Sino nga ba si Jared?

358 6 0
                                    

(Kathrin's POV)

Hi guys! Yehey ako na yung may POV! Ako nga pala si Kathrin Padilla. Hindi ko kamag anak si Daniel Padilla. Future husband ko sya. (chos) Kaklase ko si Jared. BEATS ako. Ako yung pinaka sexy ska pinakamatangkad sa BEATS. (wag nang umangal)

Di alam ng BEATS, na close kami ni Jared.

Ewan ko, ayaw pasabi ni Jared eh. 

Dahil fair ako sa lahat ng friends ko, di ko sinabi :3

"Bes!" sabi sakin ni Jared habang umakbay sya sakin papasok ng classroom. Malandi sya. Hahahaha! Joke, sweet lang.

"Problema mo?" mataray kong sagot.

"Bes naman eh. Bat ganyan ka? Kiss kita jan eh." Nagpapacute pa to -.-'

"Kiss mo mukha mo." mag bes kami ng lagay na to ah! hahahaha!

Umupo na kami. At dahil matangkad ako. (wag kayong umangal) sa likod pwesto ko. At kahit hindi ko naman katabi si Jared sa seating arrangement, tatabi sya sakin.

Para matulog.

Saya no? Naging close kami dahil sa kakatulog nya sa tabi ko. Ang ganda ng story namin!

Joke lang, naging close kami kasi nung nagkaproblema ako dito sa classroom, tinulungan nya ko.

Mabait naman si Jared eh. Malandi, este sweet nga sa girls sa classroom, madalas makulit, tahimik lang pag tulog, mejo weird kasi pikon pero lagi sya nang aasar. Makakausap mo rin naman ng matino. Hmm.. Average kumbaga.

Pero di rin eh.

Chix eh. Tama, nung nagpabraces si Jared biglang gwumapo!

Oh, feeling nyo crush ko sya? Hindi no. Kay Jannyn na sya! Janred forever ako!

"Bes, lalim ng iniisip mo ah. Kaya ko pa ba languyin yan?" Ay, kala ko tulog to si Jared.

"Hindi na bes. Di ka naman marunong lumangoy eh."

"Uyyyyyyyyyy!!!!!! Ano yan? Nagdedate nanaman sila oh!" classmate.

ayan na sila -.- mang-aasar nanaman. Di ko maintindihan kung bakit trip nila ko i-bully sa classroom na to. -.-

Tas may umakbay sakin. Si Jared.

NOT HELPING.

Pagkaakbay sakin, tahimik silang nagsabi ng

"YIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE"

hay -.-

Mejo nalakasan ata kasi pinagalitan kami ng Ma'am. Haha! Kulit kasi nila.

Hayy, sana hindi na lumabas sa BEATS tong issue na to sa classroom.

Sabagay, pag nasa labas naman hindi ako masyado pinapansin ni Jared, ayaw talagang paalam sa BEATS ganun?

Bakit kaya?

Hay, bahala na si batman na si Daniel Padilla. Mwahahaha.

(Jannyn's POV)

Okay, values time. Spell boring. Forever kay haba nanaman ng essay, explanation chuchuchu. Walang hanggan na pakikipagplastikan sa mga question tulad ng.

'If you found a wallet containing money, what would you do?'

Ang sarap isagot ng 'I would get the money and return the wallet. Finders keepers. He should thank me because I returned the wallet.' hahahaha! Joke.

Pero syempre ang sagot ko, 'I will return the wallet to the rightful owner'

Kahit mejo labag sa loob ko. Hahaha!

"Oy bhe! Tapos ka na makipagplastikan?" Bulong sakin ni Yanna.

"Dalawa na lang. Bakit?"

"May chika ko sayo."

"Ano yun?"

"Nung pumunta kami ni Jared sa computer shop nun kasi magpapaprint ng assignment hineram ko CP nya kasi wala na kong load"

"Dapat na ba kong kiligin?"

"Baliw! Di pa kasi ako tapos!"

"Sorry naman."

"Oh, anyway, hulaan mo yung laman ng CP nya."

"Uhm, text, calls, games?"

"Walangya ka naman wala kang thrill kausap."

"Osge, edi scandal, porn, .."

"ANO BA NAMAN JANNYN MAIEV CHAVEZ" Sinigawan nya ko ng patahimik. Hahaha!

"hahahahaha! Oh, ano na nga lang?"

"Puro text. Nakalagay na name 'Bes' pero nung chineck ko yung number, si Kathrin pala."

"Oh, ano naman kung magbes sila?" Mataray kong sagot.

"uiii. Jelly~"

"FYI. Nutella ko. If you'lll excuse me, nag eessay ako."

"Hmp. Taray, selos lang naman yan." Sabi ni Yanna na inirapan ako.

Lagi pong nangiirap si Yanna at nagtataas ng kilay kahit di nya sinasadya.

Some people are just born to be mataray. Hahahaha!

Hmm.. Magbes sila Kathrin & Jared? Bat di manlang nagsabi si Kath?

Eh, bat nya naman sasabihin, eh wala naman na ang BEATS dun, syempre may iba din kaming friends bukod sa BEATS diba?

Ako nga walang number ni Jared -.-'

AY WEH JANNYN MAIEV CHAVEZ. ANO NAMAN KUNG WALA KANG NUMBER NI JARED. BAKA KUNG ANO PA MATEXT MO DUN SA KUPAL NA YUN.

Argh. Bwisit ang yabang yabang nung panget na yun eh.

Ay, makapanget daw ako. Di ko matanggap na pogi sya?

Ah, edi pogi na!

OMG, kinakausap at inaaway ko sarili ko sa aking isipan. Baliw na ba ko?

SI JARED KASI EH. Nakakasira ng araw forever. Hmp.

Hindi ko na sya crush!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon