YUNO's POVKanina pa pumunta sa office ni Sir Ride si Snow kaya sure ako na nakapag usap na sila pero bakit parang masyadong matagal?
Lumipas pa ang ilang minuto at napagdesisyunan ko ng puntahan ito sa office ni Sir. Baka mamaya ay pinagagalitan sya, at pag nangyare yun I'm sure imbes na mag kaayos ay lalong lalaki ang gulo sa pagitan nila.
Para silang aso't pusa kung mag away. Naglakad ako hanggang sa marating ang Dean's office kung saan pinapunta si Snow. Kumatok ako saka ko hinawakan ang door knob. Nakalock ito?
(Tok,tok) "Sir Ride si yuno po ito. Sabe ko matapos akong kumatok. Nakakapagtaka lang dahil nakalock ang pinto, wala ring sumagot kaya dinikit ko ang tenga ko sa pinto at pinakiramdaman ang nangyayare sa loob.
(Tok,tok) "Sir? Anjan pa po ba si Snow? Sambit kong muli ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang bumukas ang pinto ng office. Si Sir Riddle ang nagbukas nito, plain ang hitsura at malalim ang mata.
"You can take her home Yuno. Tapos na kami mag usap. Sabe ni Sir habang maglalakad papunta sa upuan nya. Bumaling naman ako kay Snow na ngayon ay nakaupo sa kabilang side ng table ni Sir at nakayuko.
"Snow? Lumingon sya sakin saka pilit na ngumiti. Parang may kakaiba pero hindi ko masabe kung ano ito.
"Are you okay?
"Okay lang sya tinuruan ko lang sya ng leksyon Yuno. Don't worry wala akong ginawang masama sa kanya lahat ng ginawa ko ay para sa ikabubuti nya at lahat ng ginawa ko ay ginusto nya. Sabe ni Sir sabay tingin kay snow.
Nakita kong naningkit ang mata ni Snow kay Sir matapos magsalita na parang ano mang oras ay kaya nya itong babarahin at bitawan ng matinding rebuttal na aabot sa level 99 na makakatalo sa matinding banat ni Sir ride pero hindi nya ginawa at ang tanong bakit?
Inabot ko ang kamay ko kay Snow para itayo sya pero hindi nya ito inabot. Tinignan nya lang ito saka mag isang tumayo. "Yuno let's go? Sabe nya saka naglakad. Iniwan nya lang ako na tila walang gana makipag usap sakin. What's wrong with her?
Pinagmasdan ko ang unti unti nyang paglayo pero pinilit kong bumalik sa ulirat.
"Hindi mo ba sya susundan? tanong ni Sir.
"S-sir aalis na rin po ako. Paalam ko dito saka ako mabilis na mag lakad ni hindi ko na nilingon si Sir dahil gusto kong mahabol si Snow.
"Okay? Take care yuno. Rinig kong sabe nya bago ako tuluyang makalayo.
Pilit kong hinabol si Snow. Ano kayang napag usapan nila? pinagalitan kaya sya kaya sya ganito? kanina lang naman ay okay naman kami pero ngayon hindi na. Iwan daw ba ko mag isa? tsk.
"Hey Snow? Anong nangyare sa inyo? Pinagalitan kaba?
"Nope. Nag usap lang kami that's it.
"Nag usap? You mean hindi kayo nagtalo gaya ng ginagawa nyo sa klase? Taka kong tanong dahil sa bawat araw na nag daan walang meeting na hindi sila nagkakapikunan. Palaban kase tong si Snow.
"Yah? As in usap lang talaga. Sagot nya na parang masaya.
"Kaya ba masaya ka?
"H-ha? Ako masaya? Hindi noh! bakit naman ako magiging masaya dahil lang sa nakausap ko sya?! Mabilis nyang tanong.
"I don't know? Pero yan kase yung nakikita ko sayo.
Napatigil sya sa pag lalakad maging ako. Marahan din syang humarap sakin saka mag iba expression ng mukha.
"Yuno? I have to tell you something.
Nakatitig lang ako sa kanya habang hinihintay syang magsalita, Nasa parking lot kami. Konti nalang ang tao sa paligid sapat para narinig ko ang boses nya kahit nasa unahan sya hanggang sa tuluyan na syang nagsalita bawat salita at pagbigkas nya tila isang mahabang liriko ng kantang ang hirap tanggapin. "Thank you for being a good FRIEND to me Yuno.
"Friend? Snow fiance mo ko. I'm not your friend anymore. Sagot ko sa kanya saka pilit na ngumiti. Until now Friend pa rin ako sa kanya?
