Chapter 42: The key

1.6K 55 0
                                    

Mabilis akong umalis sa bahay para puntahan Si Snow, hindi ako susuko lalo't may mga taong naniniwala sakin gaya nila Marc. Maghihintay ako hanggang sa mapatawad nya ko at mawala na lahat ng galit na meron sya. Ngayon pa ba kung kelan kilala ko na ang tunay na sya?

Agad akong napahinto ng makita ko ang ilang mga lalaki mula sa loob ng bahay ni Snow na naghahakot ng mga gamit.

"Kuya? Bakit po ninyo nilalabas ang mga gamit ni Snow?" taka kong tanong sa mga ito pero masyado silang busy para masagot ang tanong ko ni hindi man lang sila nag abalang sagutin ang tanong ko.

"Kuya asan na po yung nakatira dito? Tanong ko muli sa isa pang lalaki pero ni isa sa kanila ay walang gustong sumagot. Naiinis na ko dahil para silang nananadya!

"Kuya hindi nyo po ba ko naririnig!?" inis kong tanong. Hanggang sa may isang lumapit sakin.

"Si ma'am snow po ba hinahanap nyo?" tanong ng isang matandang babae na galing sa loob.

"O-opo." Sagot ko habang binabalot ako ng matinding pag aalala at kaba dahil baka umalis na sya at di ko na sya makita pa.

"Naku wala na po sya dyan kagabe pa po sya umalis kaya pinapahakot na nya lahat ng gamit nya." Sagot nito.

"Po? p-pero kausap ko lang sya last time?" Sabe ko.

"Biglaan din po ata Sir. Wala na po sya dyan pasensya na."

"Saan sya pumunta? pwede mo bang sabihin sakin?!"

"Pasensya na ho, hindi po kase kami pwedeng magbigay ng personal na impormasyon lalo't hindi namin kayo kilala." Sagot nito.

"Bakit naman e kaybigan naman nya ako?"

"Pasensya na ho talaga." Saad nito. Nakaramdam ako ng inis ayokong maniwala na wala na sya kaya pumasok ako sa loob at sinubukan syang hanapin.

"Snow?!! Imogen? andito kapa hindi ba?! tawag ko dito. Pinuntahan ko ang sala, Comfort room kitchen maging ang kwarto pero wala akong nakitang Imogen Snow. Hanggang sa napaupo nalang ako sa kamang minsan ko ng tinulugan ng malasing ako, ang una naming pagkikita, Hindi ko ata malilimutan ang unang beses ko syang makita. My creepy and snobbish little Snow that keeps me hanging for a couple of times, as Sunako, sudako, Cinderella and Snow white.

Halos lahat na yata ng gamit ay malapit ng mailabas, habang pinagmamasdan ko ang unti unting pagkaubos ng mga gamit mula rito ramdam ko ang nanunuot na sakit dahil sa biglaan nanaman nyang pagkawala. What if tuluyan ko na syang hindi makita?

Nakakapanlumo, hindi ko alam ang gagawin ko. "Bakit ba napaka bilis mo laging mawala?" tanong ko mula sa kawalan.

"What are you doing here?" Tanong ng isang pamilyar na boses. Napaangat ang ulo ko dahil sa tila mala-Angel na boses aking narinig.

Nilingon ko ang pinanggalingan nito at doon ko nasilayan si Imogen Snow.

Nagkibit balikat ito ng hindi ako nakapagsalita. Wala na ang kanyang makapal at mahabang buhok, hindi na sya manang manamit. She's hot enough to distract my serious mood this time. She's not literally the Snow I've met before, she is my Cinderella this time, the one that got away during the ball.

"Balak mo bang iyakan yung kwartong to kung hindi ako dumating?" biro nya sakin. Her smile is pure. Parang napaka gaan na ng presensya nya unlike before. Hindi ko alam pero bigla akong nabuhayan dahil sa pagdating nya gusto kong magsalita pero wala akong masabe.

"Hey? can you please stop starring at me?" sabe nya saka marahang lumapit sakin. #Speechless

"Bakit wala kanang bangs? at bakit maayos ang suot mo?" tanong na kusang lumabas sa bibig ko.

I'm her rapistWhere stories live. Discover now