#IHR
Naglalakad ako sa palengke dahil inutusan ako ni Marc mamili para sa aming tanghalian at hapunan. No choice ako kase hindi naman ako marunong magluto pag di ako namalengke magugutom ang gwapong Si Ride! Hmm. Ano kayang masarap kainin na something healthy?
Naglibot libot ako sa palengke at halos gawin ko tong park dahil mukha lang akong namasyal dito hahaha. Ano ba kaseng alam ko sa pamalengke diba? hanggang sa makakita ako ng mga red Apples.
"Oh 3 for 100 nalang! matamis malutong at sariwa! bili na bili na biliiiiii naaaaa!" Sigaw ni manong na tindero nito.
Lumapit ako dito dahil may naaalala akong isang tao, tao na hindi naalis sa isipan ko kahit anong gawin ko. Kumuha ako ng isa at inamoy ito napaka tingkad ng pagkapula nito gaya ng mga labi ni Snow. Napangiti ako kase may mga bagay talaga akong nakikita na nakakapag paalala sa kanya she's nobody but keep hanging on my mind.
"Oh kuya mauubos na yung amoy nyan bibili ka ba?"
"Sobra ka naman! wag ka mag alala nagtira pa ko ng konting amoy!" pilosopo kong sagot dito sa manong na tindero.
Kumuha ako ng tatlo saka binayaran. "Tatlo lang? Dagdagan mo naman para I Love You So Much!
"Tsk! anong I love you so Much? ako kakaen nito manong! bakit may I love you so much?"
"We? kunwari kapa e kung maka amoy ka kanina parang naaalala mo jan yung girlfriend mo may pa pikit pikit kapa!"
"Aba't Loko ka kuya ah? chismoso ka rin e noh?" sabe ko saka kinuha ang mga binili ko saka umalis.
Pag kakuha ko ay agad akong naglakad ng mabilis at pumunta kila Snow. Malapit lang sa palengke ang bahay nya kaya sasaglit muna ko sa kanila para ibigay ang mga ito.
Nang marating ko ang bahay nya ay nakita ko itong bukas kaya hindi na ko kumatok. Pumasok ako para pagsabihan sya na wag iniiwang bukas ang pinto lalot mag isa lang sya rito, hindi naman siguro sya magagalit dahil dito diba?
"Snowww? Ako to si Ride anjan kaba?" Tawag ko habang tinatanggal ko ang sapatos ko. "Ano ba tong bahay na to! bukod sa sobrang tahimik medyo madilim din, ang creepy hahaysst!
"Andito ko." Mahina nyang sagot na ikinagulat ko dahil nasa gilid lang pala sya ng bintana.
"A-anjan ka Pala. Sorry pumasok na ko naiwan mo kasing bukas ang pinto. Hmm. Sana next time ano, Wag mo na sanang ano, iwang nakabukas ung ano, kase delikado diba?" naiilang kong sabe dahil parang wala ako sa lugar para pag sabihan sya.
Binuksan ni Snow ang ilaw kaya medyo lumiwanag ang buong bahay. Nakahinga rin ako ng maluwag dahil hindi na syang mukhang aswang.
"What brings you here?" mataray nyang tanong.
"Ahmm, Gusto ko lang tong ibigay sayo. Sabe ko sabay abot ng mga mansanas. Her tone sound very classy, Nagpapa-isp tuloy ako kung mayaman din ba sya o talagnag well-mannered lang.
Tinignan nya lang ito saka nagsalita. "Umupo ka muna at lilinisan ko yan. Samahan mo kong kumaen para masiguro kong wala tong lason."
"Grabe ka naman! Hindi naman ako ganyang tao." Tsk. Sabe ko.
"Uupo ka at sasamahan akong kumaen nito o papalayasin kita sa pamamahay ko? just choose riddle ford"
"Uupo na nga oh? ito naman masyadong seryoso sa buhay!" Sagot ko. Sayang naman kase kung hindi nya tatanggapin.
Umupo ako sa sofa at sandaling nakapagpahinga, hanggang sa bumalik na sya dala dala ang mansanas na ngayon ay nakalagay na sa lagayan kasama ang isang kutsilyo. Nilapag nya iyon sa lamesa sa harap ko. "Kumaen ka." Plain nyang sabe.
YOU ARE READING
I'm her rapist
RandomA man who fool by Loved, Though by Love and Trying to defined what Love is. Could you trust someone who take your purity? Or Revenge will justify the means of Love. A girl with beautiful body, character, mind, heart and soul will turns into vengefu...