi PenggemarGanto talaga ang buhay, may nasasaktan, may nahihirapan, may mga naapi, at may mga nang-aapi, pero wag niyo intindihin yon, dahil hindi tungkol duon ang kwentong ito, echoss lang ni author yun. hahahaha. any way, ang kwentong ito ay isang kathang is...