The stories behind my story.

248 7 6
                                    

(Jannyn's POV)

Sa likod ng pangyayari tungkol sakin, hindi ko alam na may nangyayari pa pala na iba na mas importante sa drinadrama ko.

Umiiyak ako nung oras na dahil sinaktan lang ako ng tao na hindi ko naman karelasyon, habang may taong umiiyak dahil wala syang makain.

At habang nag-eemo ako, nagtatake advantage na pala si Rex kay Kathrin. Nalaman ko lang din yung kwento kay Yanna, our number one source.

(Valentine's day - Rex's POV)

Para kong tanga, ano ba ginagawa ko dito? Yung totoo Rex, ano ginagawa mo dito?

Bakit nasa labas ka ng bahay ni Kathrin Padilla ng 8:00 ng gabi na may hawak na isang tall pink rose, gitara, at may nakatali pang dalawang balloon na may nakasulat na "I volunteer!!" tapos yung isang balloon naman.. "as your boyfriend."

Napaka corny mo Rex. You call this romantic? =.=

Pero pare, nandito ka na. Ano? Sasayangin mo pa effort mo? Pag kabado nga naman, hindi mo na alam kung sino kakausapin, last choice lagi ang sarili.

Kinuha ko yung cellphone kong WhiteBerry at tinawagan si Kath, naka headset ako.

*ring ring*

Baka tulog na..

*ring ring*

O kaya nagdidinner

*ring ring*

Baka naka-silent

*ring ring*

Ibaba ko na sana pero may napakagandang boses na tumawag sa pangalan ko.

"Oh bakit Rex?"

Hindi ako makapagsalita.. HOY REX UMAYOS KA.

"L-labas ka." pautal utal ko pang sabi. Real smooth bro.

"Sige, wait." At narinig ko sa background "MAAAAA!!! BIBILI LANG AKO NG CHICHIRYA AHHHHH!!!!!" Natawa ko dun. Tapos bumalik na sya.

"Tawa ka jan. Wait lang baba na ko." Pagkasabi nya nun, sinet-up ko na yung sarili ko, umupo sa tapat na sidewalk ng bahay nila bahala na kung madumi.

At doon nagsimula ang pag gunaw ng mundo.

Joke lang, kumanta lang naman ako. Ma didiscover nyo na ang boses ko na mas maganda pa sa boses ni Daniel Padilla. Oo na, angal na BEATS, pagbigyan nyo ko, umiibig lang.

After eternities of waiting, lol joke, 3 minutes lang. Lumabas na si Kath. Naka pajamas yung talagang pang sleep wear na color purple na may heart heart na black. Parang bata lang.

Nakalugay yung buhok, halatang hindi pa nagsusuklay. Di na bago yun.

Ganda nya pa rin. Nagulat sya nakaupo ako. Nagsalita sya "Huuuy! Tuma-"

Natigilan sya nung nag simula na ko magpluck ng mga unang tabs ng "Ako'y Sayo At Ika'y akin lamang" na favorite nya. Halatang gulat na gulat sya.

Ako din gulat na gulat kasi isang buwan ko to inaral, under na guidance of Kintaro-sensei, at na perfect ko rin! Yung intro.

Okay pa kaya pag kumanta na ko? Here goes nothing..

"Ikaw na ang may sabi na ako’y mahal mo rin..

At sinabi mong ang pag-ibig mo'y 'di magbabago.."

Gulat ako, nagsalita si Kath "Ay grabe wala akong sinabi ha!!" Natawa ko dun, pero tinuloy ko. The show must go on.

"Ngunit bakit sa tuwing ako'y lumalapit ika'y lumalayo?

Puso'y laging nasasaktan pag may kasama kang iba.."

Hindi ko na sya crush!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon