Part 25

42.7K 981 54
                                    

HINDI naiwasan ni Bianca ang mamangha nang makarating sila ni Ross sa Tagaytay at tinahak ang paakyat na daan patungo sa kung saan. Nanlaki ang kanyang mga mata at literal na napaawang ang mga labi nang ipasok ng binata ang sasakyan sa malaking gate na ang magkabilang poste ay natatakpan ng mga gumagapang na halaman. Sa loob ng gate ay pulos berdeng halaman at nagtataasang puno sa magkabilang gilid. Parang secret garden.

"Kanino 'to?" hindi nakatiis na tanong ni Bianca nang sa wakas ay ihimpil ni Ross ang sasakyan sa tapat ng isang bahay na napipinturahan ng puti. Bungalow-type ang bahay subalit malapad at mukhang malaki. Bagay na bagay ang hitsura ng bahay sa maberdeng paligid.

"Pagmamay-ari ito ng isang kaibigan ko. Regalo sa kanya ng lolo niya noong pumasa siya sa board exam," sabi ni Ross, tinanggal ang seat belt, pagkatapos ay lumapit sa kanya upang alisin din ang seat belt niya. Napasinghap siya nang magkalapit ang kanilang mga mukha.

"Kaya kong alisin ang seat belt ko," mahina ngunit mariing sabi niya.

Sa halip na lumayo na, tumingin pa si Ross sa kanyang mukha at pilyong ngumiti. "I love doing it for you. Because I get to have an excuse to be this close you."

Nag-init ang mukha ni Bianca. Lalo lamang ngumiti si Ross bago tuluyang lumayo kasabay ng pagkakalas ng seat belt ni Bianca. Pagkatapos, binuksan na ng binata ang pinto at bumaba ng sasakyan.

Napabuga ng hangin si Bianca at hindi na hinintay na pagbuksan siya ng pinto ni Ross. Kusa na siyang umibis ng sasakyan. Nangikig siya sa lamig ng hangin na humaplos sa kanya.

"Kailangan mo ng mas makapal na damit kaysa sa suot mong 'yan. Malamig dito."

Niyakap niya ang sarili. "Wala akong dalang kahit ano kaya dapat mo akong ibalik sa Maynila bago magdilim."

"Don't worry. I already prepared for that," sabi ni Ross na binuksan ang back compartment ng sasakyan. Kumunot ang noo ni Bianca. Ngumisi lang ang binata. "Sa tingin mo ba, hindi ako marunong magplano?" May binuhat itong traveling bag at mga paper bag na may tatak ng mga designer dress na pambabae.

Namilog ang mga mata ni Bianca. "Namili ka para sa akin?" Hindi siya makapaniwala. Mga kilalang clothing line ang nakatatak sa mga paper bag. Hindi niya makakayang bumili ng mga ganoon.

"Yes," tila bale-walang sagot ni Ross, bitbit pa rin ang mga gamit na naglakad palapit sa pinto.

Muling napabuga ng hangin si Bianca at walang nagawang sumunod sa binata. Ilang hakbang na lamang ang layo niya nang bigla itong humarap. "Nasa bulsa ko ang susi. Pakikuha naman," sabi nito.

Natigilan siya at sumulyap sa bulsa ni Ross bago muling tumingin sa mukha nito. Mukhang walang ibang motibo ang binata kung pagbabasehan ang ekspresyon sa mukha nito. Pasimpleng huminga siya nang malalim at tuluyang lumapit kay Ross. Inilapit niya ang kamay sa front pocket na iminuwestra ng binata para kunin ang susi ng bahay.

Nainis si Bianca sa sarili dahil nanginginig ang kanyang kamay nang maisuksok sa bulsa ni Ross. Nang simulan niyang mangapa sa bulsa para makuha ang susi ay naramdaman niyang na-tense ang binata. Napatingala tuloy siya sa mukha nito. Seryoso na ang ekspresyon sa mukha ni Ross habang titig na titig sa kanya. At nang magtama ang mga mata nila ay bumilis ang tibok ng kanyang puso. May nababasa siya sa mga mata ng binata na nagdulot ng nakakakilabot na sensasyon sa kanyang buong katawan. She continued to move her hand deeper inside his pocket without taking her eyes off his.

"Hurry..." paos na usal ng binata.

Sa wakas ay nahagilap ni Bianca ang susi. Yuyuko sana siya upang ibaba ang tingin subalit mabilis na nagsalita si Ross. "Don't look."

Bachelor's Pad series book 2: THE FALL OF A WOMANIZERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon