Chap. 35

17.7K 425 9
                                    

Chap. 35

Hindi matanggap ni Kristine ang sinapit nito. Walang araw na ‘di umiyak si Kristine. Pakiramdam n’ya mas lalong nawawalan ng pag-asa s’yang makuha muli ang loob ng asawa.

Pansamantala munang ipinagpaliban ng korte ang inihaing divorce ni Clint kay Kristine.

Napilitang kumuha ng isang nurse si Clint para sa asawa dahil naging abala si Clint sa trabaho.

Madalas na rin umuuwi si Clint ng hating gabi..at nanatiling gising si Kristine..

“Ba’t gising ka pa?” - Clint

“Hinihintay kita..” - Kristine

“Hindi mo na dapat ako hinintay..kailangan mo nang magpahinga.” - Clint

“Clint, hindi mo na ba ako mapapatawad sa mga ginawa ko? Clint, nakita mo naman ang nangyari sa akin di ba?”

“Kristine, sinasamahan kita hanggang ngayon dahil inuunawa ko ang kalagayan mo..pero hindi ibig sabihin hindi ko ITUTULOY ANG DIVORCE natin..”

Hindi makapaniwala si Kristine sa sinabi ni Clint..akala ni Kristine ay nagbago ang isip ni Clint matapos ang aksidente...ngunit hindi.

Napayuko si Kristine at simulang humikbi..

“Good night, Kristine..” Sabi ni Clint na hindi nililingon ang asawa kahit alam n’yang umiiyak na ito.

Nagiging manhid na si Clint sa asawa.

Mula ng hindi makalakad si Kristine madalas na s’yang mapag-isa. Ayaw n’yang tumanggap ng mga bisita. Lagi na lamang s’yang nakamasid sa may bintana..inaabangan ang pag-uwi ni Clint.

Ngunit kahit lumpo si Kristine ay di parin naalis nito ang kanyang masamang ugali..dahil minsan..

“Heto na po ang gatas n’yo Maam.” Iniabot ng katulong ang isang basong gatas..

Kinuha naman ni Kristine at agad uminum ngunit...

“Ano ‘to? Ba’t ganito ang lasa? Walang tamis..” Reklamo ni Kristine.

“Ahmm..ganun po ba. Papalitan ko na lang po.” Sabi ng katulong. Ngunit nang akmang kukunin ng katulong ang baso kay Kristine ay agad itinapon ni Kristine ang gatas sa mukha ng katulong..

My Baby cost 10 MILLION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon