Chap. 24 CLINT AND YHENG
AN : Focus muna tayo sa nangyayari kina Clint at Yheng..Ilang chapter(s ) lang naman..
Biglang napabangon si Yheng..
“A-Anong ginagagawa mo dito?” Biglang kinabahan si Yheng.
“Pinagbilinan ako ni Cydric na samahan ka. Hindi ba n’ya sinabi sa ‘yo?” - Clint
Umiling si Yheng.
“Lintek na Cydric! Anong pumasok sa utak n’ya at wala s’yang sinabi sa akin na sasamahan ako ni Clint.” Bulong ni Yheng sa sarili.
Agad namang tumayo si Clint. Napansin ni Yheng na tila may pupuntahan ito dahil naka Business Suit si Clint.
“Kailangan mo nang kumain ng almusal.. Dumaan ako dito para gisingin ka lang. ‘Yan ang bilin sa akin ng magaling kong pinsan.”
Lumapit si Clint sa bintana at hinawi ang kurtina.
Dahan dahan naman bumangon si Yheng.
“Ammmm..May lalakaran ka pa yata. Baka nagmamadali ka. Kumain ka na ba ng almusal?”
Nakayuko si Yheng at medyo nahihiya sa lalaking kaharap.
Pakiramdam nya ay hindi n’ya kayang tignan si Clint habang magkaharap sila; lalo na’t wala si Cydric. Nawawalan s’ya ng lakas ng loob.
“Oo..siguro magkakape na lang ako. Para naman may kasama ka.”
-Clint
Napatikum ng kanyang bibig si Yheng.
Inalalayan ni Clint si Yheng sa pagtayo nito. Napapikit ang mga mata ni Yheng..nakakaramdam si Yheng ng kunting pagkahilo..dahilan na napahawak s’ya sa balikat ni Clint..
“Nahihilo ka ba?” Bulong ni Clint..
Nanatiling nakapikit si Yheng. Huli na nang maramdaman ni Yheng na nakayakap na si Clint sa kanya. Biglang dumistanya si Yheng..
“Okay na ako..” Biglang umalis si Yheng at tinungo ang banyo.