Yheng’s POV
Matagal akong naghintay ng dyip na masasakyan. Madilim na rin kasi natapos ang kasalan.
Ano ba naman ito? Kahit saan ako mapatingin, lagi ko nalang nakikita ang mga magkakasintahan naglilipana sa tabi-tabi.
Lambingan dito...lambingan doon..nagbubulongan..Kelan ko ba mararanasan ang ganung feeling? ‘Yong tinatawag nilang MAINLOVE ng bongga! Nakakabaliw kaya ’yon? Hindi naman siguro. Kalokohan.
Yes, I lost my virginity to a certain guy na hindi ko naman naging boyfriend. Minsan naiisip ko..naaalala n’ya kaya ang pagmumukha ko? Siguro, hindi na. Kasi sa tipo ng lalaki na ‘yon ang hilig nun mga sosyal, elegante at may sinasabi sa bayan. Pero sa tagal ng panahon na lumipas..tandang tanda ko parin ang lalaking ’yon...HINDI KO NGA LANG ALAM ANG PANGALAN N’YA.
Alam kong galing s’ya sa isang mayamang pamilya. At ang nangyari sa amin nang gabing ‘yon ay nanatiling LIHIM SA AKING PAGKATAO. May isang bagay akong hindi malilimutan sa lalaking ’yon...kulay GREY ang kanyang mga mata.
At may iniwan s’ya sa akin na isang kwintas na nakasulat sa pendant na CM.
===============================================
Kinabukasan....
Sa tapat ng kompanyang pinapasukan ni Yheng, ay may isang malaking bahay.
Tanging nakatira lamang sa loob ng bahay na ‘yon ay isang 70 taong gulang na matandang babae..si Donya Elisa.
“Diday, pagdumating na ang mag-asawa sabihin mong nasa hardin lang ako.” Sabi ni Donya Elisa sa kanyang mayordoma.
“Opo, Senyora.” -Diday
Pagkaraan ng isang oras, dumating ang isang sasakyan..Agad namang sinalubong ng mga katulong ang dumating na mga bisita.
“Welcome home Senyorito .” Sabay sabay na binati ng mga kasambahay ang mga panauhin.
“Hello.” Bati ni Clint Madrigallanes
Ngumiti lamang ang kanyang asawa sa mga katulong.
“Diday, nasaan ang Lola?” Tanong ni Clint.
“Nasa hardin po s’ya Senyorito. Kanina pa nga kayo hinihintay.” - Diday
Agad namang tinungo ng dalawa ang hardin at inabutan nilang nag-aayos ng mga bulaklak ang matandang babae.
Dahan dahang lumakad si Clint.. Samantalang, nakatayo lamang ang kanyang asawa.
Mula sa likuran ng matanda ay niyakap ito ni Clint.
“Dios mio!” Nagulat ang matanda.
Natawa naman si Clint sa reaksyon ng matanda.
“Ikaw talagang bata ka..wala ka paring pinagbago!” Agad piningot ng matanda ang tenga ng kanyang apo.
Humalakhak naman ang asawa ni Clint. At lumapit ito sa matanda upang magmano.
“ Oh, what a surprise! You are here.” Sabi ni Donya Elisa.
“Kumusta po kayo?” Tanong ng babae.
“I’m great. And I’m still kicking.” Sabay ngiti ng matanda.
“How about you Darling? Kelan ang balak n’yo magkaanak ng apo ko? Meron ba kayong magandang balita sa akin ngayon?”
Donya Elisa