TRG ~ 10

35.2K 705 18
                                    

TRG ~ X

***

Freesia

"Uy, Freesh! Mukha ka ng eng-eng! Napasali ka ba sa hypebeast?"

I woke up from my reverie when someone tapped my shoulders. Nalingunan ko si Lily na siyang tumapik sa akin.

And kaharap ko pala ang unggoy na si Dazzel na panay ang kain at 'di man lang ako ginising mula sa fantasyland. Nasa tabi rin nito si Colt na naka-yupyop sa mesa ang ulo. Pagod na naman siguro.

"Ano naman 'yong hypebeast na sinasabi mo?" I raised my brows. Then I saw a lasagna sa harap ko. Nagtatakang binalingan ko ang mga kasama ko. "Teka, binili ko ba 'to habang lutang ako?"

"Oo, wala pa ngang bayad yan eh." Sabay kindat ng gunggong na si Dazzel.

Ka-batch yata ito ni Sakuragi. Iyong sa Slam Dunk. Kung makapagsalita ito, akala mo walang laman ang bibig. Pero in fairness, hindi naman ito maamos kumain. Rich boy yan eh.

"Do I need to bayad pa ba? Baka isumbong ako ni Manang tindera sa pulis." Medyo nag-aalala kong saad.

Timang ka kasi Freesia Milan Cuenco!

Tumango-tango si Dazzel na kasalukuyang kumakain ng burger. Ang takaw lang talaga. "Bilisan mong magbayad, baka parating na ang mga pulis na huhuli sa'yo."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. I rushed to the cashier. Waah. What if nga makulong ako sa salang hindi pagbabayad sa lasagna?

Could it be theft? But I didn't stole it! Ano kayang kaso ko? Tsaka if makulong ako, who will bail me out? Imposibleng iyong ama ko, wala care iyon eh. Si Priam kaya? Naku, baka busy-busyhan na naman iyon. Err, would Apollo bail me out?

"O, ineng, anong bibilhin mo?" Napakurap ako kay Manang tindera.

Ano nga bang bibilhin ko?

I stared at the foods at my front while my mind's wandering and thinking what I'm about to buy. Napakamot ako sa batok ko. Err, I forgot.

"Sandali lang, manang, babalik ako!"

Then I run to the guys I'm with.

I should ask them what I'm about to buy.

"Oh, nakabayad ka na?" Dazzel asked me.

Bayad? Ahhh! Now I know what I'm about to do! Dali-dali akong bumalik sa cashier never minding the laughs at their faces when I left them. Mukha silang nagpipigil ng tawa nang umalis ako sa harap nila.

"Manang, nag-order po ako ng lasagna.." Ani ko sa cashier, giving my money.

"Ahh, ba't hindi ka kumuha, ineng? Kuha muna bago bayad." Nakangiting saad ni Manang tindera. May name siya eh, nakalimutang ko lang. Itatanong ko nga kay Lily Jane.

Napakamot ako sa batok. "Eh manang, nakakuha na po ako, hindi lang nakabayad. Sana po 'wag niyo akong idemanda." Nakikiusap kong saad.

"Ha? Naku, ineng, hindi naman ako nagdidemanda. Parang iyon lang eh. Ayos lang 'yan. Aba'y ang honest mo nga, eh." Nakangiting saad ni Manang.

I felt like heaven opened up and I heard the angels singing when I heard what she said! Ohmygosh! Hindi makukulong ang beauty ko!

"Oh, nanay, siya 'yong sinasabi ko sa'yo kanina." A much younger woman told Manang. Siya yata 'yong nakatoka sa pagbibigay ng mga pagkain na ino-order.

"Ah, iyong sinabi mong nagbigay sa'yo ng limang daan at umalis? Aba'y may sukli ka pa, ineng!" Anito at dali-dali akong sinuklian.

What the heck!? Ganoon ako kalutang kanina? I bought food and gave five hundred pesos and didn't even wait for my sukli?

The Runaway GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon