After ng class ay mabilis akong lumabas ng room, hindi ko na rin hinintay si yuno dahil mukhang busy sya at may meeting pa sila ng research partner nya. I want to be alone.
Ayokong makita ang mukha ni Mr. Riddle Ford! hindi ko akalaing ganoon sya kacheap! Naiinis ako, sobrang naiinis ako.
Naglakad ako papunta sa tahimik na lugar, though masyadong matao ang campus may isang lugar pa din namang tahimik dito. Ito ay matatagpuan sa likod ng library, mapuno, mahangin at payapa.
Malayo sa maiingay at magugulong studyante na walang ibang ginagawa kundi magpakasaya.
Nakarating ako sa likod ng library, naglalakad ako at binalak ko ng umupo sa ilalim ng isang puno ng makarinig ako ng isang magandang tinig, hindi nya binibigkas ang bawat linya ng kanta pero rinig at ramdam ko naman na galing sa puso ang bawat himig na nakalapat dito.
Hinanap ko kung saan ito nanggaling, hanggang makita ko sya sa likod ng matataas na damo, bakante ang pwesto nya na tila sinadyang linisin para mapwestuhan. Marahan akong lumapit sa kanya si Arian ba yon? Tanong ko sa sarili ko.
Nakumpirma kong si Arian nga ito ng makalapit na ko ng tuluyan dito, nasa likod nya ko at bahagya kong tinignan ang ginagawa nya, naka earphone sya at tila sumasabay sa himig ng kanta.
Gumuguhit sya at tila pamilyar ang mukha ng isang lalaki na malapit na nyang matapos.
"Naghahanap ka rin ba ng tahimik na lugar? Bigkas nya saka tinanggal ang nakapasak na earphone sa kanyang tenga kasabay ng pag lingon nya sakin.
Bahagya akong nagulat dahil alam pala nyang nasa likuran nya ko kaya pinilit ko nalang na sumagot. "P-parang ganon na nga? Sorry hindi ko sinasadyang tignan. Sabe ko dahil nakita kong tinago nya ang ginuguhit nya.
"Okay lang Miss Imogen. Napakunot ang noo ko dahil kilala rin pala nya ko.
"Kilala mo ko? Tanong ko.
"Yah. Plain nyang sagot.
"Pwede ba kitang tabihan? Tanong ko dahil ramdam ko ang lungkot nya. Tumango sya sakin kaya mabilis akong kumilos at umupo sa tabi nya.
"Malungkot ka din ba dahil sa nakita mo kanina? Tanong nya habang nakatanaw sa malayo pinipilit nyang ngumiti pero hindi sya masaya.
"Ha?
Humarap sya sakin saka ngumiti, maganda sya, sexy at tila mabait. Nakakapagtakang hindi sya nagustuhan ni Ride, At bakit si Seira pa? they kissed in the office? So cheap!
"Gusto mo Si sir Riddle Right? Tanong nya sakin, hindi ko alam ang isasagot ko. Gusto ko si Ride pero tila dapat ko na syang kalimutan. Taon na ang lumipas, saglit lang din kami nagkasama noon kaya hindi siguro tamang minahal ko sya ng sobra. Do I really need to forget about this Love?
"What kind of question is that? Hindi ba dapat ako ang nagtatanong sayo nyan? Alam at kita kong gusto mo si Sir. Ride. Kaya nga ginuguhit mo ang mukha nya hindi ba? Sagot ko, ngumiti sya at bumuntong hininga.
"Gusto ko sya noon pa, kaya simula noon ay tinanggap ko na rin na kahit kaylan ay suntok sa buwan ang nararamdaman kong pag ibig sa kanya.
"Bakit ganyang ka magsalita?! kung mahal mo sya dapat positive ka. Hindi yung sumusuko kana agad. Alam mo naniniwala ako na kung mahal mo ang isang tao dapat ipaglaban mo para at the end of the day hindi man kayo magkatuluyan at least you did your best lumaban ka ng patas kaya wala kang pagsisisihan.
"Si sir ride ang gusto ko Miss Imogen, wag mong palakasin ang loob ko dahil gusto mo din ang taong gusto ko. Sige ka baka ako ang manalo kapag pinaglaban ko sya.
"And so? Miss Arian hindi naman siguro masama ang ginagawa ko. Babae rin ako, nagmamahal at nasasaktan. Hindi ko to sinasabe bilang karibal sinasabe ko to bilang kapwa mo babae. Kase alam mo ako? gusto kong lumaban mahirap man pero buo na yung loob kong gawin yon and it was all because of Love. Cheer up! And let's fight for Love.
