Snow's POV
"Arian salamat at nakarating ka :)
"Wala yon. Snow mas mabuti kung walang makakakita satin.
"Gusto kong magrelax Arian. Nahihirapan ako sa mga nangyayare samin lalo't masama ang loob sakin ni Yuno.
"Snow ganyan talaga kaya mas maganda kung ngayon palang makapagdesisyon kana. Marriage is a lifetime commitment hindi ka na makakatakas oras na makasal na kayo.
"I know. Sagot ko saka ako napayuko. Naaawa ako kay Yuno, I saw him hurt last night.
FLASHBACK............
"Yuno nasasaktan ako! Sigaw ko sa kanya dahil halos makaladkad na ko sa ginagawa nya.
"Pasok!
"What?! Iuwi mo ko sa bahay. Hindi ako mag iistay dito sa bahay nyo! Sagot ko sa kanya saka akmang tatalikuran sya.
"At saan ka pupunta?! Imogen gaano katagal mo na kong niloloko?! sabihin mo nga sya ba yung nagbigay sayo ng bahay sa likod ng mall?! sya din ba yung dahilan kung bakit ayaw mo sakin?
"Yuno hindi kita niloloko! Ano bang sinasabe mo?
"Snow sabihin mo nga? ano ba ko sayo? Seryoso nyang tanong habang tanging ingay lang namin ang naririnig ko sa loob ng mansion.
"Kaybigan kita Yuno alam mo yan. Sagot ko.
"Kaybigan? So you treat me and considered me as your friend? pero bakit hindi mo ko nirespeto? kung kaybigan mo ko okay lang! pero sana alam mo yung salitang respeto! ikakasal kana Snow kaya sana naiisip mo na nasasaktan ako sa ginagawa mo. Fiance mo ko tapos sya yung mahal mo?!
"Yuno sinabe ko naman sayo di ba? gusto ko maging masaya ayokong magpakasal. Sabe ko saka unti unting nanunuot ang sakit dito sa dibdib ko.
"So dito ka masaya? Sa panloloko mo sakin ganun ba?
"That's not what I mean! yuno Aaminin ko mahal ko si Ride pinigilan ko naman tinago ko pero hindi ko kaya!
"Selfish ka Imogen Snow! Mariin nyang sabe saka ako tinalikuran. Naiwan ako sa entrance ng mansion habang paulit ulit kong naririnig ang huli nyang salita.
Selfish
Selfish
Selfish
"Ako selfish? buong buhay ko ngayon ko lang ginustong sumuway. Pero bakit hindi nila to payagan? Ito lang kasalang to ang hindi ko gusto. Pero bakit parang lahat ng tao galit sa gusto ko? bawal ba kong sumaya?
Naglakad ako palabas ng mansion. Wala kong sasakyan kaya hinayan ko ang aking mga paa na lumakad hanggang sa kaya ko. Naiwan ko din ang mobile phone ko sa kotse ni Yuno kaya hindi ko matawagan ang driver ko.
Malayo na ang nalakad ko pero hindi ako nakakaramdam ng pagod dahil sa skit ng dibdib ko. Selfish ako dahil gusto kong sumaya. Hanggang sa may tumigil na sasakyan sa gilid ko napalingon ako at nakita ko si Daddy.
Mabilis syang lumabas ng kotse saka lumapit sakin.
"Anak? what are you doing here baby? Gabi na at bakit ka naglalakad mag isa?! Hinawakan nya ang nakayuko kong mukha saka ito inangat, doon nya nakita ang luhaan kong mukha.
"Are you crying? what's wrong Honey? bakit ka umiiyak? Tanong nito saka pinunasan ang aking mukha. Hinubad nya ang coat nya saka ito sinuot sakin. Binuksan nya ang pinto ng kotse at doon ako pinasok.
Gusto kong magsalita, gusto kong umiyak at magsumbong kay daddy pero para saan pa e kahit sya alam kong hindi ako maiintindihan.
"Anak anong nangyare sayo? bakit ka mag isa? at bakit ka umiiyak?
YOU ARE READING
I'm her rapist
RandomA man who fool by Loved, Though by Love and Trying to defined what Love is. Could you trust someone who take your purity? Or Revenge will justify the means of Love. A girl with beautiful body, character, mind, heart and soul will turns into vengefu...