EPILOGUE

38.5K 1K 200
                                    

EPILOGUE

Napatakip ng mukha si Cydric matapos marinig ang sinabi ng doktor.

“Doc, magigising pa ba s’ya?”

“Kailangan n’yang ilagay sa ICU, we need to check his vital signs from time to time. Nagkaroon s’ya ng head injury na naging dahilan sa pagkacomatose. May mga pasyenteng comatose inaabot isang buwan..‘yong iba naman taon.”

“Pero Doc, merong namamatay ng dahil sa comatose.”

“Oo, kaya kailangan namin s’yang subabayan..”

“Doc, gawan ninyo ng paraan..kailangan n’yang mabuhay.”

“We will try our best.”

Huminga ng malalim si Cydric. Kinakabahan sa kalagayan ni Clint.

Isang bahagi ng utak ni Cydric, nag-aalala rin sya kay Yheng..

----------------------------------------

Nakaraus si Yheng sa panganganak..

“It’s a baby boy..” - Doktor

Napangiti si Yheng ngunit iniisip n’ya si Clint.

Inilapit ng nurse ang sanggol kay Yheng..

Masaya si Yheng na masilayan ang kanyang anak ngunit agad itong inilayo sa kanya..

“Ilalagay muna natin ang bata sa incubator..the state of the child is at risk..his lungs depleted because he doesn't need it yet.” - Doctor

Muling kinabahan si Yheng. Nagsimulang mangamba ng lubusan.

Hindi nagawa ni Yheng na mahawakan ang bata..

“H’wag kang mag-alala Misis, we will take care of it.”

- Doctor

-----------------------------------------

Inihatid si Yheng sa kanyang silid. Parang gusto n’yang tumayo at puntahan ang silid na kung saan nadoon si Clint. Gusto n’yang makasigurado kung ligtas na ba ito.

Pumasok sa kanyang silid sina Laurence, Macy at Anton.

“Yheng nakita namin ang sanggol sa loob ng incubator. H’wag kang mag-alala magiging ligtas ang bata..”

-Anton

“Anton si Clint...ano na ang balita? ” Hindi mapakali si Yheng sa mga pangyayari.

Nagkatinginan ang tatlo..hinawakan ni Laurence ang kamay ni Yheng..

“Yheng..he is...in COMA.” Halus pabulong na sinabi ni Laurence.

“Oh God...” Kasabay ang paghagulgol ni Yheng..

“Yheng, relax ka lang..makakasama sa ‘yo ang mag-alala. Alalahanin mo merong sanggol na naghihintay sa ’yo.”

-Anton

“Anton, hindi ko yata kakayanin itong nangyayari..dalhin n’yo ako sa kanya..” Iyak ng iyak si Yheng.

Umiling si Anton..

“Yheng kapapanganak mo palang..magpahinga ka..” Pagpipigil ni Anton.

Parang ayaw makinig ni Yheng..gusto n’yang makita si Clint..

Niyakap na lamang s’ya ni Laurence..Dama ni Laurence ang matinding takot ni Yheng at pag-alala nito kay Clint.

My Baby cost 10 MILLION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon