Chapter 5: Trixie and Clarence

3.1K 66 0
                                    

IHR

Flashback...

"Rence? Clarence?! nag aalalang tanong ni Trixie kasabay ng mga luhang patuloy na nahuhulog, pamilyar ang sakit na nararamdaman ng puso nya.

"Ahhhhh! Sigaw ni Clarence dahil sa nararamdang sakit mula sa kanyang ulo. Lumapit si Trixie pero tinulak nya ito, hindi nya sinasadya pero tila nasaktan si Trixie, pero ang luha ay hindi dahil sa pisikal na sakit kundi dahil sa takot, takot na mawalan ulit, takot na maiwan ulit, takot na mawalan ulit.

"Trixie? A-ayos ka lang ba?! di ko sinasadya. Sabe nito dahil nagawa lang nya iyon dahil sa sakit ng kanyang ulo. Hindi nya makontrol ang sarili nya hanggang sa isang hikbi nalang ang narinig nya mula sa kanyang pinakamahal na asawa, si trixie.

*sob *sob *sob "Rence alam ko nahihirapan ka. Pero hayaan mo naman akong tulungan ka, Asawa mo ko at hindi ko gustong makita ka sa ganyang kalagayan. Umiiyak na sabe ni Trixie.

Hindi na nakasagot si Clarence at muling ininda  ang sakit ng kanyang ulo, tuluyang bumagsak si clarence dahilan para magbalik lahay ng sakit ng kahapon sa pagkawala ng kanyang kakambal, Mabilis na tumawag ng doctor si Trixie para madala sya sa hospital.

"Rence?! rence?" tawag ni Dim.

"Ahhhhhh! hindi ko na kaya. Sigaw ni Clarence habang namimilipit sa sakit. Nakahawak lang ito sa kanyang ulo habang yakap yakap sya ni Trixie. Pilit na nagpapakatapang si trixie sa kabila ng lahat ng takot.

"It's okay rence, parating na ang mga doctor." umiiyak na sabe ni Trixie sa asawa.

Mabilis namang dumating ang private doctor para kay rence at doon sya natignan. Nabigyan ito ng painkiller at pinatulog.

"Mas makakabuti kung dadalhin nyo sa hospital para doon sya mas maalagaan. Sabe ng doctor.

Nakaramdam ng takot si Trixie sa mga sinabe ng doctor dahil na rin sa karanasan nya noong mamatay ang kanyang kakambal na si Trisha ang tunay na ina ni Riddle.

"Kung iyon ang makakabuti sa kanya doc." Malungkot na sabe ni Trixie.

Lumapit si Dim saka niyakap si Trixie para icomfort, hindi nya alam ang gagawin kaya tanging yakap nalang ang binigay nya para dito. Saksi si Dim sa lahat ng sakit, takot at tapang na pinakita ni Trixie habang lumalaban sa sakit ang kanyang kapatid. 

"Dim bakit? ano nanaman ba to? sa tuwing magiging masaya ko laging napapadali ang oras. Do I deserved all this things?! Ano pa ba? Sino pa ba ang mawawala sakin huh?!" Galit na sabe ni Trixie kasama ang pagdaloy ng bawat luha sa kanyang mga mata. Hindi na bago ang gantong eksena pero doble ang sakit na mararamdaman nya sa pangalawang pagkakataon.

"Trixie relax! gagaling sya okay lalaban si clarence." Sabe ni Dim.

Mabilis na nilipat sa hospital si Clarence para doon maalagaan. Pero sa kasamaang palad napunta sya sa comatose dahil sa unti unting pag lala ng sakit nito dala ng aksidente noong nabubuhay pa ri Trisha.

7 years ago, naaksidente si Trixie at Clarence. Si Clarence ay nalagay sa pinaka mahirap na sitwasyon dahil sya ay na comatose, pero matapang at lumaban si Clarence. Mula sa comatose ay nabuhay at bumalik ang dati nyang sigla. Pero ang hindi nya alam ay hindi pala tuluyang gumaling si Clarence at mas lumala pa ito. Nagkadamage ang skull ni Clarence at nagkaroon ng komplikasyon dahil sa kapabayaan at kakulangan sa medical check ups. Isinantabi nya ang kanyang narararamdan para kay Trixie. Kaya mabilis kumalat ang infections at doon na nagsimula ang unti unting pagbawi sa buhay ni Clarence.

______________________________

Trixie's POV

"Rence? ayos ka lang ba? Nakikilala mo pa ba ako? Ako si Trixie ang asawa mo. Umiiyak kong sabe sa kanya, Pero tila hindi nya ko naririnig, nakatulala lamang ito sa kisame ng hospital at lumuluha. Nagising na nga sya pero hindi pa rin ito nakakapagsalita. Hindi na sya nakakakilos dahil kumalat na ang infection sa utak nya. Pero naniniwala ako na lumalaban pa rin ang puso nya.

Pinunasan ko ang luha sa kanyang mga mata. Saka ko sya niyakap. "Clarence salamat, Salamat kase hindi mo ko sinukuan. Hinanap mo ako at pinakasalan. Lumaban ka ha? Lumaban ka para sakin wag ka muna sumunod kay trisha, tutal ako naman tong mahal mo. Bulong ko sa kanya saka ko inaalala ang mga pagsubok na sabay naming nalampasan.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko, wala na si Trisha pati ba naman si Clarence mawawala din? Gusto kong sumbatan ang langit pero hindi ko kaya dahil alam kong may plano sya. Matibay pa din ang pananampalataya ko at tiwala sa Lord.

Aalis sana ako ng marinig ko ang isang tunog ng aparato. Mabilis akong tumingin dito at mabilis ding gumuhit ang pataas babang linya dito kanina lang. Lumapit ako kay Clarence at doon na nagSimulang kumabog ang aking dibdib.

"Doc?! Doccc!? Nurse? Nurseeee! Sigaw ko habang niyayakap ko si Clarence. Nakita ko pa ang luha sa gilid ng kanyang mga mata natatakot ako. Ayoko, hindi ko matatanggap, hindi ko tatanggapin. Wag muna, sariwa pa ang sakit ng pagkawala ng kapatid ko, hindi pa ko handang mag-isa.

"Clarence wag muna! wag muna please." pag mamakaawa ko dito halos mawalan ako ng lakas dahil sa sakit na nararamdaman ko, "tulungan nyo sya parang awa nyo na doc." Mahina kong sabi habang pinanonood sya sa kanyang higaan.

Mabilis na pumasok ang doctor at mga nurse, halos hindi ko na matandaan ang ginawa nila dahil sa sobrang takot nanginginig ang mga tuhod ko at halos di ako maka galaw.

"Time of death. 2:11 pm. Plain na sabe ng doctor saka umalis.

Nanatili akong nakaupo sa sahig. Hindi gumagalaw at hindi umiiyak, basta masakit! masakit, sobrang sakit. Parang gusto ko ng mabaliw, gusto ko ng magpanggap na panaginip lang ang lahat at darating ang araw na gigising ako ng walang problema.
Gigising ako na masaya kasama ang asawa kong si Clarence, ang lalaking pinili ko at lalaking unang kong minahal. Nakita ko ang aking kamay suot ang isang magamdang singsing na kaparehas ng kay clarence.

"Trixie? mahinang tawag ni Dim saka nya ko tinayo. Inayos nya ang gulo gulo kong buhok at pinunasan ang mukha ko. Kasama pala nya si Jade, bale si Clarence nalang ang kulang, "Dim, Jade, gisingin nyo si clarence. Gusto ko ng umuwi kasama sya." mahina kong sabi.

Bumaling ako kay Clarence na nakahiga sa kama nakapikit at tila nagpapahinga. Nakita ko na sa ganitong position si Trisha noon, sa parehas na sitwasyon. Nakahiga sa isang kama habang nakapikit na tila nagpapahinga.

"Jade? gisingin na natin si Clarence? Gusto ko ng umuwi pagod na ko." Sabe ko na tila wala sa sarili.

"Trixie iuuwi na kita, Please magpahinga ka muna."

"Hindi! ayoko! Tumakbo ako papalapit kay Clarence saka ko sya niyakap. "Rence? gising naaa. Sabe mo db? ayaw mong nasasaktan ako? Clarence wag mo naman akong iwan! mahal kita rence mag uumpisa palang tayo pero sumuko kana agad." pagmamakaawa ko sa walang buhay na si Clarence.

Biglaan? hindi siguro biglaan ang lahat. Hanggang sa naalala ko na noon pa nya ito iniinda, noong buhay pa si Trisha may mga time na sumasalit ang ulo nya, pati noong nasa States pa kami. Bakit? bakit hindi ko man lang naisip na may sakit pala sya? Bakit?!

Hinampas ko ang katawan ni Clarence dahil sa galit. "You are such A big, big liar! you fool me for a couple of times! Clarence all I did is to love and accept you, you keep on telling lies! Wala kang ibang ginawa kundi mag sinungaling sakin! kundi paiyakin at saktan ako! How dare you Clarence!" Sabe ko habang hinahampas sya. Hinawakan ako ni Jade at niyakap.

"Sorry Trixie, Kasalanan ko. Kung hindi dahil sakin hindi ka sana malalagay sa sitawasyong to. Sabe ni Jade habang yakap yakap ako.

"Jade I want him, please I want my husband." Sagot ko saka ako umiyak. Hindi ko kayang tanggapin ang lahat or should I say hindi ko tatanggapin ang lahat. Sa lahat ng laban ako ang naiiwan, Sa lahat ng paglaban ako ang nananatiling umiiyak.

Pero ano nga ba ang mas masakit? Ang MAIWAN? o MANG IWAN? Alam kong hindi ito ginusto ni Clarence pero kung sinabe nya sana ng maaga hindi dapat aabot sa ganito. Sa kagustuhan nyang mapasaya ako mas lalo nya lang akong nasasaktan. Mas doble ang sakit.

Kaylan ba to matatapos? at sino ang tatapos? gusto ko ng sumuko pero pano?

Akala ko matapang na ko, Akala ko malakas na ko pero hindi pa pala dahil sa huli nanatili pa rin akong talo.

----------------------

I'm her rapistWhere stories live. Discover now