Chap. 34
AN: FOCUS tayo sa mangyayari sa buhay ni Kristine pagbalik sa Norway..
Habang naglilipit ng gamit si Kristine tumatakbo ang isipan n’ya kay Yheng.
“Punyetang babae! Dahil sa kanya tuluyan ng mawasak ang lahat sa amin ni Clint. Pagbabayaran n’ya ang lahat ng ito. Pasalamat s’ya at ‘yon lang ang tinamo n’ya sa galit ko..KULANG PA! KULANG PA!”
Hindi namamalayan ni Kristine na napupunit n’ya ang isang damit na hawak n’ya.
Biglang dumating ang isang katulong at ibinigay sa kanya ang telepono..
( Maam, pinasok po namin ang bahay ni Cydric Madrigallanes..kaso wala kaming inabutan doon. Inabutan namin ang care taker ng bahay..ang sabi UMALIS SINA YHENG AT CYDRIC KAHAPON. HINDI RIN ALAM KUNG SAAN PUMUNTA. )
“Ano?!” Biglang nanlisik ang mata ni Kristine..
Sa inis n’ya ay itinapon n’ya ang telepono at muling ikinalat ang gamit na kanyang nililigpit..
“PUNYETAAAAA!!!”
Gulat pati ang katulong sa ginawa ni Kristine..
“Anong tinitingin tingin mo? Gusto mong basagin ko ang mukha mo?! Umalis ka sa harapan ko..Alis!!”
Natataranta ang katulong na umalis sa silid.
“Maswerte kang babae ka..Hindi ako titigil na saktan ka habang nabubuhay ako...MAGKAWALAY MAN KAMI NI CLINT..MAGBABAYAD KA PARIN!!”
FAST FORWARD
Norway...
Mula nang dumating ang mag-asawa sa Norway, iniiwasan ni Clint na makipag-usap kay Kristine..hindi sila tumatabi sa pagtulog..at madalas na umuwi na lasing si Clint..
Hindi makapaggala o magawang mamasyal ni Kristine sa Norway dahil natatakot s’yang baka biglang umalis si Clint. Iniisip din n’ya na baka nasa Norway din sina Cydric at Yheng..o di kaya sa karatig bansa lamang ang dalawa.
Wala s’yang kapangyarihan sa Norway..wala s’yang malalapitan doon..isa sa mga dahilan na ayaw ni Kristine ang manirahan sa bansang ‘yon ay dahil napapalibutan s’ya ng mga kamag-anak ni Clint.