Chap. 20
Habang nagkakasayahan ang lahat nakamasid sa malayo si Clint sa dalawa. Naghihintay lamang ng pagkakataon na makaligtaan ni Cydric si Yheng.. Ligid sa kay Clint nakikiramdam rin si Cydric.
Hindi na tumagal sina Cydric at Yheng sa party. Napapansin ni Yheng na nagiging balisa si Cydric sa pinsan nito. Agad silang umuwi.
Tahimik na nagmamaneho si Cydric. Lihim n’yang minamasdan si Yheng na natutulog.
“Yheng, patawarin mo ako sa ginawa ko. Hindi ko alam kung paano ko ito ipapaliwanag sa ‘yo. Ano pa man ang mangyayari I hope you will understand. I know Clint will kill me..pero sana maunawaan n’ya rin.. I planned everything..nagsisimula na ang lahat...”
-Cydric
Matulin ang takbo ng sasakyang ni Cydric. Nang marating na nila ang bahay ay ginising nito si Yheng.
“Yheng, gising....nandito na tayo.” Sabi ni Cydric.
Minulat ni Yheng ang mga mata. Nang lumabas si Yheng sa sasakyan ay inalalayan pa ni Cydric.
“Dahan dahan lang. H’wag kang magmadali. Baka madulas ka pa.” - Cydric
“Alam mo Cyd, napaka- OA mo. Kaya ko ang sarili ko.” -Yheng
“Nag-iingat lang po.” Agad nakapamaywang si Cydric.
“ Naku, ang arte mo. Sana hindi magmana ang anak natin sa ‘yo. Nakakainis ka.” - Yheng
“Hoy, Bruha concern lang naman ako sa ‘yo. Pasalamat ka nga naitransform ko ang sarili ko bilang TSIMAY mo.” Sabay irap ni Cydric.
Biglang humalakhak si Yheng. Magkasundong magkasundo ang dalawa.
Hindi nila napansin ang isang sasakyan na nakaparada sa labas ng bahay..nasundan sila ni Clint.
“ Cydric..kahit saan ka magtago..makikita kita..wala ka paring pinagbago mahilig ka sa surprises..Pwes, bibigyan din kita ng surpresa.”
-Clint
Nakasanayan na ng dalawa na bago matulog si Yheng nasa tabi n’ya si Cydric. Pareho silang makikinig ng music..habang nagbabasa ng mga magazines.
Napansin ni Cydric na parang malalim ang iniisip ni Yheng.