(Jannyn's POV)
"If you could change one thing in this world, what would it be? Hmm.." Eto, nagsasagot nanaman ng seatwork sa Values.. Yung totoo. Di ko alam isasagot ko.
March na pala. Gagraduate na kami. Huhuhu.
Nag-isip ako.. Hmm.. Siguro i-terminate yung mga paasa at manloloko sa mundo? Kaso feeling ko mawawala yung kalahati ng populasyon.
Gawing libre ang Nutella? Nako, maganda ideya yun, kaso magkakadiabetes naman lahat ng tao, mawiwipe it din ang human race.
Hmm.. Gawing hindi mandatory ang pag-aaral? Naku, edi wala namang nag-aral nun.
Gawing libre lahat ng bagay? Edi bumagsak ang ekonomiya ng bansa.
Patayin si Jared Daniel Hong? AY MAGANDANG IDEYA YAN. Mwahahahahaha.
"Okay, pass your reflection papers." sabi ni Miss Values. Hindi talaga Values and pangalan nya, sadyang hindi ko lang talaga maalala kung sino sya. Pinasa ko na kahit di pa ko tapos.
Next subject: MAPEH. Magdradrawing daw kami ngayon. Eh ako, wala naman akong talent jan. Bahala na. Hindi ko alam kung bakit napaka komplikado ng relationship namin ng lapis. Pati pagsulat ko ginagawang panget.
Pumasok na si ice cream cone, este, kilay, este teacher pala namin si MAPEH. Astig kasi sya, ang haba ng baba, naka marker yung kilay. Walang binatbat ang kahit na sino sa marker ng kilay nya. Hahahaha! Ang sama ko.
"Okay class, get your things and put the chairs on the side, sit on the floor and listen to the music, draw what can you feel about what you hear." sabi ni Ma'am. Ayun, umupo na kami sa lapag.
"Dami arte." bulong sakin ni Yanna.
"Pinagpala ka at marunong ka magdrawing" sabi ko kay Yanna, then I turned to Kintaro na tumatabi samin ni Yanna. "At lalo naman nahiya ako sa drawing skills mo Kin." Ngumiti lang si Kintaro.
Pinakinig samin yung Canon. Hmm, pinapakinggan ko. It makes me feel at peace. Kaya hindi ako nagdrawing. Lumapit si ma'am..
"Chavez, bakit hindi ka nagdradrawing?"
"Kasi ma'am the music makes me feel at peace, kaya po wala akong drinawing, peace." sagot ko sakanya.
"Interpret your peace in a drawing or you'll get 70." tapos umalis na sya.
"Sumagot ka pa kasi. Dapat sinabi mo nag-iisip ka pa." bulong sakin ni Yanna. Nginitian ko na lang sya.
Nagsimula ako magdrawing, waves muna, aba.. May nararating to ah.. Tapos nilagyan ko ng skyline na black, bale kalahati yung part ng baba puro wave, tapos yung nasa taas puro black.
Kumuha ako ng eraser para burahin ng konti yung mga black, parang bilog bilog para star, ayun.. Tas shinadan ko pa ng mas dark.
Feel na feel ko na eh..
Yun na yun eh!
Naputol nga lang yung led ng lapis. Okay. Tumayo ako tapos nagpaalam kay kilay na magtatasa ako ng lapis.. Pinayagan nya naman ako.
Lumabas ako tas nagsimula na magtasa. Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang naalala ko yung mga memories namin ni Bakal monster.
Si Bakal monster ay si Jared. Okay?
Yung dati.. nung grade 5. Parang ang saya namin. Walang issue, walang ewan. Buti pa nun, sana bata na lang kami forever para walang malisya..
Tapos ngayon, buong HS, hindi nya ko pinansin. Kung kelan nag 4th year saka sya namansin ulit at dahil sa BEATS yun. Kung hindi ako inaasar ng BEATS sakanya, edi sana peaceful pa din ang buhay ko.
BINABASA MO ANG
Hindi ko na sya crush!
HumorNakamove on na si Jannyn. Utang na loob naman nung Grade 5 pa yun. Pero yung mga friends nya? Hindi pa. Hanggang ngayon si Jared pa din ang inaasar sakanya. 4th year na sila. Gwumapo lang naman si Jared eh. No big deal. Para namang magugustuhan sya...