a/n: hello everyone! narito po ang book 2 ng bachelor's pad series. story ito ng pinsan ni Rob Mitchell na si Ross. available po ang mga libro ng series na ito sa mga bookstore kaya kung nagustuhan niyo po ito sana makabili kayo ng book copy. thank you and enjoy reading! :)
NAGISING si Ross na parang binibiyak ang ulo sa sakit. Dahil sanay na sa pakiramdam na iyon kapag nag-party at uminom magdamag, alam na niyang mas makabubuti na huwag munang kumilos hanggang mapawi ang sakit kahit paano. Kagabi ay nag-celebrate siya kasama ang mga kaibigang sina Jay at Charlie dahil mula kahapon ay pormal na silang magkakasama sa iisang law firm. Tuluyan nang iniwan ni Ross ang trabaho sa Amerika at nagdesisyon na sa Pilipinas na ipagpatuloy ang abogasya.
Ilang linggo na mula nang makabalik si Ross sa Pilipinas kung saan siya lumaki kahit pa Amerikano ang kanyang ama. He realized that he really preferred this country to the US. Kaya nagdesisyon siyang manatili na sa Pilipinas for good. After all, narito ang kanyang ina. Mas mainam kung malapit lang siya rito.
Umuga ang kama na kinahihigaan ni Ross kahit siguradong hindi pa rin siya kumikilos. Kasunod niyon, naramdaman niya na may gumalaw sa gawing kanan niya at may brasong yumakap sa kanyang hubad na katawan.
Ah, I have company. Bahagyang napangiti si Ross nang maramdaman ang hubad na katawan ng isang babae na sumiksik sa kanya. Nawala ang sakit ng kanyang ulo at nagawang idilat ang mga mata nang may mainit na mga labing humalik sa kanyang dibdib.
"Hey, handsome. Good morning," nakangiting bati ng magandang babae na... hindi niya matandaan ang pangalan at kung paano nakilala kagabi.
Ngumiti si Ross at hindi ipinahalata ang kanyang memory lapse. Isa siyang abogado at kung may maipagmamalaki bukod sa hitsura at yaman, iyon ay ang talas ng kanyang memorya at isip. It must be the alcohol. Pinaalala niya sa sarili na mula sa araw na iyon ay babawasan na ang pag-inom ng alak.
Yumuko ang babae at hinalikan si Ross sa mga labi. Gaganti na sana siya ng halik nang mapagtantong maliwanag na sa paligid. Mabilis na pinigilan niya ang babae at tumingin sa orasan sa bedside table. Alas-nuwebe na ng umaga.
"Shit!" marahas na sambit niya at agad na bumangon. "I'm late!" Umalis siya mula sa kama. Muling kumirot ang kanyang ulo subalit hindi na iyon pinansin. Kailangan niyang mag-report sa law firm sa araw na iyon.
"Wait, Ross!" reklamo ng babae na hindi rin niya pinansin.
Mabilis na nag-shower si Ross. Ni hindi na niya nagawang mag-shave sa pagmamadali. Nang lumabas ng banyo at makitang hindi pa rin nagbibihis ang babae, pinulot na niya ang damit sa sahig at iniabot dito. "Magbihis ka na at umalis. I have to go."
Halatang nagulat ang babae subalit sa mga sandaling ito ay walang panahon si Ross para dito. "Hurry up!"
Halatang nayamot ang babae at padabog na pumasok sa banyo. Mabilis na nagbihis si Ross. Handa na siyang umalis nang lumabas ng banyo ang babae na bihis na rin. Hinawakan niya ang braso nito at hinatak patungo sa pinto ng kanyang apartment. Binuksan niya ang pinto at itinulak palabas ang babae bago siya sumunod.
"You're such a jerk!" inis na sigaw ng babae.
"God. I have a major hangover so please don't shout," pigil ang inis na saway ni Ross nang muling kumirot ang sentido dahil sa matinis na boses ng babae.
Naiinis pa rin na nagmartsa ang babae patungo sa elevator. Sumunod si Ross. Bumukas ang pinto ng elevator pagkalapit nila roon. Agad siyang napamura sa isip nang makita ang tatlong matandang babaeng sakay ng elevator. Umasim din ang mga mukha ng tatlo nang makita si Ross at ang babaeng kasama niya.
BINABASA MO ANG
Bachelor's Pad series book 2: THE FALL OF A WOMANIZER
RomanceLaki sa hirap si Bianca. Dalawa ang trabaho niya para lang maka-survive sila ng sakiting ina sa araw-araw. Kaya nang makilala niya si Ross at hayagang magpakita ng interes sa kaniya, nakaramdam siya ng insekuridad. Ross is the embodiment of an eligi...