Kinabukasan, maagang umalis si Cydric papuntang Assuncion. Haharapin at kakausapin n’ya si Yheng. Gusto n’yang malaman ang totoo.
Habang nasa daan palang si Cydric, iniisip n’ya na sana hindi pa huli ang lahat.
Naisipan n’yang tawagan si Clint ngunit hindi sinasagot ni Clint. Mula noong huling gabi na nakausap ni Clint si Yheng; walang tigil na ang paglalasing ni Clint.
Kung saan saang bar na inaabutan magdamag si Clint.
Ayaw ni Cydric masira ang buhay ni Clint..Kaya tutulungan n’ya si Clint kahit anong mangyari..
Maagang dumating si Cydric sa kompanya na pinapasukan ni Yheng. Halos wala pang mga tauhan nang pumasok s’ya. Pinuntahan n’ya ang guard at tinanong ang address ng bahay ni Yheng. Itinuro naman sa kanya ang address.
Muling umalis si Cydric at pinuntahan ang bahay ni Yheng.
Nakita n’yang palabas ng bahay ang bata at si Anton.
Tila paalis ito papuntang paaralan.
Nakita rin n’yang kumaway pa si Yheng sa bata habang papalayo ang kotse ni Anton.
Nang makalayo na ang sasakyan, lumabas si Cydric sa kotse n’ya at agad pumasok sa bakuran nina Yheng.
Kumatok s’ya sa pinto..
TOK TOK TOK TOK
Nang bumukas ang pinto..
“Good Morning Yheng.”
Halatang nagulat si Yheng nang makita si Cydric.
Akmang sasaraduhan ni Yheng ang pinto..ngunit pinigil ni Cydric..
“Papasukin mo ako Yheng..kailangan tayong mag-usap. Hindi lang ikaw ang nasaktan sa lahat ng nangyari..lahat tayo! Pwede ba, kausapin mo ako. Gusto ko lang linawin ang lahat..”
-Cydric
“Cyd, tama na..hindi naman ako galit sa ‘yo..nadamay ka lang dahil sa ginawa ni Clint..” Sagot ni Yheng habang nasa likod ng pinto.
“Yheng, ayaw mo mang kausapin si Clint..ako na lang..”
-Cydric
Bumukas ang pinto at pinapasok ni Yheng si Cydric.
Pagpasok pa lang ni Cydric sa loob agad nitong niyakap si Yheng..