"So okay lang sayo na sakin sya mapunta? Tanong nya, napatigil ako at saka nagsalita.
"Of course not! syempre ipaglalaban ko din yung feelings ko no, Kaya dapat ganon din ang gawin mo.
Natawa sya sa sinabe ko kaya napa pout ako. "Bakit mo ko tinatawanan? Pinapalakas ko kaya loob mo!
"Miss Imogen para ka palang bata behind your beautiful face kindness are still existing in your personality no doubt magugustuhan ka nga ni Sir Riddle. Natatawa nyang sabe.
Napanguso ako lalo dahil sa sinabe nya, I can't consider it as a complement dahil gusto ko na maging matured.
"Miss Arian? may relasyon po ba si Ma'am seira at si Ride? Alangan kong tanong dahil hindi mawala ang nakita ko. Magkalapit ang mukha nila kaya hindi na sila dapat pang magpaliwanag!
"Wala. But they are close, Nakakainggit kase mas madalas pa silang magkasama kesa sakin na secretary nya. Lumalabas sila, Nagbabar, gumigimik at nagkiss pa kanina, I wonder how many times did she kissed him?
Natahimik ako, hindi ko gusto yung mga narinig ko dahil ako dapat yung kasama nya sa lahat ng oras na masaya o malungkot sya pero iba na ngayon hindi nalang ako ang naghahangad na makuha sya, Matapos ko sya iwan may karapatan pa ba kong angkinin ang taong minsan kong tinalikuran?
"Arian ano bang nakita mo kay Ride? I felt like you're deeply inlove with him. Siguro naging mabuti sya sayo para mahulog ka ng ganyan sa kanya? Napangiti si Arian saka tumingin sakin alam kong sa loob ng dalawang taon maraming nangyare sa buhay ni Ride kasama ang mga taong nagmamahal sa kanya ngayon.
"Hindi naman sya mahirap mahalin miss Imogen, Actually wala syang ibang ginawa kundi ipamukha sakin na hindi nya ko gusto. But the thing is he never let me down, Lahat ng trabaho ko maayos man o hindi naappreciate nya. Mabuting tao si Sir, that's why I admire him.
"Yah, I agreed. Plain kong sagot. Napabuntong hininga ako, I think Arian was hooked by Riddle's kindness. Mabuting tao nga talaga sya.
Tumingin si Arian sakin saka inabot ang kamay I think she offers hand to shake?
"Take my hands, Masaya na ko kahit hindi sakin mapunta si Sir riddle you know why? kase alam kong ikaw talaga ang mahal nya since then. Si Ma'am seira? she's nothing with Sir. Riddle. Kaya wag mong hayaang maunahan ka ni Ma'am seira I know her.
"What do you mean? tanong ko dahil aside sa pagsuko nya tila alam nya ang kulay ni Ma'am seira.
"Snow hindi ko gustong sabihin to pero si Seira? gusto talaga nya si Sir. Alam mo bang ilang beses na nyang kinumbinsi si Sir na tanggalin na ko sa serbisyo?
"She really did? taka kong tanong.
"Yes she did. Pero dahil sa ginagawa nya mas lalo kong nagustuhan si Sir, pinagtatanggol nya ko sa lahat ng di magandang accusation ni Seira.
"Talaga?
"Miss Imogen make a move.
"What?
"Kunin mo si Sir Riddle kay Seira, minsan na nya kong napaikot. I tried to seduced mr. Ford dahil sa kagagawan ni Seira. Pinagsisisihan ko iyon.
"Arian wag kang magpaubaya. Why don't you gave yourself a chance?
"I already gave myself a Chance. And this is how It goes, kung saan sya magiging masaya doon ako and it was you Miss Imogen Love is not about me, it's all about his happiness kaya kong masaya dahil pinili kong palayain sya, maybe mr. right is yet to come? Nakangiti nyang sagot.
Inabot ko ang kamay nya, ngumiti ako dahil sa pagpaparaya nya. Ilang babae na kaya ang napaibig ni Sir ride?
May pag asa pa ba ang pag ibig na minsan ng pinaglayo ng tadhana? O dapat ng kalimutan para makapag umpisa na sa bagong pag ibig na handang dumating para sagipin ang pusong minsan ng nasaktan?
YOU ARE READING
I'm her rapist
RandomA man who fool by Loved, Though by Love and Trying to defined what Love is. Could you trust someone who take your purity? Or Revenge will justify the means of Love. A girl with beautiful body, character, mind, heart and soul will turns into vengefu...