Chap. 44
Lumapit si Clint kay Yheng..
“ I want to spend my time with him..”
Hindi nagsalita si Yheng..napansin ni Clint ang mga luha sa mata ng ni Yheng. Binuhat ni Laurence ang bata at inilayo sa dalawa.
Hindi napigilan ni Yheng ang di masampal si Clint.
PAK
“Dahil sa ‘yo..muntik nasira ang buhay naming mag-ina. Kaya kahit anong sasabihin mo..HINDI AKO MAKIKINIG SA ’YO..KAYA LUBAYAN MO KAMI NG ANAK KO.”
-Yheng
Agad umalis si Yheng..
Hindi nagawang magsalita ni Clint.
Sa loob ng sasakyan hindi parin mapigil ang luha ni Yheng. Hindi n’ya alam kung bakit ang bigat bigat ang kanyang pakiramdam matapos n’yang sampalin si Clint.
Hinawakan n’ya ang kwintas na suot n’ya..
Pinikit n’ya ang kanyang mga mata..At huminga ng malalim. Gusto n’yang ipanatag ang kanyang damdamin..Hindi n’ya alam kung tama ba ang ginawa n’yang pagsampal kay Clint; gayung si Clint ang ama ng kanyang mga anak.
“Mommy..bakit kayo umiiyak? Galit po ba kayo doon sa mama?” Tanong ng bata.
Hindi n’ya alam kung anong isasagot sa bata. Bagkus niyakap na lamang ang anak.
“Yheng, h’wag kang umiyak ng umiyak..makakasama ‘yan sa bata. Hindi ka dapat mastress.” Paalala ni Anton.
“Hindi ako maiistress kung hindi sila nagpakita sa akin. Tahimik na ang buhay namin ng anak ko. Bakit pa sila bumalik?”
-Yheng
“Baka meron silang dapat sabihin sa ‘yo. Na dapat mong pakinggan at malaman.”
-Anton
“Anton, wala akong tiwala sa mga sasabihin nila. Ayaw kong maniwala at baka sa huli pagsisisihan kong muli.”
-Yheng
“Paano kung malalaman nila ang sekretong ginawa mo? Alalahanin mo, iisa ang ama ng mga anak mo. Pagnalaman ni Clint ang lahat ng ito..WALA KA PARING TAKAS.”
-Anton
“Bahala na Anton, ayaw ko nang makipag ugnayan sa kanila.”
