Chapter 31: Evidence of the past

1.7K 50 0
                                    

IHR

"Wow? Dito ka talaga nakatira?

"Yup! Hindi halata no? Hindi naman kase ako halos lumaki mismo sa luho. Sagot ko kay megan habang naglilibot sa mansion kasama si Imogen Snow. I invite them for a dinner and for peace offering ko kay Snow dahil sa nagawa kong pang iinis sa kanya sa campus.

"Halata nga Ride! kase kung hindi ka maputi at gwapo iisipin kong bakla ka! masyado kang iyakin pag nalalasing e. Biro ni Megan.

"What? gay? Tsk! sobra ka naman. Well, daddy's boy ako tsaka hindi uso sakin ang pagiging seryoso. Mababaw luha ko specially when it comes to my family. Bawal kase ako maging masyadong seryoso, it's not good for my heart.

"Snow are you okay? tanong ko dahil kanina pa sya tahimik habang naglilibot.

"Yes I'm okay. Plain nyang sagot. Mukhang galit pa din sya sakin dahil sa paghawak ko sa kamay nya doon sa campus.

"Hmm, gusto nyo punta na tayo sa kitchen para makapag dinner na? tanong ko dahil mukhang hindi komportable si Snow sa bahay. Ni hindi ko man lang sya marinig magsalita or tumawa. Kahit ngiti wala.

"Ah sige ride mukhang kaylangan na nga natin kumaen wala yata sa mood si Imogen? Sagot ni Megan saka kami pumunta sa kitchen.

"Hindi ako nagugutom pwede pa ba tayong maglibot? sabe ni Snow na ikinagulat namin ni Megan.

"G-gusto mo pang maglibot? tanong ko bilang paninigurado sa sinabe nya.

"Sure ka Snow? dagdag pa ni Megan. Tumango naman si Snow kaya naman ginanahan akong itour sila sa bahay. Narating na namin halos lahat ng sulok sa bahay at ang huling parte ay ang study room namin ni Daddy.

"Anong nasa loob ng kwartong iyon? tanong ni Snow habang nakaturo sa study room.

"Ah ayun ba? that is our study room.

"Study room? tanong ni Snow, lumapit ako sa tabi nya saka tumango.

"Tara pasukin natin? yaya ko sa kanila.

Pumayag naman sila at sumama sakin sa loob. The room was Large and the design was antiquated for it was fountain headed by their old friend Jade Arevalo whose secretly inlove by my mother. Si daddy Dim ang witness sa lahat ng sacrifice ng kaybigan nilang si Jade para kay mommy Trixie but sad to say they are not for each other. Sa paglipas ng panahon pinili pa rin ni Daddy dim na Ipalam ang lahat ng paghihirap ng kaybigan nya para kay mommy hindi para baguhin ang nakaraam kundi para maalala nila ang lahat ng hirap at sayang nalampasan nila para makabuo ng isang pamilya.

Alam ni Tito Jade na mahilig si Mommy Trixie sa novel kaya gumawa ito ng layout ng isang study room na para lang kay mommy Trixie pero hindi na nya ito napagawa dahil sa paglalayo ng kanilang mga landas. Dahil dito si Daddy dim na ang mismong nagpagawa nito kay mommy Trixie and personally design by her lover Jade Arevalo.

Marahan kong binuksan ang pinto and I'm proudly present it to Megan and Imogen snow. Nakita kong napatigil si Snow maging si megan sa nakita nila. Isang malaking kwarto na punong puno ng mga libro.

"Totoo ba to? this is so amazing! tulalang tanong ni Megan. Masyadong malaki ang kwarto para maging study room lang ito rin kase ang nagsisilbing puso ng bahay naming ito, full of books and stories written by my mother.

May limang table na nakalagay sa loob ng kwarto and the rest is puro libro na. Lahat ng sulok ay punong puno ng shelves na may libro, Pumasok si Megan saka tuwang tuwa sa pagtingin ng ibat ibang babasahin.

"Do you like it guys? masaya kong tanong. Napabaling naman ako kay Snow na ngayom ay nakatayo lang at nagmamasid lang sa paligid.

"Lahat ba ito nabasa mo na Ride? tanong ni Megan.

"Nope, The number of books here in our library is approximately 500,000? I'm not sure? Yung iba is gawa ni Mommy. Kahit gaano yata ako hilig magbasa ay hindi ko pa rin ito kayang tapusin. Sagot ko.

"Sa lahat ng lugar Ride ito ang pinaka nakapagpabilib sakin! napaka ganda ng lugar na to aside sa mga books ang pinaka set up ay nakakamangha rin maging ang pagkakaayos at mismong design.

Napangiti naman ako dahil nagustuhan ni Megan, kaya bumaling ako kay Snow na ngayon ay nakatitig sa isang malaking larawan sa taas ng pinto. Habang si Megan ay aliw na aliw sa kakatingin ng mga librong naririto.

"Snow are you okay? tanong ko saka ko sya nilapitan hindi sya sumagot kaya isa isa kong pinakilala ang mga tao sa larawang pinagmamasdan nya.

"what a happy picture right? gusto mo ba silang makilala? tanong ko, pero gaya kanina hindi rin sya sumagot kaya kusa na akong nagpatuloy.

"they are the complete friends of my parents, My two mothers Trisha and Trixie obviously they are twins and my father dim the two boys are Tito Clarence na naging asawa ni Mommy Trixie but suddenly died at si Tito Jade na sekretong nagmahal kay mommy Trixie, sad to say hindi sila nagkatuluyan at magpaubaya nalang sya. Sila ang dahilam kung bakit ako may masayang pamilya ngayon thanks to them. Sabe ko, tumingin ako kay Snow pero hindi ko malaman kung anong iniisip nya, blanko ang kanyang mukha at nanatiling nakatingin sa larawan.

"May problema ba? tanong ko pero kahit anong tanong ko ay wala akong nakuhamg sagot ni isa sa kanya.

"Ride? Ridddee? tawag ni Megan kaya mabilis akong lumapit sa kanya.

Nakatingin sya sa isang sapatos na nakalagay sa gilid ng study table ko, ito ang sapatos na iniwan ng babaeng nakasayaw ko sa ball.

"Ano yun Megan? tanong ko.

"S-saan mo nakuha ito? nagtataka nyang tanong.

"Ah yan ba? Hindi ka maniniwala pero kay Cinderella yan. Nakangiti kong sagot.

"Cinderella??

"Yah, I called her Cinderella dahil gaya sa kwento nakasayaw ko sya pero bigla syang umalis at naiwan ang sapatos na ito. Kinuha ko ito dahil gusto ko syang hanapin, she keeps me hangging at hindi ko alam kung bakit, maybe it is because of her kiss.

"Kiss?

"Yes, then she leave the ball running with her beautiful gown.

"Iniwan ka nya? Tanong nya.

"Oo, hindi ko alam pero mukha talagang fairytale. Natatawa kong sagot.

"Pwede ko bang tignan? tanong nya.

Tumango naman ako saka nya ito sinimulang tignan.

"Hm kilala mo ba ang may ari nyan? tanong ko.

"huh? H-hindi. Familiar lang siguro. Sabe ni Megan saka ngumiti.

"Megan? We have to go. Plain na sabe ni Snow.

"Aalis na kayo? pero hindi pa tayo kumakaen?

"I'm sorry Ride, I'm not feeling well maybe we can have a dinner in some other day. Sagot nya saka hinila si Megan.

"A-aray! S-sige aalis na kami. Naguguluhang sabe ni megan.

Mabilis silang nakalabas sa study room at agad ko na silang hinabol.

"Okay! Just wait for a second. Kung ayaw nyang kumaen please allow me to offer you a Ride please?

Hindi na sumagot si Snow at mabilis na hinila si Megan, nakita ko namang tinanguan ako ni megan kaya sumunod na ko at hinatid sila.

Tahimik ang naging byahe namin sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Iba ang mood ni Snow sa byahe kaya hindi ko na pinilit pang kausapin.

Makaramdam ako ng konting lungkot dahil hindi man lang kmi nakapag dinner at mabilis pa silang umuwi, but then gaya ng sinabe nya maybe next time?

"Riddle ford thanks for the Ride. Sabe ni Megan saka nagwave at tuluyang pumasok sa kanilang bahay.

Ni hindi man lang ako sinulyapan ni Snow kahit isang beses lang, mabilis syang pumasok sa bahay without any words.

"Haysst. Ano bang problema sakin?

Sandali akong tumayo sa harap ng bahay nya, Habang nakapasok ang kamay ko sa bulsa at nag iisip. "I know that there's something with her, I will find it Snow. sooner or later Makikilala kita, makikilala ko ang totoong Snow. At pag nangyare yon hindi mo na kaylangan pang manatili sa madilim mong mundo.

I'm her rapistWhere stories live. Discover now