Chap. 18 FAMILY PARTY
Tinungo ni Clint ang isa sa kanyang pag-aari ang isang Fishing Company. Maliban sa Pilipinas meron din s'yang kompanya sa Norway.
At kahit magpahinga lamang si Clint sa kanyang bahay merong nagpapatakbo ng kanyang mga negosyo.
"Sir, mabuti at bumalik na kayo dito sa Pilipinas. Masayang masaya kami na nandito na muli kayo." Sabi sa kanya ng isa sa kanyang empleyado.
"Thank you. Masaya rin akong makita kayo." - Clint
"Sir, ilan na ang anak ninyo?" Muling tanong ng isang empleyado.
"Wala pa eh. Ang tagal ko na ngang naghintay." - Clint
"Naunahan po pala kayo ni Sir Cydric." -Empleyado
Napakamot nalang ng kanyang ulo si Clint.
"Mahina lang talaga siguro ang KAMANDAG ko." Nakangiting sinabi ni Clint.
"Sir, kailangan n'yo ng practice. Dapat laging nasa kondisyon kayo parati ni Misis." -Empleyado
"Oo nga eh. Medyo busy kami parati. Di bale, malay n'yo isang araw mababalitaan n'yo na lang may anak na ako." Sagot ni Clint.
Agad pumasok si Clint sa kanyang opisina.
Nang dumating ang tanghali na pagawi si Clint sa Canteen ng kompanya. Inabutan n'yang may iilang kabataang babae na dumating na may dala dalang lunch box. Sinundan ni Clint ang mga kabataan ng tingin..nakita n'yang inabot ng mga bata ang mga bibit na lunch box sa kanilang mga ama.
Huminga ng malalim si Clint. Nagulat na lamang s'ya nang may umakbay sa kanyang balikat.
"Naiinggit ka ba?" Nilingon ni Clint ang taong nasa tabi n'ya..si Marlon ang kanyang kaibigan at katiwala sa pagtatakbo ng kanyang negosyo.
"Pare, kelan kaya ako maging ama?" Bulong ni Clint.
"Wala pa rin bang pagbabago si Kristine?" -Marlon
"Kagagaling lang namin sa Japan..Umasa ako na makakabuo kami doon. Pero walang nangyari..Dahil.."
FLASH BACK..
Tumuloy sina Clint sa isang Hotel sa Japan. Walang araw na hindi sila namamasyal ni Kristine. Parati silang pagod. Pakiramdam ni Clint naikot na nila ang buong Japan sa loob lamang ng 1 buwan.
At sa loob ng 1 buwan tila iniiwasan ni Kristine ang makipagtalik sa kanya. Madalas pa nga minsan naiiwan si Clint sa loob ng hotel, dahil inaabutan ng madaling araw si Kristine sa casino.
Ayaw namang makipagtalo si Clint sa asawa dahil baka maslalo itong umiwas na pagbigyan s'ya.
END OF FLASH BACK
"That was bullshit! Pare, kung ako sa 'yo MAMBABAE ako. May pangangailangan ka. Kailangan mo ng anak. Ano pang pagiging MISIS n'ya kung wala s'yang maibigay sa 'yo. Lahat ibinigay mo na sa kanya. Hindi ba n'ya naisipan magpatingin sa doktor?" - Marlon
"Umiinum s'ya ng contraceptive pills.." Malumanay na sinabi ni Clint
"Boooommmm! 'Yan sigurado ako SARILI LANG N'YA ANG INIISIP N'YA. Nakakalimutan siguro ni Kristine ang salitang KATANDAAN. Pare, mahirap tumanda na walang TATAWAGING ANAK. Oo, 'yong iba gustong tumandang mag-isa pero iba ang may anak. Lagi mong tatandaan."
-Marlon
"Ang swerte nga ni Cydric dahil magkakaanak na s'ya.." - Clint
"Waaaaa..tignan mo nga naman ang pinsan mo ANG BILIS. Ganyan dapat ang GUTS mo." - Marlon