Hi. Yung unang pinublish ko po preview lang uhm, yun kasi yung unang highlight nung story kaya yun yung nilagay ko. Sana nagustuhan nyo yun! :D Oh, eto na po..
------------------------------------------------------------
(2 months before)
"Ui nakita nyo na si Jared? Nagpabraces sya! OMG kamukha nya na si Kimpoy!"
"Grabe si Jared nagpabraces lang pumayat na, pumogi pa lalo. Grabeee!!!"
"Ang hot na ni Jared! Grabe di ko akalain, alam ko may potential sya pero grabe yung pinagbago nya!!!"
Ahh.. Okay ang aga aga nagchichismisan na kagad? Hay, nakatulog ako ng first period. Sino ba naman ang di matutulog sa physics? Ang lamig pa ng aircon ng classroom di ko mapigilan! Ehh, si Yanna nga tulog pa hanggang ngayon. Eto ako, mejo lutang pa.
Ano daw sabi nila? Nagpabraces si Jared? Ay grabe nagpabraces lang nagbago na kagad? Bling bling lang nman sa ngipin yun. Sus.
Wala kaming teacher for 2nd period.. May meeting daw. Okay..
"Oy Jannyn! Diba crush mo si Jared nung grade 5?" sabi sakin ni Kintaro pagkatabi nya sakin. Si Kintaro din BEATS. Sya yung pinaka multi-talented saming 10. Laging bigo sa pag-ibig pero sobrang bait.
"Oo. Grabe nung grade 5 pa yun tigilan nyo naman na ko." Sabi ko sakanya habang naghihikab.
"Pumogi daw eh. Nakita ko rin tumangkad nga. Babalik na yan crush mo sakanya nyan." sabi nya habang winiwiggle nya eyebrows nya. Napa sigh na lang ako.
"Oo nakita ko din grabe ang pogi nya na lalo ngayon!" Si Yanna. Ay nagising. Ansaveh talaga nitong babaeng to eh.
"Ehh kayo na magkapit bahay diba?" sabi ko kay Yanna.
"Inggit ka naman teh. Chill lang mag recess na makikita mo din sya." Yanna.
"Ay pake ko naman kung makita ko sya? 5 days a week ko syang nakikita noh." Ako.
"Eh bat ang bitter mo? Taray agad ha." Kintaro.
Napatahimik na lang ako. Makakaangal pa kaya ako? Haaayy -.-'
(after 2 hours)
THANK YOU ZEUS POSEIDON AT HADES RECESS NA DIN. Una recess samin kasi 15 mins lang. Morning eh. Breakfast ata? Ayun, naglulunch na din kami.. Usual pwesto namin ng BEATS ay sa stage. Dahil magkaklase kami ni Yanna at Kintaro, sabay kami bumaba. Nauna section namin kaya umupo na kami.
"Hi guyyyss~ GUTOM NA KO GRABE." Si Psyche na forever hungry, forever maingay, forever hyper, and as the name suggests, forever baliw din. Kapwa ko otaku at mataas ang expectation sa lalaki dahil sa kababasa ng manga, wattpad, and other books.
"Ehh kelan ka ba di nagutom?" Ang epal na singit ni Rex na malaki ang ulo, ilong, at confidence. Over flowing talaga self confidence nya grabe to the highest level. At sya ang taong walang TV sa bahay.
"Ay grabe nagpa quiz nanaman si eyebrows ng hindi nagdidiscuss. Di nanaman kami pinag PE." Napatingin kami lahat sa papalapit na petite, sexy, energetic na babae. Si Khatrin. Pero tawag namin sakanya sexy. Bat ba.
"Bakit nanaman? Ano trip nun?" Tanong ni Nica na umupo dun sa dulong gitna nung table. Si Nica ay childhood bestfriend ko simula nursery kami. Nagsasawa na kami sa sarili namin. Kapwa illusyunada rin tulad namin ni Pysche.
Umupo na ko at binuksan yung lunch box ko. Ay, walang spoon & fork nakalimutan ko ata magdala.. Oh well.. Tumayo ako tas naglakad papunta ng canteen.
"San ka punta?" Tanong ni Nica.
"Canteen. Kuha lang ako ng spoon & fork"
"Ay pabili na din ng juice! Melon ha!" sabi ni Pysche habang abot sakin ng pera
BINABASA MO ANG
Hindi ko na sya crush!
فكاهةNakamove on na si Jannyn. Utang na loob naman nung Grade 5 pa yun. Pero yung mga friends nya? Hindi pa. Hanggang ngayon si Jared pa din ang inaasar sakanya. 4th year na sila. Gwumapo lang naman si Jared eh. No big deal. Para namang magugustuhan sya...