"Yuno naman? Alam mo namang kaybigan lang ang tingin ko sayo di ba? at alam kong alam mo yon.
"Snow uulitin ko sayo. We don't have any choice aside for doing what they want. Para sa company ang lahat remember that. Plain kong sagot nakaramdam din ako ng inis at kirot dahil sa sinabe nya.
"Yuno we don't deserve this. Kaylangan natin maging masaya sa sarili nating paraan hindi yung puro company nalang!
"So gusto mong maging makasarili? Okay fine. Umatras ka sa kasal magpakalayo layo ka gawin mo lahat ng magpapasaya sayo, gawin mo lahat yan kung kaya mong iwan ang daddy mo! Galit kong sabe.
Nakita kong nag iba ang expression ng kanyang mukha, I was hurt. Lalo sa salita nyang KAYBIGAN LANG ako sa kanya. Kababata ko sya at simula magkaisip ako sya na ang nag iisang dahilan kung bakit ako nangangarap.
"Yuno? We deserved to be Love. Hindi naman pagiging makasarili yung gusto ko di ba? All I want is happiness masama ba yon?
Bakas sa mukha nya ang lungkot sa bawat salitang binibitawan nya but she doesn't understand me. I love her more than a friend, tingin ba nya hindi ko sya kayang pasayahin?
"Snow masaya naman tayo di ba? kaybigan palang ang tingin mo sakin pero masaya't kuntento na tayo what more kung kasal na tayo?
"Yuno naman I want... Real relationship. Yung mag boyfriend at girlfriend na dumaan sa ligawan tapos sasagot ako ng OO kase finally sinagot ko na ang manliligaw na yon, that's all I want. Sabe nya habang napapailing sa sagot ko sa kanya.
Natatakot din kase akong magtapat dahil baka lumayo sya at tuluyang umurong sa kasal kapag inamin kong gusto ko sya higit pa sa pagiging kababata o kaybigan. Ayokong masira ang pagkakaybigang iningatan ko sa loob ng halos 15 years.
"Mahirap ba kong mahalin? Tanong ko sa kanya.
"Sira! ano bang tanong yan? alam yuno napaka swerte ng babaeng magugustuhan mo Kase matalino ka mabaet gwapo at masipag. Sayang kung sakin ka mapupunta! Sagot nya saka pilit na tumawa.
Napangiti ako, knowing that she doesn't know that she was the girl I Loved since then. "Swerte ka snow hindi mo lang alam. Bulong ko sa sarili ko at least na aappreciate nya ang lahat ng characteristic na taglay ko.
Ayokong makipagtalo sa kanya. She's vulnerable and I don't want to hurt her.
Lumakad ako palapit kay snow saka ko sya niyakap. Tinapik ko ang likod nya para pagaanin ang loob nya dahil alam kong gusto talaga nya ng kalayaan pero hindi ko yon kayang ibigay. Hilingin na nya lahat wag lang iyon. Natatakot akong mapasaya sya ng iba kung pwede lang ay pakasalan ko na sya ngayon din. I want assurance.
"Yuno sorry kung ang kulit ko ha? Gusto ko lang kase talaga bumuo ng sariling kwento na ako mismo ang gumawa hindi yung dinikta lang para sa kumpanya.
"It's okay Snow, alam ko namang simula pa noon makulit kana e. Sagot ko.
Parehas kaming tumawa, magaan ang loob namin aa isa't isa and I'm happy for that. Kaya ko syang mahalin at bigyan ng masayang kwento gaya ng gusto nya Pero mangyayare lang iyon kung mapapakasalan ko sya.
"Umuwi na tayo? Sabe ni snow.
Nagbitaw kami at sumakay sa kotse saka tahimik na nagdrive pauwi. Maya maya ay nakita kong tulog na si Snow halatang napagod sya ngayong araw.
Maamo ang kanyang mukha at mabuti ang kanyang kalooban. Sino ba ang hindi magkakagusto sa tulad nya? Napaka swerte ko at ako ang napiling ipagkasundo sa kanya para maging asawa dahil dito hindi ko hahayaang maagaw pa sya ng iba.
Ako ang lalaking makakasama nya bumuo ng pamilya, ako ang lalaking maghihintay sa altar para pakasalanan nya, ako din ang lalaking tutupad sa pangarap nya at ang lalaking gagawa ng masayang kwento gaya ng pangarap nya.
I don't care if she's a victim of rape. I love her no matter what.
YOU ARE READING
I'm her rapist
RandomA man who fool by Loved, Though by Love and Trying to defined what Love is. Could you trust someone who take your purity? Or Revenge will justify the means of Love. A girl with beautiful body, character, mind, heart and soul will turns into vengefu...