Hindi ko na sya crush!

1.6K 8 3
                                    

*rrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnnnnnnggggggggg*

Ay, bigla ko nagising sa katotohanan. Parang kanina pa yata ko nakatayo dito. Pagkatingin ko sa hawak ko..

Pencil.

Sharpener.

Parang pagkakatanda ko kanina ang haba nito lapis ah. Bat naging kalahati na lang? Bahala na nga -.-

"Huy. Tulala ka?"

"Nagmomoment ako. Wag kang magulo"

"Ay so pagmomoment mo na pala yung pag sharpen ng pencil ng mga 5 minutes habang nakatitig jan sa 'SAY IT IN ENGLISH' na yan sa pader na katapat ng mahiwagang trashcan?"

"Haba ng speech mo teh. Basta yun na yun."

Pumasok na kami sa classroom para kunin yung gamit, ng makauwi na. Nagmamadali kami, sa pagmamadali, parang may nalaglag.

Ehh, yaan na. Katamad. 

Ay yung kasama ko pala, si Yanna, baliw lang. dami love life. BEATS din. BEATS ba? Ahh, yung grupo namin sa school. Bale, 10 kami. Ayun..

Paglabas namin ng classroom para pumila, malamang sa likod nanaman ako. Lagi naman eh. Tangkad ko eh. Sumama na lang rin si Yanna feeling matangkad din sya. Ay, yehey! Nagpass na kami.. Nagmamadali akong naglalakad kasi uuwi na~ yehey~

"Jannyn."

Napaikot ako, pababa na ko ng hagdanan eh. Feel ko na eh. Tinignan ko yung nagsalita. Si Jared.

"Oy Jared!" Lumapit si Jared tas nag apir sila ni Yanna. Ahh, sila na close diba -.-

"Bakit?" Singit ko. Excited na ko umuwi -.-

"Lapis mo." Tas binigay nya sakin yung 3 inches kong lapis. Haba no? Eto pala yung nalaglag. "Salamat" sabi ko kay Jared habang bumababa ako sa Stairs habang kinakaladkad si Yanna.

(after 15 minutes)

Aba, naka bukas yung gate. Himala. Ay, nasa bahay na pala ko. Bilis no? Commute lang ako eh. Pagkabukas ko nung gate, nakita ko si Jared, nakaupo dun sa terrace sa garden nakaharap sa bahay. Napataas ako ng kilay. Ano ginagawa nito dito?

Naglakad ako papalapit tas tinulak ko si Jared ng konti. "Ano trip mo?" Ewan ko din bat ang bitter ko dito sa taong to. Baka kasi, crush ko dati?

Nginitian lang ako. Ay, nice talking dre. Kaya ayun, papasok na lang sana ako ng bahay, syempre dadaan ako sa harap nya. Nung pag hawak ko ng door knob, biglang gumalaw kaya binitawan ko na lang. Bumukas yung pinto.

Si mommy. Nakangiti. Ansaveeeh?

"Andito ka na pla nak." sabi ni mommy tas binesuhan ko. Binulungan nya ko. "Di mo sinasabi kayo na pala ni Jared."

Ano daw?

Wait...

Buffering..

 .....

.....

.....

.....

.....

.....

......

"HUH?!" mejo nalakasan ata boses ko.

"Ohh, bat nagugulat ka? Si Jared na kaya nagsabi."

Tumingin ako kay Jared. Anong problema nito? Putek yan. Nag glare ako sakanya tas tinawanan lang ako. Ay, ano trip mo dre?

"Tita sabi ko po manliligaw pa lang." nagsalita din ang kumag.

"Anong-" sabi ko pero nasapawan ako ng nanay ko. "Sorry excited ako eh. Hihi" sabi ni mommy.

HALA ANONG NANGYAYARI BAKIT HINDI AKO AWAAREEE. :(( Anong trip mo Jared?

-----------------------------------------------------------

Preview lang po :D Whatchu think?

Ayon! Tagal na nirerequest ng mga hinayupak kong kaibigan to. Based on a true story & a dream sya. Galing sa kwento ng isa sa mga alien kong friends. Sorry po kasi pag tagalog kasi parang ang panget ko magsulat. Ayoko naman sya i-english kasi di makukuha yung story na gusto namin iparating.

Wow grabe binasa mo talaga? weeh T.T salamat! vomment po sana saka pakalat na din para masaya.

- K.

Hindi ko na sya crush!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon