Chapter 34: TOTGA

1.5K 40 0
                                    

I was walking inside the mall with Marc and Lea, namimili kami ng mga gamit ni Lea sa pagbubuntis nya. 

"Lea what's your plan? Tanong ko habang tumitingin ng mga gamit na pambaby. Mabuti at normal na ang turing namin sa isat isa no hard feelings or anything Awkward between me and Lea.

"My plan? Maybe I will raised my child alone, ayokong mahawakan sya ng tatay nya lalot nakalulong na ito.

Napalingon ako sa kanya dahil sa sinabe nya. "Nakakulong? Tanong ko.

Tumango si Lea saka bumuntong hininga, humarap sya sa kabilang side para tumingin ng ilang gamit.

Kinalabit naman ako ni Marc saka pinandilatan ng mata. "Okay fine hindi na ko magtatanong ngayon! bulong ko kay Marc. Kaya naman umikot pa ko sa di kalayuan para tumingin ng mga gamit or pang design sa bahay.

"Hey Ride and marc? Pwede ba tayong kumaen? I'm a little bit hungry. Saad nya na agad naming pinagbigyan. Lalabas na sana kami ng mall ng may nakita akong pamilyar na mukha. Si megan ba yun? tatawagin ko sana sya pero bigla syang tumalikod.

Pero laking gulat ko ng may makita akong magandang babae, Maputi na tila hindi nasisinagan ng araw dahil sa maputla nitong kulay, agad naman akong napabaling sa tila mapula nyang mga labi dahil sa kulay nitong natural, Hindi ako pwedeng magkamali, It was The girl in the ball. My Cinderella.

Nakita ko syang bumili ng isang halaman sa isang stall sa mall. Hanggang sa napansin ko nalang na paalis na pala sya, kusang humakbang ang aking mga paa para puntahan at habulin sya, this time I'm not going to let you run away with me. Mabilis ko syang nalapitan at tinawag.

"Cinderella? Cinderella?! tawag ko pero Hindi sya lumingon kaya mas lalo ko pang binilisan ang pag habol sa kanya kahit na alam kong may mga nakatinging iba.

"Hey, Sabe ko saka ko sya hinawakan sa kamay. Hindi ako pwedeng magkamali, this is the same hands I was holding during the dance, the same face I was looking at that makes me feel high and the girl that makes my night amazing even though she leaves.

Natigilan sya at halatang nagulat. Nangungusap ang kanyang mga mata, I think she's much familiar with a very simple look today. A red lips and White Skin? Parang syang si Snow! Sabe ko sa sarili ko pero kalaunan ay natawa nalang ako dahil imposibleng maging sya si Imogen Snow na masungit dahil hindi nagsusuot ng maiksi at hindi lumalabas si Snow.

This Girl was wearing a shorty short with a simple red off shoulder and light make up on her face. Nakita ko syang ngumiti saka sinuklian ang pagkakahawak sa kamay ko. Yes, she hold my hands, Hindi ko alam pero napangiti nalang din ako hanggang sa matawa sya.

Tumaas ang kilay nya na parang nagtatanong kung anong pakay ko sa kanya. Dito mas naiisip kong hindi sya si Snow, kase kung si Snow sya malamang sinigawan na nya ko at pinagbantaang papatayin. She's a little bit sadists and scary especially when she's mad.

"You are---

"Yes, I was the girl. Plain nyang sagot. Bumitaw sya sa pagkakahawak at yumuko.

"Why? tanong ko.

"Because of the kiss? Naiilang nyang sabe saka muling inangat ang ulo at pilit na ngumiti.

Hindi ako nakasagot, I don't know but for me it wasn't a valid reason. "Dahil lang don? tanong ko.

Tumango naman sya saka tumawa. "May nakakatawa ba? tanong ko.

"I'm sorry, talagang nabigla ako ng time na yun kaya wala akong ibang nagawa kundi umalis, Alam kong may girlfriend ka so nahiya ako isa pa nastarstruck ako kase ang lalaking kasayaw ko pala na si Riddle Ford ay ang taga pagmana ng Dimson academy, Maybe I was A little bit desperate to be with you that night, sorry.  Sagot nya.

I'm her rapistWhere stories live. Discover now