YHENG’S POV
Ang kapal din ng face ng lokong ‘yon..PA-KNIGHT IN SHINING ARMOR pang nalalaman..kung sabagay gwapo naman. Kaso hindi ko s’ya type. Walang Spark...
Hindi nga kaya s’ya ang may-ari nitong kwintas ko? CM it means CYDRIC MADRIGALLANES.. pwede ring ipagpalagay na ibang pangalan din ang nagbigay sa akin nitong kwintas..
Kung sino man ang lalaking ‘yon...sana magkita kaming muli.
------------------------------------------------
Nang umuwi si Clint sa kanilang bahay, hindi n’ya nakita si Kristine sa loob ng kanilang pamamahay..
Pumunta s’ya sa kusina at tinawag ni Clint ang kanilang katulong..
“Nasaan si Kristine?”- Clint
“Umalis ho kanina Sir. Sabi n’ya sa akin may Fashion Show po s’yang pupuntahan. Tapos gagabihin po daw s’ya sa pag-uwi.”
-Katulong
Napatiim bagang na lamang si Clint.
Biglang hinampas ni Clint ang mesa.
“Damn!” Biglang uminit ang ulo ni Clint.
Mukhang natakot ang katulong sa ginawa ni Clint kaya agad itong umalis.
“Please Kristine..you have to stop this..Ayaw kong masira ang pagsasama natin. Don’t push me...I still believe in us.” Tanging nasabi ni Clint sa sarili.
DING DONG..DING DONG...
Agad pumunta si Clint sa pinto at binuksan..
“Hello, Clint. How’s your day?” - Cydric
“Bad.” - Clint
“Anong nangyari? Nagkaroon ba kayo ng misunderstanding ni Kristine?” - Cydric
Hindi na sumagot si Clint. Agad naman naunawaan ng pinsan.
“Ako hindi mo ba ako tatanunging kung kumusta ang araw ko?” - Cydric
