Part 23

39.9K 976 17
                                    

AYAW pa sana ni Ross na maghiwalay sila ni Bianca. Malay ba niya kung kailan na naman niya ito makikita. Subalit kailangan niyang pagbigyan ang dalaga. At least, for now. Sa susunod, hindi na niya hahayaan na umiwas si Bianca sa pagsagot sa kanyang mga tanong.

Isa pa, may napala naman si Ross sa pag-uusap nila. Nabigyan ng kasagutan ang ilan sa kanyang mga tanong. Nabigyang-linaw kung bakit palaging nasa coffee shop si Bianca noon tuwing umaga. Kaya pala noong huling beses na nagkita sila sa coffee shop, sa loob nanggaling ang dalaga at hindi sa front entrance. Nagtatrabaho pala ito roon.

Night shift. Shit! Wala bang nararamdamang takot si Bianca? Delikado sa isang babae ang magtrabaho sa isang establisimyento na maaaring pasukin ng kahit na sino nang ganoong oras. Ano ba ang iniisip ng management ng coffee shop na iyon?

Higit sa lahat, nainsulto si Ross nang sabihin ng dalaga ang dahilan kung bakit hindi nito sinabi agad sa kanya na dalawa ang trabaho nito. Mukha ba talaga siyang snob? He didn't think so. Sa kanilang magkakaibigan, si Charlie ang ganoon, hindi siya.

Naihatid na ni Ross si Bianca sa parking lot ng pinagdarausan ng event at nasa biyahe na siya pauwi nang tumunog ang kanyang cell phone. Sinulyapan niya iyon nang magpula ang traffic light. Natigilan siya nang makita na si Ferdinand Salvador ang tumatawag. Sinagot niya ang tawag. He turned the speaker on.

"Mitchell," bungad ni Ross kasabay ng pagpapaandar ng sasakyan nang magberde ang traffic light.

"Where are you?" tanong ni Ferdinand mula sa kabilang linya.

"On the road. Bakit?"

"Gusto kitang makausap. Hihintayin kita sa opisina ko. You must come, Mitchell."

Napansin ni Ross na walang halong pag-uutos ang tono ni Ferdinand. Sa katunayan, tila pa nga ito nakikiusap. Sigurado siya, si Bianca ang gustong pag-usapan ng matandang abogado. Kunsabagay, balak naman talaga niyang kausapin si Ferdinand tungkol sa dalaga.

"Sige. I'll be there," sagot ni Ross.

Pagkatapos ng tawag, itinuon niya ang atensiyon sa pagmamaneho patungo sa law firm. Inihanda niya ang sarili para sa komprontasyon nila ng matandang abogado.

WALA pang tatlumpung minuto ay nasa law firm na si Ross. Hindi tulad ng dati na bumabati pa siya sa mga nakakasalubong, dere-deretso siyang naglakad patungo sa opisina ni Ferdinand Salvador.

Nasa private office na ang matandang abogado nang dumating siya. Nakatayo ito patalikod sa pinto at nakaharap sa bintana.

"Ano ang pag-uusapan natin?" tanong ni Ross kahit alam na niya.

Humarap si Ferdinand sa kanya. "Magkakilala kayo ni Bianca." Hindi iyon tanong.

Dumeretso siya ng tayo at sinalubong ang tingin ng matandang abogado. "Oo. Nakilala ko siya bago ko malaman ang koneksiyon niya sa 'yo." Nagtagis ang kanyang mga bagang nang maalala na naman ang tungkol doon. "Ilang taon pa lang ako sa law firm na 'to pero ilang beses ko na kayong nakasama ng asawa mo. I never imagined of you as someone who would cheat on his wife. At si Bianca pa?" nanggigigil na sabi ni Ross. Ikinuyom niya ang mga kamay dahil sumusulak na ang kanyang galit para kay Ferdinand na isa sa mga inirerespeto niya... noon.

Pinakatitigan siya ni Ferdinand. "You like Bianca?"

"Yes," walang pag-aalinlangang sagot ni Ross. "And I intend to steal her away from you. Because she doesn't deserve to be a kept woman. She deserves more than that. Kaya gusto kong putulin mo na ang relasyon ninyo. I am going to do everything in my power to prevent her from coming anywhere near you," determinadong dugtong niya.

Bachelor's Pad series book 2: THE FALL OF A WOMANIZERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon