TRG ~ 21

28.4K 544 30
                                    


TRG ~ XXI

***

Freesia

I felt like my heart's being ripped into pieces. Hindi raw niya gusto.. Hindi niya nagustuhan. Bakit? Is it because I didn't prepare a grand confession? Dapat ba may pa- mob dance pa ako? Flowers? Balloons? Ganoon ba dapat? Or is it because he already get back with his ex?

Ganoon lang? Natalo ako ng wala man lang ginawa ang babaeng 'yon?!

Napakuyom ang kamao ko. Kung sana si Pacquiao lang ako, sinuntok ko na itong si Apollo para ma-knock out! Imagine how I took up all my courage just to confess to him and this is what I earned?! Isang basted? Where's the justice?!

No way! This is not happening!

Alam kong hindi lahat ng nagko- confess ay may successful rate but I estimated the probability of this! Where did I go wrong?

"Freesia.. Hey, are you listening to me?" Mahinahong niyang tanong.

"Ano pa ba ang dapat kong pakinggan? Ayaw mo sa akin di'ba?! Binasted mo na ako! Lumabas ka na lang! I don't want to see your handsome face anymore!" Nakatayo pa ako habang sinisigawan siya.

Nakakuyom ang kamao ko sa gilid dahil sa sobrang galit. My whole face is red, I could feel it. Is it normal to feel this way?

At bakit nakangisi pa itong Apollo'ng 'to? Siya na nga ang nambasted, ang saya niya pa!

"Did I say that I don't like you?" Nagingiti niyang tanong habang nakatitig ang abuhin at singkit niyang mga mata sa akin.

"Pagkatapos ng lahat ng pag-iipon ko ng lakas ng loob---" I suddenly trailed off. Teka? Ano raw? "Eh di'ba sabi mo you don't like my confession?"

"Ah- huh.." Sabay tango niya. "But I didn't say I don't like the person who confessed. It's just that I should be the one doing that."

I am dumstruck as I digest everything that he's saying. Nagkaroon yata ako ng brain malfunction.

Ano nga ang sabi niya? Iisa-isahin ko muna ng intindi, okay?

Hindi naman daw niya sinabi na hindi niya gusto ang taong nag-confess..

So ibig sabihin..

Teka, may isa pa..

I should be the one doing that..

Teka, teka? Hmmm.. asa'n na nga ba ako?

Ah! Ayon! Gusto niya raw na siya ang mag-confess..

Well, okay lang naman. Kung iyon ang gusto niya-----

Confess? Confess?! Does it mean---

"Hey.."

"Bakit kasi hindi mo sinabi agad! Ayan! Nag-emote pa tuloy ako!" Sabay palo ko sa masculine arms niya.

Yes, libre tsansing.

Grabe lang, ah! Feel na feel ko pa naman ang drama pagkatapos ay hindi naman pala ako basted. Aba, grabe ang kaba ko doon ah? Daig ko pa si Miss Philippines na akala ay si Miss Colombia ang panalo.

"It's not my fault that you conclude so fast. You should at least try listening first." Naiiling na pahayag niya. He frowned at me.

Ganoon pa rin siya, madalas pa ring mag-lecture.

"Uy.. Gusto niya ako.." Panunukso ko sa kanya. Sabay sundot sa may gilid niya. I can't keep the smile off my face. "Kailan pa? Siguro noong una mo akong nakita, no? Nagandahan ka siguro agad sa akin." Pagmamayabang ko.

The Runaway GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon