TRG ~ 12

30.6K 713 22
                                    

TRG ~ XII

***

Freesia

I've never expected my training to be easy.. knowing how tough it is in the business world.

But this is beyond my expectation! I felt like I am being a slave.

Ms. Rosetta Pagudpod is making my training hell! She's literally making me pagod always. Alam mo iyong kaonting bagay lang, kailangan pang iutos? She's just so unprofessional!

"Pakilapit nga niyang trashbin dito sa maaabot ko. I can't properly throw my trash. It's so far."

Naniningkit ang mata kong sinamaan ng tingin ang trashbin. Oh yeah, alangan naman si Ms. Pagod ang bigyan ko noon? Eh, nakahawak pa siya sa makapal niyang reading glasses at seryosong nakatutok ang tingin sa akin. So pardon na lang sa basurahan, siya ang gagantihan ko.

See how irrelevant the jobs she's making me do?

One time, she asked me to buy in the bookstore, with a list. It's actually not part of my job. But I know I can't vent my brat self here in my training.

So, eventually, binili ko ang mga iyon at pagdating ko.. Wow, may stock naman pala nong lahat! Some pencils, ballpens, pins.. etc! Mga sa fifty items lang naman ang pinabili niya. Hindi naman ako nahirapan, yeah..

Nalanghap ko lang naman ang lahat na yata ng usok dito sa Metro Manila sa pinagawa niya sa akin! Traffic, iyon ang keyword! At hindi ba't super friends kami n'on?!

Nasa job description ko ba ang pagtimpla ng kape para sa kanya? No! Pero dahil siguro sa hilig niya sa panonood ng mga dramas na parte ng pagpa-pahirap sa mga employees ang pagpa-patimpla  nito, one week na niyang pinagagawa sa akin iyon.

I don't know why she seems to feel animosity in me. Para talaga siyang may lihim na galit eh.

"Cuenco, organize this alphabetically!" At tinambakan na naman niya ako ng files na sobrang taas wherein ang dami ko pang kailangan i-encode!

"Naku! Ang bruha talaga niyang si Ms Pagudgod! Ang dami mo pang gagawin, girl! Ngarag ang beauty mo!" Comment ng isa kong katabi sa cubicle na regular employee na si Gigi.

Buti nga nandoon ito para tulungan ako kahit pa-paano. Like duh! Hindi pa nga ako namamatay, nasa hell na agad ako?

Siguro reyna iyan doon si Ms Pagudgod. Yeah, her surname's actually Pagudpod but her other employees call her that. Hindi lang naman daw kasi ako ang nakatikim ng pagpapahirap nito. Sila rin daw noong trainee sila dito. Kung hindi nga lang daw mahal ang sweldo at maraming benefits ay hindi na sila papasok sa company na ito.

But SGC is a prestigious company and they are good in treating their employees. Marami silang benefits na ibinibigay.

Everything's right with the exception dito kay Ms Pagudpod na matandang dalaga kaya parating nagmi-menopause.

"Grabe sa level up ang pahirap niya sayo, girl. Inggit siguro 'yan sa radiant beauty mo.." Dagdag pa ng chismosa naming kasama na si Arnie. He's gay by the way.

I flipped my hair with her statement. Of course I'm aware with my beauty. At wala sa vocabulary ko ang maging humble. Wala naman iyong kaso dahil wala naman akong naaapakan.

They've been telling me that. Hindi iyong sobrang ganda ko ha? What I'm saying is that naging grabe raw ang level of difficulty ko. One of this days, matanong nga kung ano ang ikinagagalit niya sa akin.

Kung ang maganda kong mukha na ala-Dyosa ang problema niya, well I can't do something about that. In born na talaga ang kagandahan ko at ang hirap lang pigilang lumabas! Umaapaw kasi.

The Runaway GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon