-----
Aly's POVlumipas ang 10 buwan, kami ang nag champion sa V-league, nakapag exam na din ako sa ACET at nakapasa kaya official mem. na ko ng ALE pati narin yung iba, naging 2nd place sa UAAP, si amy naman nakakaintindi na ng tagalog pero hindi pa siya gaano marunong mag tagalog, may mga nag kakadevelopan na rin sa team, mas naging close kami sa isa't isa at nakasama ko na lahat sa room ang mga ka team mates ko bukod kay den. nakakapag taka nga, lahat ng nakakasama ko, lagi akong pinapayuhan tungkol kay den, obvious ba na may gusto ako kay den? at isa pa, feeling ko, sa 10 months na lumipas, lalo kong nagustuhan si den. hayyy. sana nga okay lang sa kanya na may gusto ako sa kanya. :(
eto na nga ang pinaka kinatatakutan ko, pero pinaka hihintay ko din at the same time, si den na ang makakasama ko ngayon sa kwarto, sabi pa ni captain yung makakasama namin ngayong buwan na to ay ang mga makakasama na namin forever. biruin mo yun? pinag lalaruan ba kami ng tadhana, o should I say, pinag lalaruan kami ng team mates ko? -___- hayyy.
sana walang ilangan, sana, okay lang kami, sana sana. hindi naman kami nag kakailangan pag nagkakasama kami eh, pag may mga bondings and etc, napalagay na nga loob ko sa kanya eh. pero iba parin pag sa kwarto ko siya makakasama diba? iba talaga yon >___< haaaayyy.
eto na pala ang bagong room mates
room1 - ADzi
room2 - AlyDen
room3 - FilleChen
room4 - JiaMich
room5 - EllaMarge
room6 - AmyJemoh diba? LoveBirds eh! hahaha. parang pinag planuhan talaga nila. haaaay. pero hayaan na nga, basta masaya ako na kinakabahan sa bago kong room mate.
"ly! tulungan mo naman ako maglipat!" sigaw ni den saken
"oo sige, sandali lang, aayusin ko lang to"
"bilisan mo!" pag mamadali naman ni den
tumakbo na ko pataas "saan ba mga ililipat mo?"
tanong ko"eto oh, hehehe :)" hulaan niyo kung bakit siya tumatawa? -____- may 5 bagahe lang naman siya at isang malaking balik bayan box ng mga gamit niya "saan kaba pupunta? lumayas kaba sa inyo?" tanong ko
"hindi aly, nag kakamali ka, 1/8 pa lang yan ng mga gamit ni den. hahaha" ella
"grabe den?! 1/8 palang to? o_O"
"oo, bakit, angal ka?!" with nakalisik na mga mata
"hindi, wala naman ako sinasabi e -__- eto nga, tutulungan na kita" sabay hila ko nung dalawang bagahe niya. kakatakot e
at yun nga, after 100 years! natapos din namin ang paglilipat ni den ng MGA gamit niya -____-
napagod ako kaya humiga muna ko. sa kama ko.
"ly! paglapitin natin higaan natin ha" sabay tulak niya ng higaan niya patabi sa higaan ko
"oo na, ayan na eh. katabi na ng higaan ko, may magagawa paba ako?" -__- naiinis ako kasi napagod ako sa mga utos niya at sa dami ng gamit niya na inayos namen
"suus! sungit naman neto!" sabay higa niya at backhug saken
den waaaag! kinikilig ako :3 hahaha. God, bakit po ba kasi napaka clingy nitong taong to? di ko magawang magalit >__<
hingang malalim, pantago ng kilig. hahaha "oo na den, chansing agad e"
"suus. gusto mo din naman. hahaha" sabay bigay ng magandang ngiti niya saken
BINABASA MO ANG
The Reality - AlyDen FanFiction
FanficGanto talaga ang buhay, may nasasaktan, may nahihirapan, may mga naapi, at may mga nang-aapi, pero wag niyo intindihin yon, dahil hindi tungkol duon ang kwentong ito, echoss lang ni author yun. hahahaha. any way, ang kwentong ito ay isang kathang is...