Snow's POV...................................
Nag wave ako kay Riddle Ford Saka pumasok sa loob ng bahay hindi ko na halos matagalan ang paglalakad kasama sya. Gusto ko na syang itulak palayo lalo't masyado syang malapit sakin dahil sa iisang payong na gamit namin kanina. Mabuti at nakapagpigil ako at natiis ko ang presensya nya.
"Uunti untiin kita Riddle Ford, Mapapalapit ka sakin at mahuhulog ka. Pero sa kasamaang palad hindi kita sasaluhin! Just taste my revenge, I'm working into it." Sabe ko sa sarili ko habang nakatitig sa litrato nyang nakalagay sa wallet ko. Not all pictures in wallet are for lovers.
Kinuha ko ang papel kung saan nakalista ang mga pangalan ng member ng gang ni Fred na kasali sa pagdukot sakin. "Lahat na pala sila nakakulong na." Sabe ko saka ako tumawa.
"Dalawang lalaki nalang ang natitira, Mi-ni Mi-ni Mi ni mo! sino kaya ang uunahin ko?" Sabe ko bilang paglalaro sa litrato ni Fred at Riddle. Ang mga lalaking sumira sa maganda at tahimik kong buhay!
Humanda ka Frederick dahil ipaparanas ko sayo ang pait ng lahat ng pagkatalo, pagbagsak at galit na hindi mo pa nararanasan! Sabe ko saka ko pinunit ang litrato nito. Tinago ko naman ang litrato ni Riddle dahil sya ang ihuhuli ko sa kanilang lahat. I will hurt him differently and I'm very excited to watch him with pain.
Tutal alam kong hindi sya masama magiging mababaw lang ang ganting ipapataw ko sa kanya. Paiibigin saka ko sya saka iiwan, sana kase hindi mo na niligawan si Lea at sana hinanap mo ko pagkatapos mo kong halayin! edi sana napatawad pa kita. As simple as that Riddle Ford! Pinili nya si lea para iligtas kaya ngayon ipapatikim ko rin sa kanya ang sakit ng hindi PILIIN! ang sakit ng mawalan at takot na dulot ng kahayupan ni Fred. Kung nagpakita ka lang sana sakin noon at humingi ng tawad edi sana hindi ako nagalit ng ganito, you mess with the wrong person dear Riddle.
Kinuha ko ang panyong inabot sakin ni Ride kanina saka ko ito pinagpupunit. Galit ako sa kanya! galit na galit, habang pinunit ko ito ay nagbabalik ang lahat ng ala ala, lahat ng takot at galit ng kunin nya ang lahat sakin!
Nagmakaawa ako pero hindi ka nakinig! bakit?! bakit mo ginawa? bakit hindi man lang kayo naawa?!" sigaw ko dahil muli naramdaman ko ang pandidiri saking sarili.
Kung pwede ko lang alisin lahat ng ala ala ay ginawa ko na! pero hindi. Hindi iyon ganon kadali dahil tumatak ang bawat hawak bawat haplos at bawat halik nya sakin. Ang tawanan ng mga nanunuod at hiyawan ng mga walang pusong gumawa nito sakin.
Alam kong hindi nya iyon ginusto, pero hindi ko maiaalis na sya ang dahilan ng lahat ng takot at sakit.
"Gagantihan ko kayo! hindi kayo liligaya at hindi ko kayo patatakasin." sigaw ko habang pinupunit ang panyong galing sa kanya.
"Snow?! Snow?" mabilis na lumapit sakin si Megan, niyakap nya ko ng mahigpit..
"It's okay Snow, it's okay." Alam ni Megan ang pinagdadaanan ko pero hindi nya alam ang lahat ng balak ko. Hindi nya alam na si Riddle ang gumahasa sakin at hindi nya alam na gaganti ako.
"Galit ako Meg! galit na galit!" sabe ko habang umiiyak. Halos maghalo na ang pawis at luha saking mukha pero hindi ko ito iniinda dahil sa galit ko. Nandidiri ako sa sarili ko.
"Tama na please, huminahon ka." Naluluhang sabe ni Megan. Sino bang kaibigan ang hindi masasaktan kung makikita nyang ganitong ang matalik nyang kaybigan?
Nang mapagod ako sa kakaiyak ay agad akong nagpahinga sa kwarto, Nakakapagod maging talunan, nakakapagod umiyak kaya lahat ng paghihirap ko ay ipaparanas ko rin sa inyo!
Megan's POV....................................
Tumigil na sa kakaiyak si Snow ang best friend ko. Nakakalungkot lang isipin na kahit ilang buwan na ang lumilipas ay tila sariwa pa rin ang ala alang sumira sa buhay nya.
YOU ARE READING
I'm her rapist
RandomA man who fool by Loved, Though by Love and Trying to defined what Love is. Could you trust someone who take your purity? Or Revenge will justify the means of Love. A girl with beautiful body, character, mind, heart and soul will turns into vengefu...