YHENG’S POV
Hindi ko maintindihan kung bakit parang nagkakaroon ng alitan sina Cydric at Clint. Marami bagay na hindi ko alam, pero pakiramdam ko kasali ako sa bagay na ‘yon na pinagtatalunan nila.
Nakakadama ako ng pag-aalinlangan kay Clint. Kinakabahan ako sa bawat titig n’ya sa akin.
Kung ano man ang nangyari noon..hanggang doon na lamang ‘yon. Kung maari lang sana AYAW KONG UNGKATIN PA NI CLINT ang bagay na ’yon..
THIRD PERSON’S POV
Nang umalis si Clint sa pamamahay ni Cydric, parang natanggalan ng tinik sa dibdib si Cydric.
Biglang tumunog ang kanyang cell phone..
“ Hello? ”
(Cyd, it’s me. )
“Mom?”
( Yeah, kumusta ? )
“Ba’t ka napatawag? ”
( Cyd, ano ‘tong natanggap kong balita galing sa lola mo..na may kinakasama kang babae at buntis daw ito. Is it true? )
“Mmmmm..yeah.”
(Cyd, ano na namang kalokohan ito? Alam mo namang imposibleng makabuntis ka ng isang babae, hindi ba? )
“Mom, bakla ako alam mo ‘yon. Hindi porke’t bakla ako hindi ako makakabuntis. ”
( But you have a PEYRONIE'S DISEASE. )
Hindi nakapagsalita si Cydric..
“Mom, tigilan na nating pag-usapan ito. Kung paano nangyari ang bagay na ‘yon..I don’t want to talk about it. HINDI AKO BAUG. At kahit walang sexual activity na nangyari pwedeng mabuntis ang isang babae.”
( YOU MEAN SURROGACY? Cydric...kahit hindi mo ako bigyan ng apo..nauunawaan kita sa kalagayan mo. Hindi naman ako humiling sa ‘yo nun. )
“Mom, I know what I’m doing. I will tell you next time..Please don’t bother yourself. And don’t tell anyone about my personal problem.”
