Dedication, Sacrifice, Tears.

233 4 5
                                    

Sorry po late update!! Midterms kase. Review review din :)

---------------------------------------------------------------------------------------

(Jannyn's POV)

Walang nangyari nung Friday, yun yung sabi ko sa isip ko. Life goes on, walang nangyari.

Ngiti ngiti lang. Tawa tawa lang.

Walang nangyari.

"JANENENGG!!!" sigaw ni Pysche na nasa gitna na quadrangle, at ako naman ay nasa stage.

"HUG ME SISTAH." sigaw ko naman sakanya tas ayun, nagyakap kami. Parang ewan lang no? Eh, wala pa naman kasing tao eh. Yung section namin yung unang pinababa, tas sila Psyche yung pangalawa. Lubusin na.

Kung pwede lang eh, sasayaw kami ng Jam dito sa gitna. Syempre, pag walang tao. Pero unti unti na rin bumaba lahat, ayun.

Kumain na kami, kwentuhan, tawanan. Pero walang nagmemention ni-isa samin kung ano yung nakita namin nung prom, yung prom? Wala, lumipas na samin yun.

"Oh, ano balak nyo bukas?" Tanong ni Nica sa boys.

"Wala, sila naman magbibigay sakin eh." sagot ni Prince na over-confident.

"Yung totoo Prinsipe, hindi ka naman masyadong conceited ng lagay na yan?" tanong ni Kathrin sakanya.

"Totoo naman eh." sagot naman ni Prince na nililigpit ang baunan nya.

"Oh, edi ikaw na gwapo diba. Pero teka, bakit? ano ba meron bukas?" sabi ko kay Prince. Nginitian lang ako ni Prince tas nag thumbs up.

"Valentines." sagot ni Rex.

"Oh?! Agad agad?! PBB Teens?!" sagot ko sakanila.

"Ay hindi ata, death anniversary ata ng mga emo bukas." sabi ni Nica.

Ahh.. Valentines na pala bukas. Okay. Pake ko?

Ang February 14 ay para lamang sa mga taong may love life, meron ba ko nun? Wala! Kaya hindi para sakin yun.

Umalis ang boys sa table naiwan ang girls. "Kelangan pag valentines pinaghahandaan?" Sabi ng bitter na si Cherry.

"Teh, ang dami dami daming nagbibigay ng kung ano ano sayo, tanggapin mo, samin yung chocolate. Hindi naman kasi nakakain yung flowers." sabi ni Psyche.

"Bibilhan ko na lang kayo. Jusme." sabi ni Cherry.

"Hahaha! pero di ba kayo minsan nag hope na baka may magbigay nga sa inyo? Hep! manahimik ka sa katanungan ko na ito Cherry." tanong ni Yanna.

"Oo naman, hindi naman masama mag hope, pero alam naman natin sa sarili natin na wala talagang may gusto satin." sagot ni Nica.

"Oo, siguro ang cute lang nung pinaghandaan talaga para sayo yung Valentines." sabi ni Psyche.

"Hmm, ako sa tingin ko, kung mahal ka talaga nya, hindi nya hihintayin yung Valentines para ipakita yun." sagot ni Kathrin.

"AMEN SISTER."

"TAMA KA JAN."

"PINAGPALA ANG KARUNUNGAN MO AKING MAHAL."

"AT YAN ANG DAHILAN KUNG BAKIT TINAWAG KANG SEXY."

Sabay sabay nilang react kay Kathrin. Hahahaha! Sabagay, tama naman sya.

"Eh ikaw? Bat ang tahimik mo?" tanong sakin ni Kathrin, sabay naman sila tumingin lahat sakin.

"Hot seat ang lagay?" tanong ko sakanila.

"Hindi, warm lang. Aray!" sagot ni Nica na pinoke ni Psyche sa pisnge.

Hindi ko na sya crush!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon