Chapter 20 - Date

11.2K 145 2
                                    

nakatulog at natuyo nalang ang basa naming damit samen...


"hala anong meron?" tanong ko.

"date niyo!" sagot naman ni capt.

"enjoy!" sabay sabay nilang sabi sabay tulak samen ni den at lock ng pinto

ang ganda dito. hindi ko akalain na gagawin at magagawa nila to

may naka arrange na flowers at candles sa paligid ng table na nasa gitna ng rooftop. dalawa lang ang upuan. may kandila sa table at pagkain. may whine sa gilid, teka!! yun yung whine na pinabili saken ah! tss. nvrmnd. ang ganda ng classical-instrumental music na pinapatugtog. ang ganda talaga ng ambience dito sa rooftop, yung amoy ng usok ng mga kandila ang bango. ang ganda talaga ng pag kaka arrange ng flowers at kandila. naiimagine niyo ba? galingan niyo kasi sa pag iimagine. hahaha

naglakad ako at napahinto. nakalimutan kong nakaposas pala kami ni den.

mejo matagal na kaming nakatayo. na ngangawit na ko.

"den upo naman tayo. ngawit na ko eh" pag aalok ko. siya naman hindi na nagsalita at naglakad nalang papunta sa table.

ang hirap naman kumilos >__<

pagkaupo namin, magkaharap kami kaya yung kamay namin nasa ibabaw ng table. nakapatong yung kamay ko sa kanya haha

kaylangan ko nang babaan ang pride ko't mag sorry para matapos na to.

"hmm. den" pagtawag ko sa kanya

"hmmmp?" pag iingay niya

"sorry kanina ha. kasi eh. nagselos lang talaga ako kay LA" sabi ko ng nakayuko "tsaka hindi ko naman akalain na andun pala si bang. sorry" pagpapatuloy ko

"hmm. bat di mo sinabi na nagseselos ka pala kay LA?" tanong niya

"eh nakakahiya naman kasi sa inyo. ang ganda ng pag uusap niyo tas sisirain ko lang?" sarcastic kong sagot "tsaka mukha ka kasing nag eenjoy kay LA kaya hindi na ko nagsalita pa" pag papatuloy ko

"hahaha. selos siya oh! friend lang kami ni LA. tsaka mas gusto ko at mas masaya ako kung ikaw ang kausap at kakulitan ko" sagot niya ang sweet ba neto?! kainis >__<

"okay" sagot ko ng nakangiti. kinikilig ako eh

"so okay na tayo?" tanong ni den

"I think so" sagot ko tapos tumawa kami pareho

bigla namang may nagsalita. nagulat kami don. may walkie-talkie palang nakakabit sa taas ng payong na nasa gita at nakatayo sa table.

"yehey! sa wakas bati na kayo" si capt. yon -___-

"nakikinig kayo sa pinag uusapan namin?" tanong ko

"syempre! hahaha" sagot naman nila

"wala kaming privacy?" tanong ko uli

"meron. mamaya. hahaha. inantay ko lang na magbati kayo, alam ko kasing mahirap gumalaw ng naka posas" pag papaliwanag niya

"kinalaman non?" tanong ni den

"diba nga tatanggalin ko lang yang posas niyo pag nagbati na kayo" sagot niya

"ahhh. oh nasan na yung susi?" tanong ko

The Reality - AlyDen FanFictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon