Chapter 32: Yes I was

1.7K 53 0
                                    

Snow's POV

"Mag usap nga tayo Snow? Ikaw si Cinderella tama? tanong ni Megan.

Tumalikod ako sa kanya at hindi sumagot.

"Snow kausapin mo ko.

"Oo ako nga ako yung babaeng nakasayaw nya and so what? Sagot ko.

"Snow sinadya mo ba? Or should I say pinaglalaruan mo sya? Tanong ni megan.

"Bakit megan? nababaliw na ba sya kakahanap kakaisip sa babaeng nakasayaw nya na may ari ng sapatos na iyon? sarcastic kong tanong.

"Snow naman? alam mo bang hinahanap ka nya? I don't understand bakit mo to ginagawa?

"I'm tired. Bukas na tayo mag usap. sagot ko kay Megan.

"Snow ano ba?! may tinatago kaba?

"Wala! Can you please stop asking me. Pagod ako.

"Hindi Imogen snow, Ngayon tayo mag usap. Please? Napatingin ako kay Megan habang nangingilid na ang aking mga luha. Ewan ko pero pakiramdam ko napaka bigat ng lahat.

Hinawi ko ang buhok ko saka ako umupo. I'm tired! I'm tired of being a loser, tired of living and tired of being broken.

Kaya ko pa ba?

"Snow tell me, Si Riddle ba? malungkot nyang tanong dahil tila alam na nya kung bakit ako nagkakaganito.

Dito hindi ko na napigilan. Umiyak ako na parang ngayon lang nangyare ang lahat, na parang sariwa pa ang ala-alang ayoko ng balikan.

Umiyak ako na parang bata dahil sa sakit, takot at pagkamuhi. "Snow kelan mo pa nalaman? Naiiyak na sabe ni Megan.

"Noon pa megan hindi ko naman sya nakalimutan, simula ng babuyin nya ang buo kong pagkatao. Meg hindi ko makakalimutan lahat, ang bawat hiyawan, bawat tawa at ang pangalan nya. Si Riddle Ford si Frederick Conception.

Niyakap ako ni Megan ng mahigpit kasabay ng paghaplos nya sa aking likod, muli nakaramdam ako ng pandidiri sa aking sarili na tila kahit ubusin ko lahat ng luha ay hindi mababawasan ang bigat na nararamdaman ko.

"Shhhsss, sorry Snow, hindi ko na ulit hahayaang makalapit pa sya sayo. Sabe nya habang yakap ako.

Napabitaw naman ako sa pagkakayakap at tumigil sa pag iyak. "No megan, hindi ako lalayo sa kanya. Matapang kong sabe.

"What do you mean Snow? bumitaw sya sa pagkakayakap at napatingin sakin.

"Gagantihan ko sila, iisa isahin ko silang lahat! at naumpisahan ko na ito, Si Riddle nalang at Fred Megan. Galit kong sabe.

"Ano? gaganti ka? No, you're not going to do that. Sabe nya, alam kong hindi sya makapaniwala but I already made my decision. Nakaplano ang lahat, kung pano ko pahihirapan si Fred bago ipakulong at kung paano ko paluluhain si Ride mula sa maliit hanggang sa pinaka malaking detalye ng paghihiganti ko ay nakaplano na.

"Snow anong balak mo? Seryosong tanong ni Megan.

Hindi ako sumagot at tumalikod na ako sa kanya, hindi ko gustong makipagtalo pa sa kanya pero hindi ko rin gustong makialam sya. Dahil hindi Si Lea, Hindi si daddy at mas lalong hindi si Megan ang makakapigil sa lahat.

"Kaya kaba pumunta sa ball at hinalikan sya?

Natigilan ako sa sinabe nya, "Sabihin mo Snow, anong balak mo kay ride? dagdag pa nya.

"Megan pwede bang wag kana makialam?! This is my life.

"So anong gusto mong gawin ko? Ang hayaan kang pumatay ng tao? hayaan kang gumanti hayaan kang mabuhay ng ganito at hindi na maging masaya pa? iyon ba?! Yun ba ang gusto mo Imogen?! Galit nyang sabe. This time humarap na ko sa kanya saka nagsalita.

"Oo megan iyon nga! Gusto ko hayaan mo Kong gantihan ang mga hayop na iyon!

"This is insane! Kaybigan kita Snow kaya please hayaan mo kong tulungan ka.

"Kung gusto mo talaga kong tulungan hindi mo na ko papakialaman. Umalis kana dahil gusto ko ng magpahinga.

"Ano bang nangyayare sayo Snow? hindi ikaw to. Malungkot nyang sabe.

"Wala na yung snow na makilala mo noon pa. Tingin ko you should accept the fact na iba na ako. Sila mismo ang nagtulak sakin para gawin to Megan, sila mismo.

"Snow hindi ka magiging masaya kaya please tama na, Habang maaga pa.

"Ano ba Megan? wala ka sa sitwasyon ko kaya hindi mo ko naiintindihan.

"Oo wala nga ako sa sitwasyon mo pero di ba kaybigan mo ko? All I want is the best for you. Ayokong mapuno ng galit yang puso mo :(

"Megan it was too late. My heart is already broken, my life is already ruin. How could I ever stop hating those person who did it to me? kung nakikita ko silang masaya habang ako ay miserable?! Galit kong sabe.

"Snow ikaw ang pumili ng lahat. Pinili mong maging ganito panili mong matakot, magtago at mag higanti. Now tell me, Sila ba ang dapat sisihin?

"So ako? Ako ang dapat sisihin ganon ba?! ako ang dapat sisihin dahil hindi ko sila makalimutan ako ang dapat sisihin dahil napuno ako sa galit, ako dapat sisihin dahil nabuntis ako?! Megan hindi ko malilimutan bawat tawa, bawat hiyaw, bawat haplos, bawat yakap, bawat halik at ang bawat galaw na syang kumuha sa lahat! Megan I'm only 17! pero maaga nilang sinira ang buhay ko! so now megan, ako ba ang dapat sisihin?

"Tatanungin kita Snow, ginusto ba ni Ride? Natigilan ako. Ginusto ba nya? Alam kong hindi, pero I was bitter enough to include that guy to my list. Duwag sya at hindi nag iisip!

Bakit nga ba ako galit kay Ride? Tanong ko sa sarili ko.

"Sya ang gumahasa sakin Megan, sya at walang iba! Sagot ko.

"Yah, Sya nga Snow but my question is Ginusto ba nya? Snow he doesn't even have a choice. Alam mo yan.

Tumalikod ako dahil alam ko ang katotohanang hindi nya iyon gusto pero galit ako dahil Hindi ako ang pinili nya. Ginawa nya kahit alam nyang hindi dapat. Naipon na ang galit at poot dahil sa paglipas ng panahon hindi man lang nya ko hinanap para humingi ng tawad.

"Umalis kana Megan. Sabe ko saka ako pumasok sa kwarto, ayoko ng makipagtalo sa kanya.

"Snow? naniniwala ako na mabuting tao ka pa rin sa kabila ng lahat ng ito. Narinig kong sabe nya bago ako tuluyang makapasok sa kwarto.

Ano nga bang balak ko kay Ride? simple lang, gusto ko lang naman sya paibigin at iparanas sa kanya ang pakiramdam ng hindi piliin. Yun lang! hindi ko sya papatayin, gusto ko lang saktan ang damdamin nya.

Si Frederick naman pahihirapan ko saka ko ipapakulong, hindi naman ako papatay e. Gusto lo pang iparanas lahat ng sakit na halos dumurog sa buo kong pagkatao.

Kinuha ko ang isang litrato sa loob ng cabinet litrato ng isang magamdang dalaga na kung saan nakita ko sa bahay nila Ride, larawang binigay sakin ni daddy Jade na gusto nyang makilala ko dahil sya ang inspirasyon nito. Ang babaeng dahilan kung bakit patuloy nabuhay at naging matapang si Daddy sa kabila ng pagiging walang puso ng magulang nito, Hindi sila nagkatuluyan pero masaya sya dahil masaya na daw ang dalagang ito.

Nakita ko kay daddy ang pinaka the best example ng Love, dahil isa sya sa buhay ng patotoo na may mga pinagtagpo lang at hindi itinadhana.

Pero bakit? bakit parang napaka hirap ng lahat. Lalo't nalaman kong ang ina ni Riddle Ford ay ang kaisa isang babaeng minahal at minamahal nya ngayon. Si Miss Trixie Sebastian Ford.

Alam kong double ang sakit nito para kay daddy, dahil kaylangan nyang magalit sa anak ng babaeng mahal nya dahil sa insidente. Bakit si Ride pa? O bakit ako pa? Sa milyong milyong tao sa mundo bakit kami pa?

I'm her rapistWhere stories live. Discover now