TRG ~ V
***
Freesia
"Really, why did you runaway?"
He raised his brows at me. "You only remembered to ask me that now?"
Inirapan ko siya habang inaayos ang aming pinamili. I tried to put the canned goods in the cupboard, only to not reach it..
Wala na nga talaga iyong laman. I'm really out of stock. Buti nakalibre pa ako dito kay Apollo. Malamang kahit pa sabihin ko sa ama ko na wala na akong makain, he would not care.
Naiiling na inagaw niya sa akin ang mga de lata at walang kahirap-hirap na nailagay sa hindi ko maabot na pwesto.
"Eh di ikaw na ang matangkad!" Pambubuska ko sa kanya.
I didn't receive any reaction from him. Tinotopak na naman siguro ito at sinasapian ng pagiging suplado. We may not be together for a long time but I have an idea with his moods. Paiba-iba iyon, parang panahon lang.. Sometimes it's sunny then biglang bubuhos ang ulan. Napaka-unpredictable.
"Kita mo 'yang hawak mo? That's pancit canton. Alien ka kasi kaya hindi mo alam."
I took out the ice cream from the bags. Yum. Nothing beats an ice cream for me. Any flavor would do except those with nuts. I hate it.
Tinulungan niya ulit akong buksan iyon nang mapansin na nahirapan ako.
Pinagtaasan ko siya ng kilay. Ba't ang bait yata nito ngayon?
Then he continued arranging the goods. Nagtagal ang tingin nito sa pancit canton. Totoo nga? Alien talaga ito?
"How do you cook these?" He asked curiously.
I couldn't help but laugh at him. Wala nga yata talaga itong ideya sa instant food na iyon. Shocks! Saan ba ito pinalaki at hindi ito nakatikim ng pancit canton?
"Prinsipe ka ba?" Natatawa kong pahayag. Tiningnan lang niya ako ng masama. "Don't worry, I'll cook that for dinner." Hindi ko mapigilang muling matawa.
He seems to know the other goods though.
"Our che--" Napatigil ito at tumikhim. "Our cook doesn't prepare this." Paliwanag niya.
Nginusuhan ko na lang siya at in-enjoy ang ice cream habang ito ang nag-aayos ng mga pinamili namin. He seems to know how to work in a kitchen.
"Do you cook?" Naisipan kong itanong.
Baka kasi señorito nga ito at hindi maalam sa mga gawaing bahay.
Nakisalo siya sa aking ice cream. Magkaiba kami ng spoon, ok. Ok, whatever.
"A little. Some basic cooking skills. Saute. Frying." Anito matapos subuin ang ice cream.
Napatingin ako sa labi niya when he licked his lips. I suddenly felt my face burning. Agad akong umiling at pinagpatuloy ang pagkain. Hindi ko na siya tiningnan pa. Kung anu-ano na lang kasi ang pumapasok sa isip ko.
Nang may bigla akong naalala. Nanlaki ang mata ko at pinalo siya sa braso.
"Hey, hindi mo sinagot tanong ko kanina! And, teka lang.. 'Di ba tinanong ko rin iyon kahapon o kanina? Nililigaw mo ako!" I slapped his shoulder again.
A small smile crossed his lips. "You easily get distracted that's why. And you seem to forget asking again so.."
Aba, hindi nito itinanggi, ha. Akala niya siguro close na kami.
"Wait, is that the tv making noise? Did you open it when we got home?" Kuryosong tanong nito.
Napakamot ako sa ulo.

BINABASA MO ANG
The Runaway Groom
Humor[ Stanford Series #1] [FIN] She tends to forget a lot of things. She often forgets locking her unit. She forgets doing her grocery. She forgets her family's birthday sometimes.. or not just sometimes? That's her, but what's worst was when she didn't...