Ang totoo kong nararamdaman.

314 6 4
                                    

Inuulit ko po, ang BEATS ay mga totoong tao, mejo magbabago lang yung ugali nila dito sa kwento na to pero sila pa din yun. Si Jared po, kathang isip lamang. Yung mga POV nila sila po mismo yung gumagawa, yung BEATS sa totoong buhay. Kaya hindi lang po ako ang author dito :') eto na, enjoyy!

--------------------------------------------------------------

(Psyche’s POV)

Wow! POV ko na. Finally, nasa akin na ang spotlight! Hohohoho! Ako nga pala si Psyche Gonzales, ang forever gutom sa BEATS. Kung iniisip niyo na mataba ako dahil matakaw ako, pakamatay na kayo! JOKE. Sexy ako noh! Di maniwala masasapak ko!

Anyway, nandito kami sa stage ngayon. Ano pa ba ginagawa ko? Edi kumakain ng THORon with Yanna. At nanunuod ng mini concert ni Jared, antaray nitong lalaking to ah! Maganda pala boses nito. Ngayon ko lang napansin, sabagay ngayon lang niya to ginawa.

Huh? Di ko trip si Jared ah, Team JanRed ako poreber!

“My one and only… One and only you..”

“Hoy Jannyn! San ka pupunta?!” sabi ko. Bigla ba naman nag-walkout yun? Affected ata! I smell something fishy. Wala naman atang may baon ng isda sa amin.

“Hala! Sundan natin yun! Baka mag-laslas. Nakita kong naluha eh,” sabi ni Nica.

So gorabels kami ni Nica with Yanna para sundan ang walkout queen naming friend. San ba nagpunta yun? Ang liit lang naman ng school!

“Josmiyo Jannyn! San ka ba nagpunta?” sabi ni Yanna habang kumakain pa rin ng THORon. Ay, di pa niya ubos? Ambagal naman niya.

Hanap dito, hanap dun.

Sa ilalim ng upuan. WALA!

Sa taas ng mesa. WALA!

Sa loob ng trashcan. WALA!

“Hoy Psyche! Tao hinahanap natin, hindi pusa!” sigaw ni Nica. “Sorry naman, nagbabakasakali lang.” sigaw ko pabalik sa kanya.

“AAAHH!”

“Hala! Ano yun Yanna?” sabi ko, bigla ba naming sumigaw!

“Si Ja-jannyn! Ano- Aray!“

Binatukan ko nga, OA ng lola mo eh. Nakasalumpak lang naman sa may gilid ng hagdan sa second floor. Dun lang pala nagtago! Naikot na namin buong quadrangle eh!

“OA mo Yanna ah! Buhay pa naman ata yan!” sabi ko. “Hoy, Jannyn. Okay ka lang?- Aray!” tanong ni Nica.

Binatukan ko din tong isang to. Umiiyak nga, tanungin ba naman kung okay, malamang hindi!

“Hoy Psyche, kanina ka pa ah. Napaka-sadista mo,” sabi ni Nica. “Sorry naman, kayo kasi eh, mga ewan. Nako, mamaya na nga lokohan. Hoy Jannyn… tahan na.” biglang yakap ko sa kanya.

HUG.

Best medicine yan. Nakakapagpagaan ng loob, sa tingin ko.

Kasi pinaparamdam mo sa tao na nandyan ka lang para sa kanya. Kahit di ka nagsasalita, iparamdam mo lang sa kanya.

Niyakap niya naman ako pabalik. Okay na kaya to?

“Tahan na Jannyn.. bakit ka ba umalis?” tanong ni Nica.

Umalis sa pagkakayap si Jannyn, pero di pa rin siya nagsasalita.

“Jannyn, ui. May problema ba?” si Yanna naman nag-tanong.

Pero hindi pa rin, umiimik si Jannyn.

“Hay, iwanan muna kaya natin siya dito Psyche? Parang kausap lang natin yung pader eh,” suggest ni Nica. “Oo nga,” pagsang-ayon naman ni Yanna.

Hindi ko na sya crush!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon