TRG ~ 14

29.2K 663 60
                                    

TRG ~ XIV

***

Freesia

Ang dami naming dinaanan na obstacles bago kami nakarating sa dalawang pakay namin.. Sa dalawang taong busy sa kanilang buhay. My hardheaded cousin was drinking like liquor's just like water. And Apollo's bratty sister's watching my cousin like she saw her crush for the first time.

Bukod sa crowded ang club mula sa mga nagsasayawan ay marami pala ang nakakakilala kay Apollo dito. Totoo nga yata ang sabi ni Candice na kabilang sa Hottest Bachelor in Asia itong kasama ko. Well, I don't care about them, as long as nakahawak sa palapulsuhan ko ang long and soft hands ni Apollo.

Pero nairita ako dahil sa isa naming nadaanan na crowd.

"Apollo! You told us you're already going home! Why are you still here? Have you seen Venice?" Ani ng isang lalaki na naka-bihis babae. He's obviously gay.

May hawak siyang kopita at medyo nasa drunken state na yata siya dahil sa pungay ng kanyang mga mata. Mabuway na rin ang kanyang pagtayo na nagiging maayos lang kapag kumakapit siya sa kasama niyang lalaki. Na ang lalaki nama'y namumungay na sinusuyod ako ng tingin.

Apollo held my waist and hidden me at his muscular back. Kung saan hindi ko nakikita ang lalaki. Hindi ko naiwasang ngumisi at kinurot siya ng pasimple. Oh well, ang charming ko lang kasi.

Tinitigan niya ako ng seryoso bago binalingan ang kakilala niya.

"I still have an unfinished business here." He said in a baritone voice.

Humagikhik ang isa nilang kasamang babae at nginitian nito ang kasama ko gamit ang malanding ngiti. What the heck, kokontrahin pa yata ako. But my worry faded when Apollo didn't even throw her a glance.

"You should have seen her! She became more like a goddess now after coming back from the States! Gumanda pa siya lalo mula nang hindi natuloy ang wedding niyo. She looks so fabulous!" His gay acquaintance said with exaggeration.

Tila nabingi ako sa narinig ko. Wedding? Iyong tinakasan ni Apollo? Ngayon lang ako nakakuha ng impormasyon tungkol doon! So Venice ang pangalan ng babae? Mas bongga pa rin ang Milan ko.

"We've already met." He replied to the guy's inquiry. "We need to go." Sabay tango at hila niya sa akin paalis doon.

Ni hindi na niya hinintay na sumagot ang mga kausap niya.

And why is he in a rush? Is it because he doesn't like talking about his ruined wedding? Or he just want to see his sister?

Gusto ko pa sanang makinig tungkol sa usapan nila. I'm so curious about it. Bakit nga ba siya tumakas sa kasal niya at nag-ala-Runaway Groom? Ano ang reason niya? I have so many questions in my head and I really want to ask him about it. But he always have a way out whenever I ask him about it..

May iba pa kayang dahilan kaya hindi natuloy ang kasal bukod sa pagtakas niya?

And he said he met his ex-fiancée? When? Kailan iyon nangyari? And why am I just talking in my head? Ba't 'di ko na lang kaya siya tanungin ano?

"Ap---" He gave me a serious stare.

"Vox.." I sighed.

Ang arte niya talaga. Parehas lang naman niyang pangalan iyon!

"Your cousin looks fine.." He suddenly said.

Napatingin ako sa pinsan ko na kasalukuyang Jack Daniels ang tinutungga. Ano na naman kayang problema nito sa buhay?

"Psst, bata! Anong ginagawa mo dito?" Sabay pandidilat ko ng mata kay Artemis.

She's wearing a simpler clothes now. She's in her white cropped top and skinny jeans. She looks so mature now. Wala rin siyang ribbon sa kanyang buhok na nakalugay lang.

The Runaway GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon