MALAKAS ang kabog ng dibdib ni Ross. Pakiramdam niya, biglang nabuhay ang kanyang dugo at pumipitik ang adrenaline sa kanyang ulo. Hindi niya inalis ang pagkakatitig sa babae sa kanyang harap. Ni hindi siya kumukurap sa takot na baka pinaglalaruan lamang siya ng mga mata; that the woman in front of him might not really be Bianca. Baka dahil hindi niya nakita ang dalaga sa coffee shop kaninang dumaan siya roon ay nabuo ito sa kanyang aparisyon. O baka sumobra na lang ang kanyang frustrations—sexually and emotionally—kaya namamalikmata na siya.
Subalit ilang pulgada na lamang ang layo ni Ross sa magandang babaeng nakatayo sa di-kalayuan ay hindi pa rin ito nawawala. So she must be real. And more beautiful than the last time he saw her. Napahugot siya ng malalim na hininga at sinalubong ang tingin ni Bianca na tila ipinako sa kinatatayuan.
"Bianca," usal ni Ross. Lalong nabuhay ang kanyang dugo nang manulas sa mga labi ang pangalan nito.
Kumurap ang dalaga at noon lang rumehistro sa kanya ang pag-aalinlangan at tensiyon sa mga mata nito. Na para bang ayaw siya nitong makita. Worse, para bang gusto ni Bianca na tumakbo palayo sa kanya.
Tumiim ang mga bagang ni Ross sa isiping iyon. Tuloy, bago pa napigilan ang sarili ay nahawakan na niya ang braso ni Bianca na nagpasinghap dito.
"Come with me," sabi niya bago hinila ang dalaga palabas ng gusali.
Noon tila natauhan si Bianca. "No, bitiwan mo ako, Ross..." mahina ngunit mariing sabi nito.
Lalo lamang sumulak ang pagrerebelde sa dibdib ni Ross. Humigpit ang hawak niya sa braso ni Bianca; but not so tight that it would hurt her. Sa kabila ng lahat, isa iyon sa mga bagay na hinding-hindi niya gagawin. Subalit wala rin siyang balak pakawalan si Bianca. "No. We're going to talk and that's that," seryosong sabi niya.
Sa gilid ng mga mata ni Ross ay nakita niya nang mariing kagatin ni Bianca ang labi na tila pinipigilang magprotesta. He was tempted to touch her lips. And maybe, kiss her senseless.
Not maybe. I will kiss her senseless. Pagkatapos niyang guluhin ang utak ko sa loob ng ilang linggo, I deserve it, determinadong naisip ni Ross. Wala na siyang pakialam kung late na siya sa meeting nila ng kanyang superior. Saka na niya iisipin si Ferdinand Salvador. Mas mahalaga na masolo niya si Bianca bago pa ito makahanap na naman ng tiyempong takasan siya. Hindi na siya papayag na mawala na naman si Bianca sa buhay niya na parang bula.
Ross knew he had fallen for her deeply. Kailanman ay hindi pa nangyari iyon sa kanya sa ibang babae. Hindi siya ang tipo ng lalaking humahabol sa babae. Siya ang hinahabol. At kapag biglang nawala sa buhay niya ang isang babaeng nakilala ay walang anuman iyon sa kanya. He would just move on to the next woman who can warm his bed.
Subalit natitiyak ni Ross na pagdating kay Bianca ay iba na. Hindi pa niya maipaliwanag kung bakit. All he knew was that he had a feeling she was going to be his downfall.
Nakalabas na sila ng revolving door at nasa parking lot na kung saan walang ibang tao kundi silang dalawa lang nang muling magsalita si Bianca. "Bakit ka ba nandito, Ross?" mahina ngunit puno ng tensiyon na tanong nito.
"My law firm is inside that building," sagot niya.
Napasinghap si Bianca at huminto sa paglalakad. Napatingin si Ross sa dalaga. Namumutla ito at nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa kanya. May lumukob na pag-aalala sa kanyang dibdib. Hindi na normal ang pagkataranta na nakikita niya kay Bianca. May ginawa ba siyang mali para iwasan siya nito nang ganoon? Okay lang naman sila noong huli silang nagkita. But after that phone call when she turned him down, he knew something was wrong.
Nang bahagyang higitin ni Ross si Bianca palapit ay tila dahon na nagpatangay ang dalaga. "Bianca, we really need to talk." Malumanay na ang kanyang tinig nang sabihin iyon. Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon sa mukha ng dalaga kaya pinadausdos niya ang kamay na nakahawak sa braso ni Bianca pababa sa kamay nito. "Come on, Bianca."
He held her hand and it felt like it was the best thing he had done in days. God, he had missed her. Hindi akalain ni Ross na darating ang panahon na may mami-miss siya ng ganoon katindi kahit kung tutuusin, hindi pa naman sila matagal na magkakilala ni Bianca. Hell, kung tutuusin, hindi pa naman talaga sila magkakilala. Naunsiyami ang getting-to-know date nila.
Nag-angat ng tingin si Bianca at nagtama ang mga mata nila. May kumislap na emosyon sa mga mata ng dalaga na parang suntok sa sikmura ni Ross. Repleksiyon iyon ng mga emosyong naramdaman niya sa loob ng isang linggo mula nang maunsiyami ang paglabas nila.
Longing, desire, frustration, pain... sadness?
Kumunot ang noo ni Ross. Bakit malungkot ang dalaga? Naningkit ang kanyang mga mata at pinagmasdan nang husto ang mukha ni Bianca. Subalit bago pa ma-analyze ang ekspresyon sa mukha ng dalaga ay naramdaman na niyang kumalas ito mula sa pagkakahawak niya, pagkatapos ay umatras palayo sa kanya at huminga nang malalim.
"Ross, hindi ito puwede. Sinabi ko na sa 'yo noong tumawag ka sa akin, hindi ba? Humanap ka na lang ng iba."
Tumiim ang kanyang mga bagang. "Kung kaya ko ay ginawa ko na sana. But I can't, Bianca! How can I look for someone else when all I can think of is you?" bulalas niya.
Ilang segundong tila nagulat si Bianca bago muling umiling at umatras na naman. Dumidistansiya ang dalaga. At hindi na naman iyon gusto ni Ross. "A-aalis na ako?" usal nito at akmang tatalikod.
Like hell, you will. Humakbang si Ross palapit kay Bianca. At bago pa tuluyang makatalikod ay hinawakan na niya ang dalaga sa batok at hinigit palapit. Napasinghap ito at ibinuka ang mga labi upang marahil ay magsalita.
But he wanted to make a point; that there was something more than just attraction between them. May dahilan kaya sila nagkita roon kahit pa pinutol na ni Bianca ang ugnayan nila nang hindi nito sagutin ang kanyang mga tawag. Hindi tulad ng palaging sinasabi ng dalaga, hindi madali para sa kanya ang basta na lang ito kalimutan.
Ginawa ni Ross ang gusto niyang gawin mula pa noong unang makita si Bianca sa coffee shop. Tinawid niya ang pagitan ng kanilang mga mukha at hinalikan ito sa mga labi.
BINABASA MO ANG
Bachelor's Pad series book 2: THE FALL OF A WOMANIZER
RomanceLaki sa hirap si Bianca. Dalawa ang trabaho niya para lang maka-survive sila ng sakiting ina sa araw-araw. Kaya nang makilala niya si Ross at hayagang magpakita ng interes sa kaniya, nakaramdam siya ng insekuridad. Ross is the embodiment of an eligi...