Maagang umalis si Yheng papuntang trabaho. Bago makarating si Yheng sa pinagtatrabahuan, kailangan n’ya pang sumakay ng trisikad.
“Good Morning Maam Yheng, sumakay na po kayo dito sa aking trisikad..mas mabilis po kayong makakarating sa inyong opisina.” Sabi ng isang trisikad driver.
“Sige..nagmamadali na rin ako. Pero dahan dahan ng kunti sa pagpapatakbo. Baka madisgrasya pa tayo.” Agad sumakay si Yheng.
Nagsimula nang magpatakbo ang trisikad driver. Bawat kanto na madaanan ni Yheng ay may bumabati sa kanya.
“Good Morning LUV.” Bati sa kanya ng isang tindero sa isang tindahan ng tinapay.
“Good Morning din sa ‘yo. H’wag mong kalimutan ang PAN DE COCO namin mamaya. Kung hindi puputulin ko ang CABLE LINE MO! Dalawang buwan ka na walang bayad.”
Paalala ni Yheng sa tindero.
“Opo, pupunta ako doon mamaya. Nakakainis ka nai-BROADCAST mo pa!” Pahabol na sigaw ng tindero.
Kumaway lang si Yheng.
Nang dumating si Yheng sa opisina..wala pa ang mga kasama n’ya. Kaya naisipan n’ya munang lumabas sandali.
Nakabukas naman ang main gate at kasalukuyang nagkakape ang mga security guard.
Napansin ni Yheng na bumukas ang gate ng bahay ni Donya Elisa..
Nakita n’yang lumabas si Cydric. Nakacargo short pa ito at naka-white t-shirt. Tinungo nito ang mailbox para kunin ang dyaryo.
Papasok sana si Yheng sa loob nang biglang..
“Good Morning Ms. Calangitan...” Narinig n’ya ang pagbati sa kanya ni Cydric.
Lumingon si Yheng at ngumiti ng bahagya..
“Good Morning.” -Yheng
Agad pumasok si Yheng sa loob ng opisina. Agad kumuha s’ya ng mga nakafile na folder at kunwaring nagtitingin sa mga record. Umupo s'ya sa harap ng mesa.
“Ehem...” Nagitla si Yheng sa narinig.
“A—anong...ka-kailangan mo?” Nagulat si Yheng na nasa harapan n’ya si Cydric. Nakaupo ito sa kanyang harapan. At inilapit pa ang mukha nito sa kanya.
“Pwede ba kitang maimbitahan para mag-kape sa kabilang bahay? ” - Cydric